PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

RS Francisco, Drag Club Owner, Applauds Pura Luka Vega's Act

RS Francisco, aminadong nalilito rin sa pronouns para sa non-binary.
by PEP Troika
Published Jan 9, 2024
rs francisco pura luka vega drag
Actor-businessman RS Francisco (left) on drag artist Pura Luka Vega's (right) past controversy: Yung ginawa niya and all, if that’s his art… kasi, yun yata yung pinu-push niya, e, even up to now, e. It’s his art. If that’s his art, wala po akong magagawa. I respect everyone’s expression of Art. But if let’s say, ang government, ang ibang tao, hindi matutuwa… well, that’s their ano na. Kumbaga sa akin, respeto lang sa akin kung ano ang art nila."
PHOTO/S: RS Francisco Facebook / @puralukavega on Instagram

JERRY OLEA

Sa lipon ng local drag queens, kontrobersiyal noong nakaraang taon si Pura Luka Vega na nakaayos-Nazareno habang inaawit ang remix ng "Ama Namin" sa isang night club.

Read: "Drag art"? Pura Luka Vega draws flak for "offensive" act of "Ama Namin"

Kinondena si Pura Luka Vega ng ilang senador at lider ng simbahan.

Idineklara siya ng labimpitong LGU bilang persona non grata. Inaresto siya at nakulong, ngunit nakapagpiyansa rin.

Read: Drag queen Pura Luka Vega declared persona non grata in several cities: "Tell me exactly what I did wrong."

Read: Pura Luka Vega released from police custody; fund-raising efforts surpass PHP500K

Welcome ba si Pura Luka Vega sa drag club na Rampa, na magso-soft opening sa Enero 17, 2024, sa puso ng Quezon City?

“Alam mo, OK ako sa lahat,” sabi ni RS Francisco sa mediacon noong Hunyo 6, Sabado, sa Karma Lounge, Morato Extension, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Co-owners ng Rampa sina RS, Loui Gene Cabel, Cecille Bravo, Ice Seguerra, Liza Diño, at ang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe, at Brigiding.

rampa owners

Rampa owners (from left) Loui Gene Cabel, Brigiding, Liza Diño, Precious Paula Nicole, Ice Seguerra, RS Francisco, and Viñas De Luxe

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni RS, “Walang masamang tinapay para sa akin. Ganun naman iyan, alam niyo naman iyan lalo na sa mga press friends ko — walang masamang tinapay sa akin.

“Go! Basta you know kung ikabubuti, ikaso-showcase ng talent niya, ipapakita and all that, go!”

Pero iyong controversial act ni Pura Luka Vega, OK ba iyon sa kanila? Personally…

“I don’t think gagawin pa niya yan, e. Kung ako ang tinatanong mo… you know, kasi wala po ako dun, e,” pagmamatuwid ni RS.

“Wala po ako dun, e, and marami rin kasi talagang cameras ngayon, maraming nagka-capture and all.

“Isasalungat ko lang nang konti, ililihis ko lang nang konti. Parang yung mga play po namin sa UP.

“Meron po akong play sa UP called LIVE AIDS. Na pinapanood po yan ng mga executives from ABS-CBN, from GMA, pinapanood po yan.

“And pasalamat po, wala pang camera nang mga panahong yun. Kasi, andami naming pinag-uusapan na mga ganun-ganun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Usap kami about this, about this politician, about this ganito, about this model, about this artista, and all.

“And baka na-taken out of context. Hindi ko po alam kasi wala po ako dun. At nakita ko lang, three seconds kay Pura Luka Vega.

“So, wala po ako sa posisyon na mag-comment about that… Yung ginawa niya and all, if that’s his art… kasi, yun yata yung pinu-push niya, e, even up to now, e.

“It’s his art. If that’s his art, wala po akong magagawa. I respect everyone’s expression of Art.

“But if let’s say, ang government, ang ibang tao, hindi matutuwa… well, that’s their ano na. Kumbaga sa akin, respeto lang sa akin kung ano ang art nila.

“OK sa akin. Kaya nga hindi ako puwedeng maging politician. Hindi talaga.”

NOEL FERRER

Deadma na muna kay Pura Luka Vega, nakaka-miss si RS at ang LIVE AIDS. Sana, magawa ulit nila itong bongga at trailblazing dahil kakaibang comedy at entertainment ang hatid nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaka-miss din si RS bilang alagad ng teatro, na huli nating natunghayan sa 2018 restaging ng M. Butterfly.

Sana, makabalik siya roon dahil kilala siyang magaling na thespian.

Ngayon, kilala siya bilang accomplished businessman, pero hindi complete ang RS Francisco kapag walang sining!

GORGY RULA

Naiintindihan ba ni RS si Ellen Adarna, na nalilito sa pronouns para sa non-binary?

Napabuntong-hininga si RS, “I’ll be honest with everyone. Even ako, as a part of the LGBTQIA+++, nalilito din po ako sa mga transsexual, transgender, asexual, agender, pansexual, demisexual, andami na po talaga!

“Sinasabi ko nga, para inclusive na, A to Z na lang, e. Huwag nang LGBT. A, B, C, D hanggang Z na lang. Even ako po, nalilito.

“In fact, pag may kausap po akong mga mentors ko o mga elders sa LGBT, itinatanong ko, ano ba talaga yung difference ng transsexual sa transvestite, sa lesbian sa transman?

“Pati ako, nalilito po. Pero as I’ve said, at the end of the day, respeto lang yan. Kung ano yung belief mo, kung ano yung gusto mo, go!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa akin, if you believe na babae ka pero sa loob, lalaki ka, e, di go! If you believe na bading ka pero naa-attract ka sa babae, e, di go!

“If you believe na babae ka pero gusto mo babae rin, e, di go! Ngayon kasi, very complex na, hindi mo na alam.

“Before kasi noong '80s, girl, boy, bakla, tomboy, silahis, AC-DC. Di ba, yun lang ang tawag noon? Ngayon, marami na po.

“Although hindi ko naiintindihan, nirerespeto ko.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-businessman RS Francisco (left) on drag artist Pura Luka Vega's (right) past controversy: Yung ginawa niya and all, if that’s his art… kasi, yun yata yung pinu-push niya, e, even up to now, e. It’s his art. If that’s his art, wala po akong magagawa. I respect everyone’s expression of Art. But if let’s say, ang government, ang ibang tao, hindi matutuwa… well, that’s their ano na. Kumbaga sa akin, respeto lang sa akin kung ano ang art nila."
PHOTO/S: RS Francisco Facebook / @puralukavega on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results