PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iza Calzado, willing bang makipag-collab sa Kapuso network?

Iza, may breakthrough acting project for 2024
by PEP Troika
Published Nov 25, 2023
Iza Calzado
Willing ba si Iza Calzado na makipag-collab with the Kapuso network? Aniya, "So ngayon, sa palagay ko, the best for me is makatrabaho ko for one project, collab sila. Yun ang dream ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Humahangos si Iza Calzado na dumating sa premiere night ng Shake Rattle & Roll Extreme na ginanap sa SM Megamall nung Biyernes, November 24.

Iza Calzado

Nanibago ang aktres sa sunud-sunod na schedule ngayong abala siya sa promo ng naturang pelikula.

"Grabe! Ang hirap nito! Grabe, ha? Hindi siya madali. Pagod na pagod na ako. Alam mo yun. May Eddys awards pa sa Sunday. Extreme!" bulalas ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon lang siya na back to normal, pagkatapos tayong napahinga ng halos tatlong taon dala ng pandemya, at nagka-baby pa siya.

Iza Calzado

"Events revenge kasi. Ganun ang nangyayari ngayon sa Manila, di ba? Tapos, may promo. Ang tagal din nating hindi nag-physical promo kasi, e. Zoom tayo, e. For the past couple of years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, eto nagsabay-sabay... may motherhood pa ako na bago. So, siyempre kinakamado ko pa lahat.

"Pero yun nga, si Ben [Wintle], ang mother-in-law ko ngayon ang kasama ni Deia. Yun! Yun ang mga bago. Wala nga akong na-invite na mga celebrity friends today.

"Wala akong na-invite na tao! Last minute, kahapon lang ako nag-invite ng kapatid ko.

“Nakalimutan ko talaga, sobra. Nakakahiya. Pero at the same time, sana bayaran na lang nila yung ticket para kumita kami!" natatawang pahayag ni Iza.

Star-studded ang premiere night ng SRR Extreme dahil sa mga inimbitang stars na kaibigan ng ilan sa mga artistang bahagi ng pelikula.

Dumating ang magka-loveteam na Sofia Pablo at Allen Ansay kasama ang iba pang Sparkle teens para sumuporta kay Bryce Eusebio.

Dumating din sina Jillian Ward, Will Ashley, Edward Barber, at Mikee Quintos.

Si Iza ang bida sa "Glitch" episode ng SRR Extreme na dinirek ni Richard Somes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA:

Nagulat si Iza Calzado nang uriratin kaugnay sa balitang may mga alok sa kanya ang GMA-7, pero hindi niya natatanggap.

Hindi naman daw niya alam kung ano pa ang ibang offers dahil ang ka-Troika nating si Noel Ferrer ang sumasala nito.

Ani Iza, “We will see when the opportunities are there. I will go where I have the best opportunities. That's it! Siyempre ngayon... and what's best for my family.

"So yun ang pinakamagandang set-up, project at pagkakataon, para sa akin at sa pamilya ko.

"Open po ako sa lahat. Pero siyempre, you know naman that I am still with ABS-CBN. I just did a station ID with them, and I love both my family.

"Sabi nga ni Ms. Redgyn Alba [GMA executive], dalawa na yung tahanan ko talaga ngayon. Ten years doon, and more than 10 years na with ABS din. Although, one year doon mahigit, nahinto kasi because of Deia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So ngayon, sa palagay ko, the best for me is makatrabaho ko for one project, collab sila. Yun ang dream ko," pahayag ni Iza.

NOEL FERRER:

In fairness sa isang talent na tulad ni Iza, trooper talaga at super hard working!!!

Bago nagpunta sa premiere night ay nag-shoot muna siya ng guesting kay Korina Sanchez para rin naman sa Shake, Rattle & Roll Extreme.

Tapos, tama siya, sunud-sunod ang ganap na exciting — isang cover shoot ng mga A-lister talents for a magazine cover plus for endorsements. At heto nga, bukas para sa 6th Eddys sa Aliw Theater.

Yes, nasa punto si Iza na pipili talaga ng mga proyekto na magpapalukso talaga ng kanyang puso.

Maraming mga alok na sinasala. Pero isang breakthrough acting project for next year ang ia-announce na soon. Isang project na hindi basta-basta ginagawa ng mga aktor na katulad niya.

Speaking of AKTOR, kakukuwento lang ni Iza na may general assembly sila sa December at isa siya sa mga tagapagpaganap doon, kaya kahit weekend, serbisyo sa industriya naman ang kanyang pinagkakaabalahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buti na lang, malakas ang support group ni Iza sa kanyang pamilya at kaibigan, at malalim na rin ang goodwill niya sa ating industriya, kaya mahal siya ng tao.

And it is seen through the reaction of people sa kanyang pagbabalik pelikula though SRR Extreme. Yung episode niya with Richard Somes set the tone for the classic horror franchise. Everyone just has good feedback sa trabaho ni Izadora.

If at all, kahit makapanganak, Iza still has it — ang angking ganda at galing pa rin bilang isa sa pinakamagagaling at nirerespetong aktres sa batch niya.

At mananatili siyang nag-iisang Iza!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willing ba si Iza Calzado na makipag-collab with the Kapuso network? Aniya, "So ngayon, sa palagay ko, the best for me is makatrabaho ko for one project, collab sila. Yun ang dream ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results