PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derrick & Elle: No Live-In, Just Sleepovers

Elle on Derrick: "Masyado siyang mabait ngayon!"
by PEP Troika
Published Jan 8, 2024
elle villanueva derrick monasterio makiling
Elle Villanueva on uncomplicated relationship with boyfriend Derrick Monasterio: “Yun nga po yung kinatatakutan ko bilang babae, parang minsan… coming from a traumatic relationship. Minsan, iniisip ko is this too good to be true. Minsan hinahanapan ko siya, ‘Ano ba, nanloloko ka ba?’ E, wala, e. Wala akong nakikita, e. So, minsan, parang ayaw mo maniwala kung totoo ba to? Masyado siyang mabait ngayon!”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Mas kumportable at wala raw tensiyon kina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa taping ng bagong afternoon drama nilang Makiling.

Read: Derrick Monasterio, malaki ang ipinagbago dahil sa girlfriend na si Elle Villanueva

Sa media conference ng Makiling nung Biyernes, Enero 5, 2024, ay halos iisa ang sinasabi ng co-stars nila.

Sobrang sweet daw ng dalawa na hindi halos napapaghiwalay sa taping. Sabay raw silang dumadating at umaalis sa set.

Kapag nauuna raw natapos si Derrick, hinihintay nito si Elle at sabay na silang umuwi.

“Nakikita talaga na they really love and take care for each other,” pakli ni Teejay Marquez, na isa sa mga kontrabida rito sa Makiling.

Palagi raw magkasama sina Derrick at Elle kaya ang duda ng ilan ay baka magkasama na sila sa isang bubong.

Hindi naman daw, sabi ni Derrick.

“Minsan ay nag-i-sleepover kami sa kanya-kanya naming house,” pag-amin ni Derrick.

Read: Derrick Monasterio clarifies gay rumor; answers live-in issue with Elle Villanueva

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang alam kasi namin, sobrang protective ng magulang ni Elle sa kanya dahil nag-iisa lang siyang anak. Pero nakuha na raw ni Derrick ang tiwala ng Mommy ni Elle.

Sabi ni Elle, “Super po! And he had to earn it nang matagal, yung trust po ni Mommy.

"Yun nga po dahil only child ako. So, very protective ng nanay ko sa akin. So, slowly nililigawan niya po si Mommy, hindi na po ako."

Sabi naman ni Derrick, “Unti-unti po ang pasok ng bahay. Hindi pa ako nakakalayo masyado, isang tiles, pangalawang tiles, ngayon lumalayo na ako."

Pagpapatuloy ni Elle, “Nung una, sa car lang siya, e, pag hinahatid niya ako. Hindi ko pa siya pinapakita kay Mommy, nahiya pa ako.

“Sa next, hanggang sa labas ng pintunan, hanggang sa nakilala na siya ni Mommy, nakapasok na siya ng pintuan.

“Sumasama na rin siya sa mga family gathering namin, sa New Year, sa Christmas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong ni Derrick, “And vice versa.”

Mas kumportable na nga raw sila ngayon sa isa’t isa, kaya maayos din ang taping nila.

Ngayong January 8, Lunes ng 4:00 p.m., na magsisimula sa afternoon drama ang Makiling na idinirek ni Conrado Peru.

NOEL FERRER

Natutuwa ang magkasintahang Derrick at Elle dahil hindi pa raw sila nag-aaway. Kaya maayos ang taping at very positive lang sa set dahil nakikita ang love nila sa isa’t isa.

Pahayag ni Elle, “Mas gamay na po namin at alam na po naming yung work ethics ng isa’t isa, and how we work together, mas gamay na po namin yun and of course, alam namin lahat sila, very commited kami sa project na ito.”

“Never kami nag-away!” pagmamalaki ni Derrick.

Sabi naman ni Elle, “Yun nga po yung kinatatakutan ko bilang babae, parang minsan… coming from a traumatic relationship. Minsan, iniisip ko is this too good to be true.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Minsan hinahanapan ko siya, ‘Ano ba, nanloloko ka ba?’ E, wala, e. Wala akong nakikita, e. So, minsan, parang ayaw mo maniwala kung totoo ba to? Masyado siyang mabait ngayon!”

