PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ali, Rica, Sahara: Intense Threesome Love Scene

No. 1 sa Top 10 movies ng Vivamax ang pelikula nilang Hibang.
by PEP Troika
Published Jan 1, 2024
Hibang starring Ali Asistio, Rica Gonzales and Sahara Bernales
No. 1 sa Top 10 movies ng Vivamax ang pelikulang Hibang tampok sina (L-R) Ali Asistio, Rica Gonzales, at Sahara Bernales.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Number 1 na sa Top 10 Movies ng Vivamax ang Hibang nina Rica Gonzales, Sahara Bernales, at Ali Asistio.

Noong Disyembre 29, Biyernes nag-umpisang mag-streaming sa Vivamax ang Hibang, na directorial debut ni Sigrid Polon. Ang producer nito ay si Direk Roman Perez Jr.

Ano kamo ang nakakahibang na ginawa nina Rica, Sahara, at Ali sa nasabing pelikula? Iyon daw threesome nila, na kung tawagin nila ay “Eiffel Tower”!

Nakakahibang din daw iyong lawak ng imagination ng karakter ni Ali na si Tristan.

"Saka yung bigayan ng emotions ng bawat character, pag pinanood mo, ang ganda talaga," sambit ni Ali sa mediacon noong Disyembre 21 sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.

Na-exploit ba ang mga baguhang sina Rica at Sahara sa mga mapangahas na eksena?

Tugon ni Rica, "Ah, para sa akin naman po, lagi ko naman pong sinasabi na as long as hindi po ako nate-take advantage sa ginagawa ko, OK lang po."

Sabi naman ni Sahara, "Ako rin po, OK lang din naman po. Basta walang ano, yung mga restrictions ko. Trabaho lang po. OK lang po as long as, sabi nga niya, walang nagte-take advantage."

Ali Asistio, Rica Gonzales and Sahara Bernales in Hibang

Kumusta si Ali bilang katrabaho sa Hibang?

Sagot ni Sahara, "Sobrang ano, mabait siya. Sweet at saka maalaga rin sa akin. Talagang tinatrato niya kami hindi lang katrabaho kundi kapamilya.

"Sweet nga siya lagi. Naggi-gift din siya sa amin, ganun. Yun po, ganun siya, parang kuya-kuya na namin siya."

Pahayag ni Rica, "Actually, si Ali po kasi, before pa po mag-start yung Hibang, nakilala ko na po siya. Pero hindi po kami nag-usap kahit magkasama po kami.

"And then hindi ko po ine-expect noon, nang mag-workshop kami at nag-start ang movie na ito na i-shoot po, grabe! Sobrang na-touch po ako!

"Kasi first day pa lang po nun, meron na po kaming love scene. And then sa love scene na po namin, hindi pa po nag-i-start, nagso-sorry na po siya sa akin agad.

"And then after love scene naman po, wala siyang paki kung makitaan basta ma-cover ka niya. Yun talaga ang pinakaimportante sa kanya. Sobrang na-appreciate ko po yun sa kanya."

Marami-rami nang nakatrabahong babae si Ali sa Vivamax projects niya before Hibang.

Kumusta ang mga baguhang sina Rica at Sahara?

"Actually si Sahara at si Rica, thankful ako kasi sila ang naka-partner ko dito. Kasi, ang galing din nila!” bulalas ni Ali.

"Nabibigay nila yung emotions sa akin, kaya nabibigay ko rin yung dapat na emotions. So thankful ako."

Ali Asistio, Rica Gonzales and Sahara Bernales in Hibang

Ang Top 10 Movies ng Vivamax ngayon ay Hibang, Foursome, Higop, Salakab, Kinsenas Katapusan, Ganti-Ganti, Kamadora, Sugar Baby, Kara Krus, at Haslers.

Samantala, ang Top 10 Series naman ay Araro, High (School) On Sex 2, Secret Campus, Halo Halo X, High (School) On Sex, Lovely Ladies Dormitory, Wag Mong Agawin Ang Akin, Pantaxa Laiya, Sssshhh!, at Sex Hub.

