PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ice Seguerra natupad na ang pangarap mag-caroling sa mga bahay-bahay

Ice Seguerra, nagbigay saya sa ilang senior citizens.
by PEP Troika
Published Dec 20, 2023
ice seguerra carolling
Ice Seguerra on singing Christmas songs to some senior citizens: “My job is to sing and when you’re younger, you do it for the money. Kahit magkano, kahit barya-barya. But now, singing for people and making them happy… singing for one person and this person probably needs it the most at that particular time, it gives me purpose…"

JERRY OLEA

Natupad na ang pangarap ni Ice Seguerra na makapag-carolling.

“Maaga kasi akong nag-artista so never ko inabot yung opportunity na makapag-karoling sa mga random house, as in walk house-to-house. Kaya gusto talagang gawin,” pahayag ng 40-anyos na si Ice.

Read: Liza Diño, sumulat ng kanta para sa 40th birthday ni Ice Seguerra

Nakapagkaroling si Ice kamakailan sa ilang residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City sa pamamagitan ng kanyang partnership sa Solmux Advance, ang upgraded na solusyon galing sa brand ng gamot para sa ubo na gawa ng Unilab, Inc.

Naging maaga ang Pasko para kina Golden Alquiza, Fe Ocheada, Simplicia Cunanan, Erlinda Sese, at Isabel Angeles nang bisitahin sila ni Ice upang maghandog ng mga awiting pamasko.

Unang nagtungo si Ice sa tinutuluyan ni Lolo Golden, 63 years old at wala nang pamilyang kumakalinga.

Ayon kay Lolo Golden, matagal na siyang iniwan ng kanyang asawa habang ang dalawa niyang anak ay hindi bumibisita sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naaksidente noon si Lolo Golden kaya siya napilay. Nagsisikap pa rin siyang maghanap-buhay bilang parking boy upang may pambili siya ng pagkain at gamot.

“Masaya ako na nadalaw niya ako. Naalala ko ang mga anak ko sa kanya,” ani Lolo Golden.

Read: Ice Seguerra on TVJ's leaving TAPE: “Masaya ako dahil malaya na sila.”

Kasunod na pinuntahan ni Ice ay ang tirahan ni Lola Fe, isang stroke patient na ang ikinabubuhay ay ang paggawa ng mga basahan. Kasama nitong namumuhay ang dalawang apo at isang pamangkin na breast cancer survivor.

Ani Lola Fe, hindi niya naisip na posibleng madalaw siya ni Ice para kantahan. “Napapanood ko lang siya sa TV dati, ngayon may dala pang regalo na prutas at gamot,” wika ng 71-anyos na biyuda.

Nagpatuloy ang pangangaroling ni Ice sa bahay ni Lola Simplicia, isang 76-anyos na biyuda. Sa kabila ng kanyang edad at kondisyon, siya pa rin ang nag-aalaga sa anak niyang may cerebral palsy na ngayon ay 39-anyos na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang pagsidlan ng galak si Lola Simplicia nang matanaw na niya kung sino ang nasa tapat ng bahay niya.

Dumaloy ang mga luha ng kasiyahan, “Hindi ko inaasahan na si Ice ang masisilayan ko paglabas. Sobrang saya ko.”

Read: Ice Seguerra supporter defends singer from basher: “Hindi siya pangit, eksakto lang.”

Ang 60-anyos na si Erlinda Sese ay sinalubong ng yakap si Ice habang ito ay naglalakad papalapit sa kanyang tahanan.

Balot man ng lungkot dala ng trahedya ng pagkamatay ng kanyang anak at asawa, malugod nitong tinanggap si Ice at matamang nakinig sa tinig ng mga awit na handog para sa kanya ng singer-songwriter.

Ang huling bahay na pinuntahan ni Ice ay ang tirahan ni Lola Isabel, isang 90-anyos na mayroon ding anak na disabled at bedridden. Maraming anak si Lola Isabel ngunit may mga pamilya na rin ang mga ito at hirap din sa buhay. Upang may pambili ng pagkain at gamot, nangangalakal si Lola Isabel kasama ang isang anak na tumutulong sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makabuluhan para kay Ice itong ginawa niyang “Sugod-Bahay, Caroling Edition.”

Ani Ice, “Happy ako na napuntahan ko sila kasi malambot talaga ang puso ko sa mga matatanda…

“I see my parents in them and I wish now that they are in their twilight years, sana they could rest and enjoy life, yung tipong nagwawalis na lang sila sa harap ng bahay or naghahardin.”

