JERRY OLEA
Maningning ang Parada ng mga Bituin ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre 16, 2023, Sabado sa CaMaNaVa (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area.
Read: MMFF 2023 Parade of Stars: Mga naglalakihang artista paparada sa CaMaNaVa
2:00 p.m. mag-uumpisa ang parada ng mga float sa Navotas Centennial Park. Babagtas ang parada sa C4, Samson Road, at McArthur Highway patungong Valenzuela People’s Park.
May special participation si Piolo Pascual sa GomBurZa, pero siyempre, sasakay siya ay sa float ng supernatural horror thriller na Mallari kung saan siya ang title role.
May special participation si Dingdong Dantes sa Firefly pero siyempre, doon si Dingdong sa float ng Rewind kung saan sila ni Marian Rivera ang bida.
Bukod kina Piolo at Dingdong, may iba pang mga artista na dalawa ang pelikula sa 49th MMFF. Kung lalahok sila sa parada, saang float kaya sila sasakay?
Si Pepe Herrera, nasa Rewind at Family Of Two (A Mother And Son Story).
Si Ron Angeles, nasa Mallari at Broken Hearts Trip.
Si Joross Gamboa, nasa Rewind at Becky & Badette.
Si Tommy Alejandrino, nasa GomBurZa at Mallari.
Abang-abang tayo kung magkikita sa parada ang mag-ex na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas.
Kasama si Miles sa Family Of Two (A Mother And Son Story), samantalang nasa cast ng GomBurZa si Elijah.
Read: Elijah Canlas confirms breakup with Miles Ocampo
GORGY RULA
Iniiwasang maulit yung kapalpakan na nangyari noong MMFF 2018 Parade of Stars sa Parañaque, kung saan nabalahaw ang mga float dahil sa lakas ng ulan.
Mahaba-haba ang lalakbayin ng paradang ito dahil sakop ang Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela. Tinatayang 8.7 kilometro ang babaybayin ng mga float, at more or less ay tatlong oras ang parada.
Madalas ay umuulan sa araw ng parada, kaya dapat na may plan B sakaling tuluy-tuloy ang buhos ng ulan.
Pero excited na ang mga artistang kasali ngayong taong filmfest dahil itong parada talaga ang isa sa gusto nilang gawin.
Ang isa nga sa excited dito ay ang rumored sweethearts na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ng Firefly, dahil ngayon lang daw nila ma-feel ang saya ng Metro Manila Film Festival.
Para sa akin, wala akong aasahang pa-surprise na kagaya ng pagkita at pagyakap nina Vice Ganda at Toni Gonzaga noong nakaraang taon.
Sa tingin ko, walang isnaban kina Elijah at Miles dahil nananatili naman silang friends kahit break na sila.
May ilang events na nagkasama sila, kagaya sa premiere night ng Five Breakups And A Romance na magkatabi pa sila ng upuan kahit break na sila noong panahong yun.
Ang excited ako, kapag magkita-kita sa dulo ng parada sina Sharon Cuneta at Alden Richards ng Family of Two, Vilma Santos ng When I Met You in Tokyo, at stars ng Rewind na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at pati na rin Piolo Pascual ng Mallari siyempre.
Pero tingin ko, magpapakuwela ang mga kabadingan ng Broken Hearts' Trip, at sina Eugene Domingo at Pokwang na baklang-bakla rin ang look sa Becky & Badette.
Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action
NOEL FERRER
Libu-libo ang inaasahang manonood ng star-studded parade sa Sabado ng hapon, kaya pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motoristang iwasan ang rota ng parada.
Ang pagkakasunud-sunod ng mga float:
Firefly nina Alessandra de Rossi at Euwenn Mikaell
When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon
Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera
Broken Hearts' Trip ni Christian Bables
Mallari ni Piolo Pascual
Penduko ni Matteo Guidicelli
GomBurZa nina Dante Rivero, Cedrick Juan at Enchong Dee
Family Of Two nina Sharon Cuneta at Alden Richards
(K)AMPON nina Derek Ramsay, Beauty Gonzalez, at Erin Espiritu
Becky & Badette nina Eugene Domingo at Pokwang
Ipatutupad ang temporary lane closures and counterflow mula alas dose ng tanghali hanggang alas otso ng gabi (12:00 noon to 8:00 pm) sa mga sumusunod na lansangan:
- C-4 Road (mula Navotas Centennial Park hanggang A Mabini St.)
- Samson Road (mula A. Mabini St. hanggang Monumento Circle)
- McArthur Highway (mula Monumento Circle hanggang C. Santos Street)
Bubuksan muli ang mga nasabing lansangan pagkalampas ng mga float.
