PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2023 umabot na sa PHP700M ang total gross

MMFF 2023 official entries iplalabas din sa Manila International Filmfest sa Hollywood.
by PEP Troika
Published Jan 3, 2024
mmff 2023 topgrossers
MMFF 2023 topgrossers: (top, left) Dingdong Dantes and Marian Rivera in Rewind; (top, right) Piolo Pascual in Mallari; (bottom, left) Enchong Dee, Cedrick Juan, and Dante Rivero in GomBurZa; Alessandra de Rossi and Euwenn Mikaell in Firefly.

NOEL FERRER

As of January 2, 2023, Tuesday, naabot na ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang P700M-mark sa gross ticket sales.

Mukhang aariba pa ito sa mga susunod na araw ng festival hanggang January 7.

Read: First week ng MMFF 2023 nalampasan na ang kita ng buong MMFF 2022

At ang nakakatuwa ay nakakagana talaga ang response ng ating kababayan sa mga pelikulang lahok, at marami-raming pelikula ang namamapaypag pa rin hanggang ngayon!

Usap-usapan na rin ngayon ang pag-aayos ng kung sinu-sino ang mga lilipad papuntang Los Angeles, California, para sa Manila International Film Festival (MIFF) na gaganapin sa January 29 hanggang February 2.

May presscon at gala night ito, at may sarili ring awards ceremonies na gaganapin sa Hollywood.

manila international film festival poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ng MMFF ang tickets ng dalawang stars per film, at ngayon ay nag-aayusan ng sked at passports at visa requirements ang stars na ililipad papuntang MIFF.

Aside from screening our Pinoy films, maganda rin ang magaganap na networking ng directors, producers, at writers. At mga creators at mga artista ay may Q&A sa artistic community ng LA mismo!

Ang magandang nangyari ay mataas ang morale ng mga artista at producer ngayon, at kakikitaan talaga ng bagong sigla ng ating industriya.

Sana, magtuluy-tuloy na talaga ito, kahit pagkatapos na ng MMFF.

JERRY OLEA

Patuloy ang pamamayagpag ng topgrosser na Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. More and more ang positibong word of mouth publicity nito.

Nananabik na maging ang mga Pinoy sa ibang bansa na mapanood ang DongYan movie.

Read: MMFF 2023's Top 5 Box-Office Ranking Revealed

Showing ang Rewind sa MM Theaters ng Guam umpisa Enero 4, Huwebes. At kinabukasan, Biyernes, Enero 5, ang simula ng showing nito sa Saipan theaters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

rewind guam saipan

Hanggang Enero 7, Linggo, ang 49th MMFF.

Patuloy na dumarami ang mga ka-Sisiw ng Mallari, maging ang mga ka-Alitaptap ng Firefly.

Siyempre pa, umaariba rin ang most awarded film ng MMFF 2023, ang GomBurZa nina Cedrick Juan, Dante Rivero, Enchong Dee, at Piolo Pascual.

Read: GomBurZa as OG of Pinoy pride and identity

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mabango sa takilya sina Dingdong at Piolo, hane?

Bida si Dingdong sa Rewind, at may special participation siya sa Firefly.

Bida si Piolo sa Mallari, at may special participation sa GomBurZa.

Umpisa Enero 8, Lunes, ay balik-sinehan na ang superhero movie na Aquaman and the Lost Kingdom.

Disyembre 20-24 ito napanood sa local cinemas. Dahil sa MMFF, mula Disyembre 25 hanggang Enero 7 ay sa IMAX theaters lang ito ipinalabas.

Mag-o-open sa Enero 8, Lunes, sa local cinemas ang latest opus ni Hayao Miyazaki na The Boy and the Heron, My Zombabe nina Empoy Marquez at Kim Molina, at action-thriller na The Bricklayer starring Aaron Eckhart.

Sa Enero 10, Miyerkules, naman ang playdate ng maaksyong pelikula ni Jason Statham na The Beekeeper.

GORGY RULA

Ang isa pang maganda ngayong filmfest, hindi naman magkakalayo ang kinita ng karamihan sa entries.

Malayo ang agwat ng Rewind, pero yung mga kasunod na pelikula ay halos magkakadikit na ang total gross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ng isang producer, masaya na siya kahit hindi siya nakipagpukpukan sa topgrosser, dahil nabawi na raw niya ang ipinuhunan niya sa pelikulang yun.

Ang daming nagkainteres na bilhin ang pelikula niya, kaya okay na rin. Sana, ganoon na ang mangyayari sa mga susunod na ipu-produce ng mga film producers natin.

Nakakatuwa na ang dami pa ring nanonood. Maganda kasi ang karamihang entries.

Bukod pa riyan, sabi ng ilang obervers, may pera pa raw kasi ang mga tao dahil sa Pasko.

Pagkatapos ng holiday season, may pera pa kaya ang mga tao para manood ng sine?

Maglalabas kaya sila ng PHP300 pesos kung di naman sila tiyak na maganda ang isang local film na ipalalabas?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMFF 2023 topgrossers: (top, left) Dingdong Dantes and Marian Rivera in Rewind; (top, right) Piolo Pascual in Mallari; (bottom, left) Enchong Dee, Cedrick Juan, and Dante Rivero in GomBurZa; Alessandra de Rossi and Euwenn Mikaell in Firefly.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results