Nagkaroon ng mas malalim na kahulugan para sa kanya ang pangangaroling.

“My job is to sing and when you’re younger, you do it for the money. Kahit magkano, kahit barya-barya,” lahad ni Ice.

“But now, singing for people and making them happy… singing for one person and this person probably needs it the most at that particular time, it gives me purpose…

“I’m not really big on giving gifts and I don’t know why. But what I can give is my time and the talent that was given to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I can share it with people and these people, sila yung mga hindi nakakapanood ng gigs.

“Sila yung mga hindi na makalabas, so it’s nice that I can bring it to them, mas nagiging purposeful yung trabaho ko.”

Sa kabila ng pagod, nakangiti pa rin si Ice hanggang sa matapos niya ang pangangaroling sa bawat bahay.

Aniya, “I am tired but I am happy because it’s all worth it.”

Nais ni Ice na gawin ang pangangaroling taun-taon.

“Alam ko ang power of music at kung ano ang nagagawa nito sa tao,” sambit ni Ice.

“Kung mapapangiti ko sila kahit sandali, at kung mangingiti sila dahil naalala nilang napasaya ko sila sandali kahit ano pa yung pinagdadaanan nila for the day, that’s it for me.”

Ngayong Disyembre 20, Miyerkules ng hapon, may benefit show naman sina Ice, Cookie Chua, Bayang Barrios at Pow Chavez sa Correctional Institute for Women.

“Kanta, Kembot, at Katuwaan” ang pamagat ng nasabing benefit show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sana pa rin, makapag-record pa rin si Ice ng magagandang kanta — at album like his last with his very interpretation of Ryan Cayabyab songs.

After her anniversary concert, let’s see kung ano pa ang puwedeng mga concept gigs na puwedeng gawin ni Ice na aminin natin, isa sa mga talagang gifted artists natin.

Maganda rin itong plano niyang give back sa ating industriya! All the best, Ice!

GORGY RULA

Pursigido na rin si Ice kasama ang asawa niyang si Liza Diño na palakasin pa ang kanilang Fire and Ice.

Read: #FDCPISSUE NO.1: Insiders troubled by ex-chair Liza Dino's "sole control" of millions for filmfests, events, grants

Read: #FDCPISSUE: Liza Diño refutes "one-woman rule" charge

Pinasok na rin nila ang pagma-manage ng artists dahil sa paglapit sa kanila ng American singer na produkto ng The Voice USA na si Ryan Gallagher.

Sobrang nagustuhan ni Ryan ang Pilipinas kung saan ay nakatrabaho na rin niya sina Lea Salonga, Martin Nievera, Mark Bautista, at siyempre si Ice na nakakasama na niya sa ilang gigs niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon ng intimate presscon ang Fire and Ice para kay Ryan Gallagher nung nakaraang Huwebes, December 14, sa Aromata bar, Quezon City.

Sabi ni Liza, wala pa raw talaga sa plano nila ang mag-manage ng singers, pero biglang pumasok si Ryan na napaka-promising at gustong i-pursue ang singing career dito sa Pilipinas.

Kaya niyang kumanta ng Tagalog, dahil sa gusto niya talagang matuto ng mga Tagalog songs.

"Kasama sa plan yun ng Fire and Ice, pero in the next two years," pakli ni Liza.

"We had to support emerging artists, kasi yun talaga yung plan ni Ice, to give back.

"He wants to discover mga emerging artists... he wants to like help you know to package their career and all that.

"Saka si Ice giving back dun sa mga ginagawa niya," dagdag niyang pahayag.

Sabi ni Liza, may mga nakaplano na silang shows para kay Ryan sa darating na Valentine's Day. Pero inaayos pa raw nila ang magandang packaging sa American singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi si Ice, yung nakikita niya for him is... yes you have your classical, you have your parang very, very mataas sa atin yun, e.

"Pero ano yung mas accessible sa masa? Mala-John Mayer alternative na sound. So, medyo dun kami pupunta and we're gonna come up with songs, kasi dun naman din ang gusto niya. He wants to do something na parang mas accessible," sabi pa ni Liza Diño.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ice Seguerra on singing Christmas songs to some senior citizens: “My job is to sing and when you’re younger, you do it for the money. Kahit magkano, kahit barya-barya. But now, singing for people and making them happy… singing for one person and this person probably needs it the most at that particular time, it gives me purpose…"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results