PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Romnick Sarmenta, kibit-balikat sa pagiging biktima ng fake news

Romnick, tikom ang bibig tungkol sa annulment nila ni Harlene Bautista
by PEP Troika
Published Dec 23, 2023
Romnick Sarmenta
Romnick Sarmenta, dedma lang sa mga naglalabasang fake news tungkol sa kanya mula pa noong kabataan niya. Aniya, "Merong nagpakasal ako sa lalaki sa Hawaii. Tapos, may mga naglabasan na may anak ako and this was during the time na I was a teenager. May lumabas pa na iba ang trabaho ng nanay ko which I really took to heart, and it really offended me."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Minahal ng televiewers si Romnick Sarmenta bilang batang si Peping sa weekly TV soap na Gulong ng Palad na umere noong 1977-79 sa BBC, 1979-83 sa RPN-9, at 1983-85 sa BBC.

Romnick Sarmenta

Nang magbinatilyo si Romnick ay naging magka-loveteam sila ni Sheryl Cruz sa TV program na That’s Entertainment (1986-1996) at sa mga pelikula ng Seiko Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tinagal-tagal niya sa local showbiz ay kung anu-ano na ang ibinintang sa kanya na hindi totoo. Marami bang paratang sa kanya na nasaktan siya?

“Marami na!” sambit ni Romnick sa mediacon ng pelikulang Becky & Badette kamakailan sa Vanilla Cupcake Bakery, Mother Ignacia Ave., Quezon City.

“And you know, at the time na ibinintang sila, masakit. Pero at this age, parang… hehhh! Di ba? Yung natatawa ka na lang, e.

“Kasi andami na. Merong nagpakasal ako sa lalaki sa Hawaii. May lumabas na ganun pero yun yung time na hindi pa ako nakakalipad kahit isang beses.

“Tapos, may mga naglabasan na may anak ako and this was during the time na I was a teenager.

“May lumabas pa na iba ang trabaho ng nanay ko which I really took to heart, and it really offended me.

“Madami, madami. I have always been… especially during my teenage days, I have always been accused of being playboy, ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos, palagi kong sinasagot noon as a joke, na medyo seryoso, parang… ‘Walang sabay-sabay. Nagkakasunud-sunod sila, pero walang sabay-sabay.’

“Yun, I make it light. Because I always felt na parang it was unfair for any of the people I was with, and at the same time, for myself.

“Na I’m trying to do this right pero yun yung image sa akin. But after a while, parang wala na akong paki.”

Gumanap si Romnick sa Becky & Badette bilang Pepe Feniz, ang lalaking nanggago sa best friends na sina Becky Naman (Eugene Domingo) at Badette Imaculada (Pokwang) during high school days.

Ang Becky & Badette ay isa sa sampung official entries ng 49th Metro Manila Film Festival, na mapapanood umpisa Disyembre 25, Lunes sa mga sinehan nationwide.

NOEL FERRER:

Totoo kay Romnick ang kasabihang “Time is the ultimate truth teller.”

Sabi ng premyadong aktor, “Kahit may itago kang bagay, pagka talagang totoo, lalabas at lalabas yon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“The best thing you can do is be honest, di ba? Sabihin mo, kung mali ka, own up to it. Take accountability for it.

“Kung tama ka, kahit sino pang magsabing mali ka, then stand your ground kung tama ka. Yun lang yun.”

Well, isang pinaniniwalaan kong katotohanan din kay Romnick ay habang tumatagal, mas humuhusay pa siyang aktor. And I like it that he takes risks for the better — sa kanyang career.

Maliban sa landmark Best Actor win niya sa About Us But Not About Us sa 1st Summer MMFF at sa mga parating na awards nights, meron siyang play na uulitin early part next year called The Impossible Dream under the Kumprontasyon trilogy, at napakagaling niya doon. Kailangan ninyo iyung abangan.

In the meantime, catch Romnick in Becky & Badette, and I am just so excited kung ano pa ang puwede niyang gawin na maganda at mabuti na susunod!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

All the best, Nick!!!

GORGY RULA:

Sumabay si Romnick sa galing sa pagpapatawa nina Eugene Domingo at Pokwang sa Becky & Badette.

Iilan lang silang nasa movie, pero magagaling silang lahat, at kayang-kaya nilang magpatawa.

Samantala, ang isa pala sa napag-usapan namin ni Romnick sa nakaraang media conference ng Becky & Badette ay ang annulment nila ni Harlene Bautista.

Kinumusta namin ito sa kanya, pero wala siyang naibigay na konkretong sagot.

"I guess it would be best if Harlene talk about that. Kasi siya yung nag-file. Parang sa akin, I would rather that she has the first say.

“I cannot, because I don't know the legal implications. Pero... parang wala naman.

“Pero you know, just to give her that benefit of having the first say... I think she would be the best to answer the question,” sagot sa amin ni Romnick.

Hinahayaan na lang daw niya si Harlene sa kasong ito, at hindi na niya ito kinokontra para mapabilis na lang pagdinig sa kasong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"With us kasi, I decided not to contest anything. Kasi, parang sa akin... bubulatlatin. Bakit pag-uusapan pa natin, magkakasakitan lang tayo. Makikita ng mga bata, masasaktan din sila.

"Kung ano man yun, sige," pakli ni Romnick.

Maayos naman daw sila ngayon ni Harlene at nagagampanan nila ang responsibilad nila bilang magulang ng kanilang mga anak. Adjusted daw ang mga anak nila sa ganitong set-up.

"I think ang naging concern lang naman from the very beginning, lalo na nung... siyempre, nung umpisa, hindi naman namin alam pareho kung saan kami mapupunta, e. Kung ano ang magiging buhay namin after that separation.

"So yung worry dun, kumusta kaya yung kalalagyan ng mga bata?

"Nung nakita namin na okay yung mga bata at maayos sila, then, it's easier to bring everything together.

"Di ba na parang, ‘Uy, yung anak natin, okay ba yun sila sa mga pamilya natin?’

“Siguro parang mas madali nilang matanggap o parang mas ma-appreciate nila yung set-up ng blended family, dapat okay lahat,” saad ni Romnick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Romnick Sarmenta, dedma lang sa mga naglalabasang fake news tungkol sa kanya mula pa noong kabataan niya. Aniya, "Merong nagpakasal ako sa lalaki sa Hawaii. Tapos, may mga naglabasan na may anak ako and this was during the time na I was a teenager. May lumabas pa na iba ang trabaho ng nanay ko which I really took to heart, and it really offended me."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results