“Grabe yung ngayon!” reaksiyon ni Derrick.

“At sa future,” bawi naman ni Elle.

“Yun nga! Natatakot nga ako minsan, but he always make sure na hindi siya magbabago.

"And we always make sure na parang whenever I get anxious sa relationship namin na ganito, pinag-uusapan po naming yan na parang kahit may hunch lang ako or whatever ma-feel na wala akong pangkakapitan, we could always make sure na pag-usapan and assure na…

“I think yun yung nagpapa-strong sa relationship naming kasi inaayos naming agad yung mali. Napapag-usapan agad,” dagdag ni Elle.

Ang isa pang ikinatuwa ni Ellen at kahit si Derrick na rin, na ang laki raw talaga ng ipinagbago ng Kapuso actor. Nakitang seryoso siya sa pakikipagrelasyon niya kay Elle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Seryosong pahayag ni Derrick, “Sobra! Siya po talaga ang nagbago sa akin.

"Kahit yung family ko napapansin yung change ko. Kahit yung ate ko sinasabi, ‘Hindi ka na makulit ngayon. Simula yun nung minahal ko siya."

Tapos na raw siya sa stage nung naging mapaglaro siya at kung sinu-sino ang dini-date niya. Ganun daw siya kaseryoso kay Elle.

“Tapos na tapos na ako dun! Diyos ko!” bulalas ni Derrick.

Alam daw ni Elle ang lahat na mga kapilyuhan noon ni Derrick dahil isa raw ito sa pinag-usapan nilang dalawa.

JERRY OLEA

Hopefully ay pusuan at kilingan nang lubos ng televiewers ang Makiling.

Sa ngayon kasi, nakatuon ang pansin ng marami sa Nazareno 2024, ang pagbabalik ng Traslacion sa Quiapo Church.

Read: Traslacion 2024: Everything you need to know

Kung mae-extend ang MMFF 2023 ay sandamukal pa rin ang gustong manood ng Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kapana-panabik ang mga kaganapan sa Eat Bulaga! ng TV5, Tahanang Pinakamasaya ng GMA 7, at It’s Showtime ng GTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May special screenings na naman ang pelikulang Pieta nina Nora Aunor at Alfred Vargas sa Cinema ‘76, Morato Extension, Quezon City — Enero 9, Martes (2:10 p.m. at 6:45 p.m.), at Enero 10, Miyerkules (4:45 p.m. at 9:20 p.m.).

Abang-abang din tayo sa kahihinatnan ng Pinoy movies na malapit nang ipalabas, gaya ng My Zombabe (Enero 10) nina Kim Molina at Empoy Marquez; Roadtrip (Enero 17) nina Carmina Villarroel, Janice de Belen, Gelli de Belen, at Candy Pangilinan; Raging Grace (Enero 17) ni Max Eigenmann; GG: Good Game (Enero 24) ni Donny Pangilinan; My Sassy Girl (Enero 31) nina Pepe Herrera at Toni Gonzaga; at Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko (Pebrero 7) nina Aga Muhlach at Julia Barretto.

Matapos ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, andiyan na ang Sinulog (Enero 21) sa Cebu; Ati-atihan (Enero 21) sa Kalibo, Aklan; Dinagyang (Enero 28) sa Iloilo; at Panagbenga (Pebrero 25) sa Baguio City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Pebrero ay panay-panay rin ang Valentine shows.

Sa Pebrero 14, sabay ang Araw ng mga Puso at Ash Wednesday.

If my memory serves me right, the last time na nangyari ito ay noong 2018, and before that ay noong 1945.

Kaya good luck sa balik-tambalan nina Elle at Derrick.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elle Villanueva on uncomplicated relationship with boyfriend Derrick Monasterio: “Yun nga po yung kinatatakutan ko bilang babae, parang minsan… coming from a traumatic relationship. Minsan, iniisip ko is this too good to be true. Minsan hinahanapan ko siya, ‘Ano ba, nanloloko ka ba?’ E, wala, e. Wala akong nakikita, e. So, minsan, parang ayaw mo maniwala kung totoo ba to? Masyado siyang mabait ngayon!”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results