PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gina Alajar's Apo Debut in Monday Screening

Gina Alajar pinanood ang Monday First Screening kasama ang mga apo.
by PEP Troika
Published Jan 2, 2024
monday first screening netflix
Actor-directors Ricky Davao and Gina Alajar star in the movie Monday First Screening, now streaming on Netflix.

JERRY OLEA

Streaming na ang pelikulang Monday First Screening nina Gina Alajar at Ricky Davao umpisa Enero 1, 2023, Lunes, sa Netflix.

Read: Gina Alajar, sinabihan ng "Watch and learn" si Ricky Davao nang idirek niya ang aktor

“Ang nakakatuwa lang dun, first time akong napanood ng mga apo ko sa sine,” pagtatapat ng veteran actress-director.

“Kasi parang hindi alam ng mga apo ko na artista ako.”

Ilang taon na ba ang mga apo niya?

“Ang panganay kong apo ay 13. Ang pinakabunso is 3. Kay Geoff yung 3 years old,” tugon ni Gina.

“Si AJ may dalawang anak, sa Amerika. Parang mga 8 years old yata at 5 years old. Hindi nila ako napapanood.”

Kahit sa TV?

“Sa TV siyempre ang pinapanood na nila, mga Coco Melon, yung mga ganun, di ba?” saad ng multi-awarded actress.

“Tapos, Tagalog. Siyempre hindi naman nila naaano, di ba? Hindi nila naiintindihan yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So nung Monday First Screening, natuwa lang ako. Saka it’s so wholesome, di ba?

“Sabi ko, ‘Halika, lahat tayo, magpunta dun.’ So, game naman si Ryan at si Cathy at si Geoff. So lahat ng apo, dala-dala.

“So nagulat lang sila na, ‘Grandma is there,’ ganyan. E, tapos parang madaling maintindihan sa kanila, kasi Taglish-Taglish at siguro naiintindihan nila bakit.

“Di ba? Yung ganun. So hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin nila yan sa bahay, yang Monday First Screening na yan, yung ganun.”

Ano ang reaksiyon ng mga apo niya habang pinapanood siya sa big screen?

“Nagugulat sila. ‘There’s Mads! There’s Mads!’ Kasi, Mads yung tawag nila sa akin,” pagsisiwalat ni Gina.

“Tapos nagkukuwentuhan sila. Yung bunsong anak ni Ryan saka yung panganay ni Geoff are best cousins. Best of friends yan, ganyan.

“Mga marites yang dalawang yan. So nagbubulungan sila dun sa special screening. ‘I’m sure he’s going to look for Mads. But where is Bobby?’ ‘Bobby will text Mads.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung mga ganyan. So, natutuwa naman ako. Kasi once and for all, di ba, na meron isang pelikula na wholesome, na napanood nila.

“Walang kissing scene. Malinis, ganyan-ganyan. Kaya tuwang-tuwa ako dun sa pelikulang yun.”

Nakatsikahan si Gina ng ilang taga-showbiz media bago ang sneak preview ng pelikulang Pieta noong Disyembre 22, Biyernes ng hapon, sa Sine Pop sa Cubao, Quezon City.

Read: Gina Alajar, nangangamba sa kinabukasan ng mga apo

NOEL FERRER

Tatlong lalaki ang mga anak ni Gina — sina Ryan, Geoff, at AJ. Ang ama ay ang ex niyang si Michael de Mesa.

Kuwento pa ni Gina, “Yung Replacing Chef Chico, pinalabas sa Netflix, di ba? Yung mga apo ko sa Amerika, anak ni AJ, bigla akong nakita. Na kalbo ako.

“So, hindi nila ma-reconcile kung bakit pag kausap nila ako through Facetime ay ibang hitsura ko at ibang hitsura ko dun sa Chef Chico.

“So, parang dun lang din nila nalaman na ang lola pala nila ay artista. Yung ganun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tapos sabi ko nga, abangan nila yung Monday First Screening. So, natutuwa ako. Kasi di ba, napapanood nila ako.

“Mas kilala nila akong direktor. Kasi minsan pag nagpupunta sila, pag dumadalaw sa set, or minsan artista ko yung mga magulang nila, pupunta sila sa set, they sit on my lap.

“Sila yung nagdidirek-direk ng ganyan. So, mas ano sila na si Mads is a director.”

Ang “Mads” ay hango sa salitang “mader” (mother).

And in fairness kay Gina, ang galing at ang productive pa rin niya sa kanyang career. She was so good in her moments sa MMFF 2023 entry na When I Met You In Tokyo kung saan bida sina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Ayon sa mga nakapanood, mahusay rin siya sa Pieta with Nora Aunor and Alfred Vargas.

Nakakatuwa lang dahil you can put Gina alongside the best in the industry dahil siya mismo, napakagaling din!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

More of my dear Gina, anytime!!!

GORGY RULA

Five consecutive days nang number 1 ang A Very Good Girl sa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix.

Most watched film sa Nerflix PH ang irreverent comedy nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon mula Disyembre 29, Biyernes, hanggang Enero 2, Martes.

Maagaw kaya ng Monday First Screening ang trono ng A Very Good Girl?

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix — A Very Good Girl, Rebel Moon Part One: A Child of Fire, The Book of Life, Sing 2, Scream, Pretty Woman, Curry & Cyanide: The Jolly Joseph Case, I Love Lizzy, Clifford The Big Red Dog, at The Abandoned.

Ang A Very Good Girl ay handog ng Star Cinema, na siya ring producer ng MMFF 2023 topgrosser na Rewind starring Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-directors Ricky Davao and Gina Alajar star in the movie Monday First Screening, now streaming on Netflix.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results