GORGY RULA:
Kakaiba ang gimmick ng Star Cinema sa premiere night ng pelikulang Rewind na entry nila sa nalalapit na 49th Metro Manila Film Festival.
Ginanap ang premiere night sa Cinema 7 ng SM North Edsa nung Biyernes, December 22.
Dinagsa ng napakaraming DongYan fans ang SM North na ikinatuwa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Pakiusap sa amin ng mag-asawa, sana tapusin namin ang pelikula. Proud sila sa pelikulang ito, ibang-iba sa nagawa nila noon.
Bago nagsimula ang screening, pinagkuha muna kami ng selfie. Ang sabi ng host ng programa na si MJ Felipe, pagkatapos ng pelikula ay mag-selfie daw uli kami at i-post ang dalawang kuhang iyun.

May pagkakaiba dahil ang huling kuha ay mugto na ang mga mata namin.
Kung mababaw ang luha mo, sa kalagitnaan pa lang ng pelikula ay tiyak na lalagasgas nang bonggang-bongga ang luha mo.
Mugto na rin nga ang mata nina Dingdong at Marian, pero hindi ko pa rin napigilang maiyak habang ini-interview namin si Marian.
Nagpapasalamat ang GMA Primetime Queen na sa kanila ni Dingdong ipinagkatiwala ng Star Cinema ang pelikulang ito. Bagay naman kasi sa kanilang dalawa.
Magaling talaga sina Dingdong at Marian, kaya ngayon pa lang ay sinasabi na naming may laban sila sa Best Actor at Best Actress award.
Sabi naman ni Marian, masaya lang daw sila na naiparating nila ang tunay na mensahe ng pelikula.
“Basta ang sinasabi namin, basta maganda ang hatid ng mensahe ng pelikula. Iyon naman ang sinasabi namin sa lahat na interviews namin.
“Mahalaga talaga yung oras, e. Hangga’t kaya mong bigyan ng time yung pamilya mo at iparamdam mo sa kanila na mahal mo sila, gawin mo na iyan ngayon na,” saad ni Marian.
“I’m hoping na lumabas talaga yung tao para manood. Kasi, imagine may sampung magagandang pelikula na kanilang puwedeng pagpilian, and that goes to show na yung mga producers natin are very, very eager and excited to produce these content para sa ating mga manonood.
“Nararamdaman ng mga producers na may pag-asa. Umaasa kami na sana lumabas din yung mga manonood. Kasi, iba ho talaga kapag mapanood nila ito sa sinehan.
“Sana panoorin niyo yung sa amin,” sambit naman ni Dingdong.
Pero pagkatapos ng screening, dalawang kaibigan na ang nag-forward sa amin ng trailer ng pelikulang If Only (2004) na sinasabing ganyang-ganyan daw itong Rewind.
Halatang kinopya raw itong Rewind sa pelikula nina Jennifer Love Hewitt at Paul Nicholls.
Sabi naman ng kampo ng Rewind, halos lahat naman na pelikulang napapanood natin ay may kapareho ng kuwento.
Pero kinukuwestiyon na ng iba na dapat ay huwag daw kalimutang kasama sa criteria ng MMFF ang originality ng kuwento.
Sa amin naman, nagustuhan namin ang pelikula. May laban ito sa topgrosser, at napakagaling nina Dingdong at Marian. Kaya hindi ko na naisip kung original ba ang kuwento o may pinagkopyahan ito.
Bahala na ang jury kung pasok sa kanilang panlasa itong Rewind. Ano po sa tingin ninyo, mga ka-Troiks?
JERRY OLEA:
Ibinalik sa sampu ang bilang ng official entries sa 49th MMFF. Premyadong artista ang karamihan sa mga bida.
Pawang palaban sa aktingan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng Rewind, Vilma Santos at Christopher de Leon ng When I Met You In Tokyo, Sharon Cuneta at Alden Richards ng Family of Two (A Mother and Son Story), Derek Ramsay at Beauty Gonzalez ng Kampon, Eugene Domingo at Pokwang ng Becky & Badette, Piolo Pascual ng Mallari, Alessandra de Rossi ng Firefly, at Christian Bables ng Broken Hearts Trip.
Iyong historical film na GomBurZa nina Dante Rivero, Cedrick Juan at Enchong Dee, masundan kaya ang yapak ng MMFF 1998 entry ni Cesar Montano na Jose Rizal?
Nasa Penduko naman ang mga beteranong sina John Arcilla at Albert Martinez.
“More chances of winning” ang mga artistang may dalawang entry sa MMFF 2023.
Bida si Piolo Pascual sa Mallari, at may special participation siya sa GomBurZa. Bida si Dingdong Dantes sa Rewind, at may special participation siya sa Firefly.
Bida si Christian Bables sa Broken Hearts Trip, at may cameo siya sa Becky & Badette.
Si Pepe Herrera, nasa Rewind at Family Of Two (A Mother And Son Story). Si Joross Gamboa, nasa Rewind at Becky & Badette. Si Tommy Alejandrino, nasa GomBurZa at Mallari. Si Arnold Reyes, nasa GomBurZa at Broken Hearts Trip.
Take note na tatlo (o apat?) ang karakter na ginampanan ni Piolo sa horror movie na Mallari.
Mas may chance ba siya na mag-best actor because of that?
Sabi ni Piolo sa unauguration ng MMFF Auditorium noong Disyembre 14, Huwebes sa New MMDA Bldg., Julia Vargas Ave., Pasig City, “Merry Christmas sa inyong lahat. Sana, maging masaya tayo.
“Sana’y hindi magkaroon pa ng any calamities dito sa ating bansa, at sana maging masaya po ang ating Pasko kasama ng ating mga pamilya.
“Please suportahan natin ang pelikulang Pilipino!”
Ang MMFF 2023 Awards Night ay gaganapin sa Disyembre 27, Miyerkules sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.
NOEL FERRER:
Ang tanong ng mga tao: maaari kayang si Dingdong Dantes ay ma-cite o manalo bilang Best Actor para sa Rewind at Best Supporting Actor para sa Firefly?
At sino ang mahigpit niyang kalaban, si Piolo Pascual ba o si Derek Ramsay o si Christian Bables?
At puwede bang manalo ang relatively baguhang aktor tulad ni Cedric Juan ng GomBurZa?
Sa Best Actress, will it be Marian, Alessandra, Beauty, Uge and Pokwang, Shawie or Ate Vi? Ang saya ng labanan.
Malalaman natin lahat ito sa Gabi Ng Parangal sa December 27 sa New Frontier Theater with Chito Roño and Lorna Tolentino as Chair and Vice Chair of the Jury na hindi natin matatawaran ang kredibilidad kahit may kumakalat na kung anu-anong text messages na fake news naman.
Basta, sana tangkilikin natin lahat ng mga lahok sa 49th MMFF!
Tara Na! Makisaya!
