PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nakakalula ang ipino-post ni Female Celebrity

Pag may nag-hudas na ikalat ang screenshots ng posts ni Female Celebrity...
by PEP Troika
Published Nov 25, 2023
Blind Item Female Celebrity With Bags
Nagulantang ang mga naka-follow sa private Instagram account ni Female Celebrity dahil sa mga nakakalulang ipino-post nito.

JERRY OLEA

Simple at mayumi ang nabuong image ng sikat na female celebrity.

Kahit nakaririwasa ang kanilang pamilya, kaaya-aya at relatable ang female celebrity sa sandahutay niyang followers sa kanyang social media accounts.

Mukha siyang masinop sa buhay. Wala sa image niya ang pagiging maluho.

Kaya nagulantang ang source ng PEP Troika nang masilayan ang mga pasiklab ng female celebrity sa private Instagram account nito.

Iilan lang ang mga kapamilya at kaibigan na naka-follow kay Female Celebrity sa private IG account niya.

Nakakalula raw ang mga branded na gamit ni Female Celebrity, mostly bags, na pino-post doon tuwi-tuwina. Nakaka-vertigo!

Of course, pera ni Female Celebrity ang nilulustay niya para sa hilig niyang collection.

Sariling dugo at pawis ang kanyang puhunan. Kaya lang, may konek si Female Celebrity sa isang sikat na male politician.

Pangit ang dating para sa public servant na ang may konek sa kanyang female celebrity ay wagas kung magwaldas para sa super-expensive bags.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sakaling may mag-hudas at ikalat ang screenshots ng branded items ni Female Celebrity, posibleng intrigahin na meron doong ambag ang Kaban ng Bayan.

Ingat!

NOEL FERRER

Wala naman sigurong issue ito ng lifestyle check.

Baka outlet nga lang ito ng female celeb sa kanyang fixation sa good life. Choice niya iyan at pribadong social media account naman.

Huwag lang talagang may inggiterang mag-leak nito at baka gawing isyu against the male politician na nakokonek sa female celeb.

Afraiddy Aguilar pag nagkataon!

GORGY RULA

Weakness daw talaga ni Female Celebrity ang mamahaling bags.

Dasurv naman niya iyun!

Itong si Female Celebrity pala, kapag bumibili ng mamahaling gamit sa isang personal shopper, gamit niya ay ibang account. Pero nabubukelya na siya dahil tseke niya ang ginagamit na pambayad.

Walang malisya sa kanya ang pagpu-post ng mga nabili niyang bags, kasi iyon ang ikinatutuwa niya.

Pero dapat na ipaintindi sa kanya na iba na ang mundo niya kaya meron talaga siyang isasakripisyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang inaasahan kong suntok sa buwan ay rumampa si Female Celebrity dala ang pinakamahal niyang bag katabi ang sikat ding aktres na sister-sisteran niya na bongga rin ang madalas na bitbit na bag.

Ang latest, may iniregalo raw kay Female Celebrity na super-duper mahal na bag na iniregalo ng close friend na nagsesenti ngayon dito kay Female Celebrity.

Hay! Ang dami pang kuwento sa mga mamahaling bags na iyan!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulantang ang mga naka-follow sa private Instagram account ni Female Celebrity dahil sa mga nakakalulang ipino-post nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results