GORGY RULA
Inaasahang manganganak na si Pauleen Luna sa susunod na linggo.
Tinanong ko ang actress/TV host kung malapit na siyang manganak, “due ko si Mid-January,” kaagad na text sa akin ni Pauleen.
Kaya pinaghahandan na raw niya ito, dahil baka caesarian ang panganganak niya.
Caesarian din kasi nung iniluwal niya si Talitha. Ayaw na niyang magpa-pressure kaya nagbakasyon muna sila nang ilang araw sa hot spring resort sa Los Baños, Laguna na pag-aari ng magulang niya.
Ilang araw silang nag-bonding at na-enjoy ni Tali ang paglalangoy roon. Dalawang resort ni Mommy Chat (ina ni Pauleen), ang Chat 1 at Chat 2, ang in-occupy nila.
Sabi sa amin ni Mommy Chat ni Pauleen, first time daw nakita ni Vic Sotto ang ipinagawa niyang resort sa Laguna, at talagang bonding daw sila roon na ikinatuwa ni Tali.
Sabi naman sa amin ni Pauleen, si Tali ang pinaka-excited sa lahat sa panganganak niya, dahil talagang idinasal daw ng panganay nila na magkaroon ito ng baby sister.
Hindi pa mai-share sa amin ni Pauleen kung ano ang ipapangalan niya sa kanilang magiging baby.
Pinag-iisipan pa raw niya kung paano niya magamit ang pangalan ng dalawang lola (si Mommy Chat ni Pauleen at ang namayapang ina ni Bossing Vic).
Kaya hindi pa raw niya masabi sa amin kung ano ang magiging name ng iluluwal niyang baby.
JERRY OLEA
Kamakailan lang ay ipinost ni Pauleen ang kuha niya kay Tali nung 3 days old pa lang ito na pini-feed niya ng gatas sa maliit na baso.
Feel na feel na raw kasi nitong maging ate sa magiging baby sister.
Bahagi ng caption sa IG post na iyon, “I can’t believe that in a few days, I will be holding our new baby girl in my arms. Thank you dear God for blessing us with another miracle… You have been so gracious to us. Walang katapusang pasasalamat sa Iyo.
“And to my dear baby Ate Tali, I know you have been praying for a baby sister, this is it! I know in my heart you will be a loving ate to her.
“My prayer is that you’ll both grow knowing that you’ll always have each other’s back. What an incredible gift it is to have a sister in this world! I am so excited for you!”
Akala ng mga kaibigan ni Pauleen, nanganak na siya sa post niyang iyon na sanggol pa si Tali.
View this post on Instagram
NOEL FERRER
More blessings. More baby stories. More happy coverages.
Para simulan natin ng saya ang taon.
Meron nang mga naunang balita ng pamamaalam at hiwalayan at awayan, pero mas gusto natin ang good vibes at good news na tulad nitong parating na panganganak ni Pauleen!
Advance Congratulations!!!