Read: Jak Roberto "touchy" kay Vivamax star Ava Mendez? Barbie Forteza, no comment sa showbiz breakups ng 2023

GORGY RULA:

Handpicked ni Direk Sigrid sina Ali at Sahara na parehong nakatrabaho na niya. Naka-work ni Direk Sigrid si Ali sa Domme, samantalang naka-work niya si Sahara sa Salakab kung saan assistant director siya ni Direk Roman.

"Sinabi ko kay Sahara nung nasa eksena siya, ‘Ang ganda ni Sahara sa kamera!’ Mahal siya ng kamera," sey ni Direk Sigrid.

Si Boss Vic del Rosario naman ang nagrekomenda kay Rica.

"Si Rica naman, ipinakilala siya sa akin ni Boss Vic. I-try ko raw siya, i-launch ko siya.

"And hindi naman mali si Boss Vic. Super-grateful ako na ipinakilala siya sa akin ni Boss Vic, kasi napakagaling ni Rica."

Ano ang inspirasyon ni Direk Sigrid sa kanyang unang pelikula? Ano ang peg niya sa materyal na siya mismo ang sumulat?

"Yung concept na ito, nung una ko siyang naisip last year lang, nag-isip ako ng concept na what if mag-create ako ng story na umikot lang sa iisang bahay?" saad ni Direk Sigrid.

"Nangyari lang siya sa iisang bahay at umikot lang siya nang isang araw. So, yun ang germ idea.

"And then parang nung pinitch ko siya kay Direk Roman, umokey siya, for pitching naman kay Boss Vic.

"Dun nagsimulang i-develop ko. Tapos mas lumawak pa yung story niya. Mas pinalawak ko pa, binigyan ko pa ng ibang elements na other dynamics, such as mga LGBT na story.

"Pinasok ko yung mga ganung concepts at ideas. So ayun."

Originally ay walang lesbian theme sa story ng Hibang.

"Pero dahil nga gusto ko talagang magkuwento tungkol sa women, gusto kong magpasok ng mga ganung concept, so in-add up ko siya para magkaroon ng konting spice."

Ano ang mensahe o gustong iparating ni Direk Sigrid sa Hibang?

"Huwag kayong magbe-best friend. Ha! Ha! Ha! Hindi! Joke lang," natatawang tugon ng 25-anyos na si Direk Sigrid.

"Siguro ano lang, gusto kong iparating na there are all kinds of love. There’s a kind of love na hindi mo dapat gawin.

"At minsan, hindi siya love, it’s obsession. OK. And then base sa story, yung babae, huwag umasa.

"Hindi natin alam na nasa surface lang ito, and yung pagmamahal ng isang tao, hindi siya depende sa isa lang gender.

"Love is love, iyun ang gustong iparating ng story ng Hibang."

Read: Robb Guinto admits getting indecent proposals from DOMs

NOEL FERRER:

Si Direk Roman Perez Jr. ang producer ng Hibang. Dati niyang assistant si Sigrid Polon, na binigyan niya ng break sa pelikulang Hibang.

Sa tingin ni Direk Roman, what’s in store for Vivamax sa 2024? Pag-iinitan pa rin ba ito? Patuloy ba itong mamayagpag, lalo’t wala itong kakumpetensya?

"Hindi naman nila kaya ang Vivamax. Yun lang! Wala nang statement. Hindi nila kaya ang Vivamax," sambit ni Direk Roman.

Si Direk Roman ang direktor ng pelikulang Palipat-lipat, Papalit-palit na mag-i-streaming umpisa Enero 29, 2024 sa Vivamax.

Nasa cast nito sina Yen Durano, Andrea Garcia, John Flores, Massimo Scofield, Matt Francisco, Aira Bench at Aila Cruz.

Read: Jake Cuenca says daring love scenes with Sean de Guzman took "multiple takes"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
No. 1 sa Top 10 movies ng Vivamax ang pelikulang Hibang tampok sina (L-R) Ali Asistio, Rica Gonzales, at Sahara Bernales.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results