PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TVJ reacts to Alden Richards on It's Showtime

TV ratings, bahagyang bumaba.
by PEP Troika
Published Dec 6, 2023
alden sharon vice it's showtime
Alden Richards, a former Eat Bulaga! host, (right) appears as guest on It's Showtime for the first time on December 4, 2023 to promote his movie with Sharon Cuneta (center). Will Alden also guest on TVJ's E.A.T.?
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube

GORGY RULA

Tumataas na naman daw ngayon ang COVID cases kaya pinag-iingat na ang lahat.

Pero ramdam na nating bumabalik tayo sa normal, dahil ang dami nang tao sa labas, siksikan na sa malls, at ang tindi na ng traffic.

Maaring isa ito sa mga dahilan kaya bahagyang bumaba ang ratings ng mga programa, lalo na sa panghapon.

Mataas pa rin ang sa panghapong programa ng GMA-7, pero hindi ito kagaya ng mga nakaraang linggo.

Akala namin, tumaas ang It's Showtime nung Lunes, December 4, dahil first time na tumuntong doon si Alden Richards, kasama pa si Sharon Cuneta, para sa promo ng MMFF 2023 entry nilang Family of Two (A Mother and Son Story).

Read: Dabarkads Alden Richards maggi-guest sa It's Showtime for the first time

Nag-trending nung araw na yun ang guesting ni Alden, pero halos ganun pa rin ang rating ng Kapamilya noontime show. Naka-2.8% ito.

Ang Eat Bulaga! ay 3.1%, at ang E.A.T. ay 3.6%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung Martes, December 5, ay 2.8% pa rin ang rating ng It's Showtime. Halos magkadikit naman ang Eat Bulaga! na naka-3.5%, at naka-3.7% naman ang E.A.T.

Sa ginanap na media conference ng TVJ sa TV5 ngayong Disyembre 6, Miyerkules, sinabi ni former Senator Tito Sotto na okay naman sa kanila na napanood si Alden sa It's Showtime at kung sakaling mag-promote ito sa Eat Bulaga! ng GMA-7.

"Contract star ng GMA si Alden, alangan namang hindi siya mag-promote dun? No problema with that at all," pakli ni Tito Sen.

Pero kung sakali ring mag-promote ang dati nilang Dabarkads sa E.A.T., welcome daw ito, lalo na't pelikula nila ni Sharon itong Family of Two (A Mother and Son Story).

"Si Alden pa!" mabilis na sagot ni Tito Sen.

NOEL FERRER

Inaabangan ko rin kung ano ang magiging development sa IPO case ng Eat Bulaga! — at kung paano ito makakaapekto sa takbuhin ng mga programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: TVJ wins Eat Bulaga! trademark case; IPO cancels Eat Bulaga!/EB trademark of TAPE

Katulad ng tanong ko sa isang GMA boss bago pa man humantong ang usapin sa ganito, hindi kaya ang pinakamagandang plot twist at pampa-good vibes ay ipaubaya na lang ng TAPE ang pangalang Eat Bulaga! at gumawa na lang ng panibagong pangalan at equity ang GMA-7 show?

Or dahil ang nakakontrata sa GMA-7 ay ang Eat Bulaga! kaya kailangang pangatawanan ito?

Mga Ka-Troika, what do you think?

JERRY OLEA

Patuloy ang pamamayagpag ng FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin over Ruru Madrid’s Black Rider.

Pero hindi na ganoon kalaki ang agwat, compared noong katapat ng FPJ’s Batang Quiapo ang Maging Sino Ka Man nina Barbie Forteza at David Licauco.

Tila lumalaylay na ang Can’t Buy Me Love kaya taob na ito sa Love Before Sunrise, at bumaba na rin ang ranking ng DonBelle series sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa mga panghapong teleserye ay ratsada pa rin ang Abot-Kamay Na Pangarap nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Umaariba rin ang Family Feud ni Dingdong Dantes.

Narito ang ratings ng iba pang programa noong Disyembre 4, Lunes...

Ang Abot-Kamay na Pangarap ay 10.5%, at 1.9% ang Pira-Pirasong Paraiso.

Ang Stolen Life ay 8%, at ang Nag-aapoy na Damdamin ay 1.5%.

Sumunod ang The Missing Husband na 6.3%, at ang Fast Talk With Boy Abunda naman ay 4.5%.

Ang Deadly Affair ay 3%, at sumunod ang Family Feud na 10.8%.

Ang Black Rider ay 12.4%, samantalang ang FPJ’s Batang Quiapo ay 14.8%.

Ang Love Before Sunrise ay 9.2%, kontra sa Can’t Buy Me Love na 7.5%.

Noong Disyembre 5, Martes, ang Abot-Kamay na Pangarap ay 11.2%, at ang katapat na Pira-Pirasong Paraiso ay 1.8%.

Ang Stolen Life ay 8.6%, at ang Nag-aapoy Na Damdamin ay 1.4%.

Ang The Missing Husband ay 6.4%, at ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.4%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Deadly Affair ay 3.3%, at ang sumunod na Family Feud ay 10.9%.

Ang Black Rider ay 12.5%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 15.8%.

Ang Love Before Sunrise ay 8.7%, at ang Can’t Buy Me Love ay 8.1%.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards, a former Eat Bulaga! host, (right) appears as guest on It's Showtime for the first time on December 4, 2023 to promote his movie with Sharon Cuneta (center). Will Alden also guest on TVJ's E.A.T.?
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results