JERRY OLEA
Mula sa pagiging panlima, number 2 na ang 2018 KathNiel movie na The Hows Of Us sa talaan ng Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix.
Itong The Hows Of Us ang pinakamalakas na pelikula ng KathNiel.
Read: KathNiel movies you can watch on Netflix
In fact, nang ipalabas ito sa mga sinehan ay mahigit PHP800M ang kinita nito sa takilya.

For a time, ito ang pinakamalakas na pelikulang Pilipino noon—hindi adjusted sa inflation.
Ang kumabog sa record nito ay ang Hello, Love, Goodbye (2019), kung saan si Kathryn Bernardo din ang bidang babae, with Alden Richards as her leading man.
Noong Oktubre 22, 2020 pa nag-streaming sa Netflix ang The Hows Of Us.
Dahil sa announcement nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kanilang paghihiwalay noong Nobyembre 30, 2023, Huwebes, mukhang isa sa pinagbalingan ng KathNiel fanatics ay ang panonood ng huling pelikula ng KathNiel tandem.
Read: PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup
And it will probably take a while bago maka-get over ang mga fanatics. Minsan pa nga, mas matagal pa sila maka-move on kesa mismo yung love team na iniidolo nila.
May ganitong aftermath ang mga malalakas ng love teams.
At matatagalan siguro bago magkaroon ng reunion project ang dalawang ito kaya tiyak, maging ang iba nilang projets ay sisilipin ulit ng mga fanatics.
Samantala, noong Disyembre 1, Biyernes, nag-umpisa ang Netflix streaming ng MMFF 2022 official entry na Mamasapano: Now It Can Be Told at ng 2017 romcom movie na Can We Still Be Friends? starring Gerald Anderson and Arci Muñoz.
Waley pa sa Top 10 list ang Gerald-Arci movie, samantalang pumuwesto agad sa No. 3 ang Mamasapano movie na tampok sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Alan Paule, Gerald Santos, Ritz Azul at marami pang iba.
Ang Top 10 Movies sa Netflix Philippines ngayong Disyembre 3, Linggo, ay Family Switch, The Hows Of Us, Mamasapano: Now It Can Be Told, Insidious: The Red Door, Leo, Escape Room, Curse of the Totem, Bad Blood, Last Call for Istanbul, at Breaking Dawn: Part 2.
Samantala, ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix ay ang Replacing Chef Chico, My Demon, Obliterate, Squid Game: The Challenge, Can’t Buy Me Love, Sweet Home, Jujutsu Kaisen, Bad Surgeon, Strong Girl Nam-soon, at Castaway Diva.
NOEL FERRER
Kahit ako, nanood ng The Hows Of Us.
I guess ito na ang pelikulang matatandaan ng mga tao bilang definitive KathNiel movie.
Pero something in me believes that they will still have more interesting reunion projects in the future—fingers crossed!
Natutuwa rin ako sa pagdami ng interes sa Replacing Chef Chico! Sana, mas marami pang magagandang Pinoy content ang umariba sa streaming platform.
Kasi, kayang-kaya naman natin ito!
GORGY RULA
Hanggang ngayon ay trending pa rin sa X ang Kathniel, pero nangunguna ang #Andrea at #Daniel.
Kaya mahaba-haba pa iyan at baka may mga susunod pang KathNiel movies na i-stream sa Netflix o saan pang streaming apps.
Sa Disyembre 6, Miyerkules, ang Netflix streaming ng pelikulang Kidnap for Romance nina Cristine Reyes at Empoy Marquez.
Sa December 10 ang streaming ng seryeng Maging Sino Ka Man nina Barbie Forteza at David Licauco.
Coming sa December 15 ang pelikulang I Love Lizzy nina Carlo Aquino at Barbie Imperial, sa December 20 ang streaming ng pelikulang Video City nina Ruru Madrid at Yassi Pressman, at sa December 27 ang pelikulang A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.
Hanggang Disyembre 23 na lamang ang Netflix streaming ng KathDen movie na Hello, Love, Goodbye.
Streaming pa sa Netflix ang KathNiel movies na Must Be… Love (2013), She’s Dating The Gangster (2014), Crazy Beautiful You (2015), Barcelona: A Love Untold (2016), at Can’t Help Falling In Love (2017).
Nandiyan pa rin ang 13-episode series na The House Arrest Of Us (2020), at 130-episode series na 2 Good 2 Be True (2022).
Hindi ko na naituluy-tuloy ang panonood sa Replacing Chef Chico nina Alessandra de Rossi, Sam Milby, at Piolo Pascual. Hindi nakuha ng seryeng ito ang interes ko.
Mas na-hook pa ako sa Can't Buy Me Love na wala akong na-miss na episodes. Magagaling sina Donny Pangilinan, Maris Racal, at, surprisingly, sobrang galing pala nitong si Anthony Jennings.
Read: DonBelle's Can't Buy Me Love main cast and their roles
Samantala, curious ako dito sa Mamasapano ng Borracho Films, dahil hindi ko napanood ito nung nakaraang MMFF.
Pero sabi ng producer nito na si Atty. Ferdie Topacio, isang taon lang daw ang kontrata ng pelikulang ito sa Netflix dahil ibebenta pa niya ito sa ibang platforms. Kahit paano ay mababawi-bawi raw nila ang malaking ipinuhunan nila sa pelikulang ito.
Aniya, “Ito namang Mamasapano, wala kaming ilusyon na kikita ito, ang laki ng puhunan e.
"We spent over PHP33M dito sa mismong pelikula pa lang, wala pang promotion. Wala pang ibang bagay. Pero tingin namin, mababawi namin.
"Kaya nga ang maganda sa streaming, ang maganda sa digital platforms ay hindi ka limited ang kita mo sa cinematic exhibition. After that, may residual ka pa ng Netflix, meron ka pang showing sa free to air."
Pero mas gusto pa rin daw niyang suportahan ang sa sinehan. Sa mga susunod na pelikulang ipu-produce niya ay kailangang maipalabas daw muna sa mga sinehan, bago niya ito ibenta sa mga streaming apps.
