PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz at Max Eigenmann wagi sa 46th Gawad Urian

Lav Diaz's Kapag Wala Nang Mga Alon named Best Picture.
by PEP Troika
Published Dec 1, 2023
urian awards
Gawad Urian awardees: (from left) Claudia Enriquez, best supporting actress for 12 Weeks; Max Eigenmann, best actress for 12 Weeks; John Lloyd Cruz, best actor for Kapag Wala Na Ang Mga Alon; Soliman Cruz, best supporting actor for Blue Room.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Best actor si John Lloyd Cruz sa 46th Gawad Urian nitong Nobyembre 30, 2023, Huwebes ng gabi, sa Film Studio ng UP Film Institute, UP Diliman, Quezon City.

Ito ay para sa pelikulang Kapag Wala Nang Mga Alon, na ang international title ay When The Waves Are Gone.

Best supporting actor naman si Soliman Cruz para sa Cinemalaya 2022 film na Blue Room.

Parehong “Cruz” ang male acting winners!

Read: 46th Gawad Urian nominees, inilantad na; may humakot ng nominations?

Ang female acting winners naman ay kapwa para sa Cinemalaya 2022 film na 12 Weeks — best actress si Max Eigenmann, at best supporting actress si Claudia Enriquez.

Maliban sa best actor for John Lloyd, nakamit din ng Kapag Wala Nang Mga Alon ang tropeyo para sa best film, best screenplay (Lav Diaz), at best cinematography (Larry Manda).

Natamo ng Leonor Will Never Die ang parangal para sa best director (Martika Ramirez Escobar), best editing (Lawrence Ang), best production design (Eero Yves Francisco), at best music (Alyana Cabral, Pan de Coco, at Joseph Salcedo).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tig-apat ng tropeyo ang Leonor Will Never Die at Kapag Wala Nang Mga Alon.

Ang best sound ay ipinagkaloob sa Nocebo (Kristian Eidnes Andersen at Nicholas Varela).

Best short film ang Sa Paglupad ka Banog ni Elvert Bañares, at best documentary ang 11,103 nina Jeannette Ifurung at Mike Alcazaren.

46th gawad urian

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Natatanging Gawad Urian ay ipinagkaloob sa beteranong aktor at musical scorer na si Jaime Fabregas. Standing ovation ang audience kay Jaime, na kasama sa MMFF 2023 official entry na GomBurZa.

jaime fabregas urian

Ang nag-host ng programa sa 46th Gawad Urian ay sina Butch Francisco at Bibeth Orteza.

GORGY RULA

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Congratulations sa lahat na nagwagi sa katatapos na 46th Gawad Urian.

Kahit paano, nairaos nila ang naturang awarding na dapat ay sa UP Theatre gagawin. Pero hindi na naging available ang venue nang inilipat nila ito ng November 30.

Pinagbigyan nila ang hiling ng mga taga-EDDYS na i-move ito dahil makakasabay ang awarding sa Aliw Theater.

Read: 46th Gawad Urian, simple but elegant; 6th EDDYS, star-studded

Sa totoo lang, nahirapan na ang mga Manunuri nang inilipat nila ng November 30.

Mabuti at naging available naman ang Film Studio ng UP Film Institute. Pero maliit lang ito at hindi siya nababagay sa isang film awards night.

Pero sabi ni Butch Francisco, mas simple na lang sila para mairaos na ito.

Pero kung itinuloy nila ito ng November 26, wala naman siguro gaanong mabago, dahil hindi naman gaanong dinagsa ng stars ang 6th EDDYS Awards.

Sina Max Eigenmann at Soliman Cruz lang naman ang namataan ko sa EDDYS na dumalo rin sa Urian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malamang na sa Urian pupunta si Soliman, dahil nagwagi siya roon. Si Max Eigenmann ang malilito at kailangang mag-decide kung sa Urian ba o sa EDDYS siya pupunta.

Read: 6th Eddys: Max Eigenmann at Janine Gutierrez, tie sa best actress; Elijah Canlas, waging best actor

NOEL FERRER

Para ngang kahit ang mga Manunuri ay hindi nakumpleto sa pagtitipon gayong napakaliit na grupo na nila. At least, nairaos pa rin ang parangal kahit papaano.

Pero ang tanong, gaano na nga ba kahalaga ang awards ngayong napakahirap ibangon ang industriya nating matamlay pa rin sa takilya?

Magandang magtulungan tayong lahat na buhayin ang nakadapa pa ring industriya ng pelikula. Tuloy lang ng paglikha ng maganda!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gawad Urian awardees: (from left) Claudia Enriquez, best supporting actress for 12 Weeks; Max Eigenmann, best actress for 12 Weeks; John Lloyd Cruz, best actor for Kapag Wala Na Ang Mga Alon; Soliman Cruz, best supporting actor for Blue Room.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results