JERRY OLEA
Tampok ang sampung official entries ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa inaugural Manila International Film Festival (MIFF) na gaganapin sa Enero 29-Pebrero 2, 2024, sa Los Angeles, California.
“Magkakaroon ng hiwalay na awards night sa L.A. Meron pong separate na jurors,” pahayag ni MMDA Acting Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Don Artes sa mediacon nitong Enero 9, Martes, sa New MMDA Bldg., Doña Julia Vargas Avenue, Pasig City.
“Nakita ko po personally yung list ng mga jurors, at yung qualifications po nila ay talagang mataas sa industriya ng pelikula sa Hollywood.
“Pero hindi po ibig sabihin na kung magkakaroon ng pagkakaiba yung mga awardees doon, na nai-invalidate yun pong award na binigay dito po sa MMFF dito sa Pilipinas.
“Hindi rin po ibig sabihin na kung nag-iba yung awardee doon ay mas magaling yung napili doon.
“It’s just that… magkaiba ang set ng jurors na namili. May kanya-kanyang perspective po yan.
“May kanya-kanyang pananaw. May kanya-kanyang panuntunan sa pagpili ng magaling na pag-arte, pagdirek, or magandang pelikula.”

Ang best actor ng MMFF ay si Cedrick Juan para sa GomBurZa, at ang best actress ay si Vilma Santos para sa When I Met You In Tokyo.
Ang best supporting actor ay si JC Santos para sa Mallari, at ang best supporting actress ay si Miles Ocampo para sa Family of Two (A Mother and Son Story).
Best picture ang Firefly, 2nd best picture ang GomBurZa, 3rd best picture ang Mallari, at 4th best picture ang When I Met You In Tokyo.
Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal
Sabi pa ni Atty. Don Artes, “Walang pinagkaiba, minsan nanalo sa Golden Globes ng best picture pero iba ang nanalo sa Oscars. Ganun din po ito.
“So, wala po dapat na comparison, or issue. Na komo hindi iyon ang nanalo rin sa Hollywood ay mali yung pagpili dito.
“It’s just that meron nga pong ibang pagtingin kada tao, or kada jury. So we just want to emphasize po yun pong ganung aspeto para mawala yung intriga.”
NOEL FERRER
Hinihintay na lang ang confirmation ng Star For All Seasons Vilma Santos (na nire-reconsider ang naunang pagde-decline ng invitation) at ng Megastar Sharon Cuneta (na ang sab’y mag-aayos ng mga commitments), at tila solid at formidable na ang lineup ng mga artistang dadalo ng kauna-unahang Manila Internatonal Film Festival sa Hollywood.
Nandiyan sina Christopher de Leon (When I Met You In Tokyo) at Piolo Pascual (Mallari, GomBurZa) na nag-confirm na dadalo.
Sina Dingdong Dantes (Rewind, Firefly) at Alden Richards (Family of Two) ay inaayos ang mga sked.
Confirmed din sina Beauty Gonzalez (Kampon), Janella Salvador (Mallari), at Ysabel Ortega (Firefly).
Hinihintay rin sa Hollywood si Eugene Domingo (Becky & Badette).
Ang MMFF 2023 Best Actor na si Cedrick Juan ay mag-aayos ng U.S. visa.
Hindi puwede si Alessandra de Rossi (Firefly) dahil sa NET 25 sitcom nila ni Empoy Marquez na May For Ever.
PEP Troika will get first crack sa mga balita roon sa Hollywood dahil sasama po tayo sa official delegation.
I’m looking forward to having an exclusive interview sa Pinay actress na gagawaran ng Lifetime Achievement Award doon na si Miss Hilda Koronel.
Si Hilda ang best actress sa 2nd MMFF noong 1976 para sa pelikulang Insiang na idinirek ni Lino Brocka.
GORGY RULA
Maraming pinaghahandaan ang MMDA at ang ExeComm ng MMFF para sa 50th year ng MMFF.
Pero ang sabi nga ni Chairman Atty. Don Artes, mag-focus daw muna tayo ngayon sa Metro Manila Film Festival 2023, dahil hindi pa ito tapos. Marami pa ring nanonood sa mga sinehan ng iba pang entries.
Read: MMFF 2023 nalampasan na ang box-office record ng MMFF 2018
Nakakatuwa ang ilang kaibigang itatapon na sana ang kanilang season pass, pero nang nabalitaang puwede pang gamitin hanggang January 14, tuwang-tuwa sila at nagpuntahan na sila sa sinehan para panoorin ang iba pang pelikulang hindi nila napanood.
Ang iba ay na-curious sa GomBurZa at Firefly, at hahabulin din daw nila ang Family of Two (A Mother and Son Story).
Namataan ko sa TriNoMa nung Martes ng gabi ang bagong presidente ng grupong SPEEd na si Salve Asis na maghahabol din sa panonood sa GomBurZa at When I Met You in Tokyo.
Nandoon din si Allan K at ang iba pang legit Dabarkads ng TVJ’s Eat Bulaga!. Kaya hintayin natin kung magkano pa ang kikitain sa extended na isang linggo na showing ng 49th MMFF movies.
Ang isa pang pinaghahandaan nila ay ang MIFF sa Los Angeles, California na magsisimula na sa January 29.
Inaayos pa raw ang schedule ni Alden Richards kung kakayanin dahil meron pa siyang commercial shoot.
Nasa Amerika na siya ngayon kasamang nagbabakasyon ang pamilya, pero next week ay nandito na siya sa Pilipins. Sisikapin daw nilang maisingit sa schedule niya ang MIFF.
Hindi raw kasi puwede si Sharon Cuneta, kaya ang isa pa sanang gusto nilang sumama ay ang Best Supporting Actress winner na si Miles Ocampo. Pero wala na palang U.S. visa si Miles.
Inaayos din ni Direk Perci Intalan ang schedule nina Eugene Domingo at Pokwang kung kakayanin ding mag-Amerika.
“Nagri-revenge taping na rin yata mga productions!” bahagi ng text message sa akin ni Direk Perci kaya aligaga na talaga ang karamihang artista sa mga trabaho nila.
Busy rin kaya ang lead actor ng Kampon na si Derek Ramsay sa negosyo niya kaya hindi siya nag-commit na dumalo sa MIFF?
Mabuti at umokey na ang co-star nutaf si Beauty Gonzalez kahit aligaga na rin ito sa promo ng season 2 ng sitcom nila ni Senator Bong Revilla na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis.
Ang inaabangan pa roon sa Amerika ay ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Curious na rin kasi ang mga kababayan natin doon sa pelikula nilang Rewind, bakit tinangkilik ito nang husto.
Pero si Marian ay tuluy-tuloy na sa drama series niyang My Guardian Alien kaya malabo siyang makapunta.
Sabi ni Dingdong sa PEP Troika, “Not sure yet, but we are working on it depending on our schedule.
“Best case scenario, it might just be me because Marian is taping her TV show in GMA. But again, I am still working on fixing the schedule due to other prior commitments.”
Sana nga, makarating doon si Dingdong dahil ang daming humuhulang baka siya ang mag-Best Actor sa awards night ng MIFF na gaganapin sa February 2.
Sana nga!
