PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz couple muntik magkahiwalay dahil sa "free taste" na aktres

Aktres, may bagong kaulayaw na aktor na may asawa rin.
by PEP Troika
Published Dec 7, 2023
blind item free taste actress
ILLUSTRATION: Igi Talao

JERRY OLEA

Muntik nang magkahiwalay ang talentadong aktor at ang misis niyang matimpiin.

Nahumaling kasi ang talentadong aktor sa alindog ng thirtysomething actress na nakasama niya sa isang TV series.

Ang image na ipinu-project ng thirtysomething actress ay mabini at wagas kung umibig.

Kumbaga, masaktan man siya ay hahayaan na lang ang karmic forces upang ipaghiganti ang kanyang kaapihan.

Tatahi-tahimik ang thirtysomething actress pero makamandag pala ang kanyang alindog, at naharuyo sa kanya ang talentadong aktor.

Ang nakakalukring, kinunsinti ng bida sa TV series ang bawal na pagmamahalan ng talentong aktor at ng thirtysomething actress na kung tawagin ay… "Free Taste."

GORGY RULA

Ang chika ng mga marites at marisol, sa isang importanteng pangyayari sa buhay ni Mrs. Matimpiin ay wala sa tabi niya si talentadong aktor.

Ang kapiling ni mister nang mga sandaling iyon ay ang thirtysomething actress. Nagpapapasa sila sa sukdulan ng luwalhati.

Nagbigay kapagkuwan ng ultimatum si misis na matimpiin, at doon nahimasmasan ang talentadong aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ininda ni thirtysomething actress ang pagtatapos ng forbidden passion nila ni talentadong aktor, pagka’t meron agad itong kapalit.

Ang bago niyang kaulayaw ay ang makisig na aktor na kasama rin nila sa TV series, at meron na ring asawa.

Sabi-sabi, nagtapos man ang kanilang TV series ay tuloy ang tikiman sessions ng makisig na aktor at ng thirtysomething actress alias "Free Taste."

NOEL FERRER

Nakakagulat ito, at buti na lang at hindi tuluyang naghiwalay ang mag-asawa dahil sa thirtysomething na actress.

Nalulungkot lang ako para kay Free Taste.

Maganda naman siya at magaling umarte, bakit lagi na lang siyang pang-standby ng mga aktor na nali-link sa kanya?

Sana, makahanap na siya ng tunay na magmamahal sa kanya nang wagas.

At sana, hindi mangyari ito sa relasyon ng kung sinumang kumukunsinti rito. Huwag naman sana…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results