PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Daniela, Isa Pa Ring Biritera

Rita Daniela, may bagong Kapuso teleserye sa 2024
by PEP Troika
Published Dec 2, 2023
Rita Daniela
Makikipagsabayan sa biritan ang Kapuso aktres na si Rita Daniela sa Queendom: Live concert na gaganapin ngayong Sabado ng gabi, December 2, 2023 sa Newport Performing Arts Theater. Kasama niya rito sina Julie Anne San Jose, Thea Astley, Mariane Osabel, Hannah Precillas, Jessica Villarubin at ilang surprise guests.
PHOTO/S: @missritadaniela on Instagram

GORGY RULA:

Masusubukan ngayong gabi sa Queendom: Live concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater kung malakas ang dating ng Queendom na regular naming sinusubaybayan sa All-Out Sundays.

Queendom live in concert

Tampok dito sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Thea Astley, Mariane Osabel, Hannah Precillas, at Jessica Villarubin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Queendom to showcase their vocal prowess in Queendom: Live concert

Ang isa sa kanila na talagang pinaghandaan ang concert na ito ay si Rita dahil ngayon lang talaga siya mapapasabak sa bonggang biritan sa isang concert pagkatapos niyang manganak.

Aminado si Rita na naapektuhan ang boses niya pagkatapos niyang manganak.

WATCH: Queendom naghandog ng tribute song kay Mike Enriquez

Si Regine Velasquez, inamin din niyang nag-iba talaga ang range ng boses pagkatapos niyang isinilang si Nate, di ba?

Ani Rita, “I think nabago siya kasi tumigil ka kasing kumanta. Hindi because you gave birth. Kasi siyempre, I stopped singing eight months yata.

"Siyempre pag nanganak ka, siyempre as a busy nanay, di ba? Everyday nag-aalaga, hindi mo naisip na kumanta o mag-vocalize. Siyempre, parang natutulog din yung boses mo, di ba?

“Kaya siya medyo nababago. Pero pag dumaan ka sa voice lessons uli, nag-vocalization ka ulit, mapa-practice mo, babalik siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In-assure ng mga queens ng Queendom ng AOS na may mga special guests sila rito na dapat abangan sa kanilang concert ngayong gabi.

Malay natin, baka may special participation si Rayver Cruz na suportado ang concert na ito para kay Julie Anne siyempre!

NOEL FERRER:

Sabi pa ni Rita, malaking challenge sa kanya itong Queendom: Live dahil magagaling talaga ang makakasama niya.

Meron daw talagang nabago sa kanyang boses pagkatapos niyang manganak.

Pero nakipagsabayan pa rin siya nang biritan sa mga kasamahan niya sa All-Out Sundays.

"Medyo challenging siya for me, I have to say kasi medyo pagsimula ng pagbabalik ko after giving birth, tapos biglang nagkaroon ng concert, it is challenging for me.

"May konting pagbabago. Pero alam mo naman di ba, pag may anak ka, wala naman yung pagbabago na yun, kailangan nandun pa rin tayo," pahayag ni Rita Daniela.

Pero masipag naman si Rita kaya sipagan pa niya sa pagiging nanay at artista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marahil sa mga darating na panahon, malalaman na niya kung saang mundo siya mag-e-excel.

Hindi lang dahil sa gusto niya, kundi gusto rin siya ng audience sa mga kanta, concert, programa at pelikula niya.

Good luck!

JERRY OLEA:

Ang isa pa sanang gustong bakikan ni Rita ay ang pag-arte sa drama series.

Nagpapasalamat siya sa GMA-7 dahil may nakaplano naman sa kanya ang Kapuso network at ang Sparkle.

Sa susunod na taon ay may gagawin na siya.

"Next year!" bulalas ni Rita.

"Iyun naman ang lagi kong sagot, kasi talagang na-prioritize ang health ni Uno. Ang gusto ko talaga for the first whole year ay breastfed siya.”

Teka! Meron pa bang RitKen tandem, o buwag na ito forever?!

Aba! Patok ang tandem ni Ken Chan with Jillian Ward sa Abot-Kamay Na Pangarap, di ba?!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makikipagsabayan sa biritan ang Kapuso aktres na si Rita Daniela sa Queendom: Live concert na gaganapin ngayong Sabado ng gabi, December 2, 2023 sa Newport Performing Arts Theater. Kasama niya rito sina Julie Anne San Jose, Thea Astley, Mariane Osabel, Hannah Precillas, Jessica Villarubin at ilang surprise guests.
PHOTO/S: @missritadaniela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results