JERRY OLEA
Puwedeng matikman ang katawang lupa ni Paul Salas sa halagang P10M.
Net na iyon, at hindi kakaltasan ng VAT o kung ano mang tax.
Seryoso ba riyan si Paul?
“Hindi naman. Ginagawang joke ko na lang yun,” nakangiting sabi ni Paul sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll Extreme (SRRE), nitong Nobyembre 24, 2023, Biyernes, sa SM Megamall.
Meron kasing nagtanong kung puwede siyang maka-date for one night sa halagang P500,000 o kalahating milyong piso.
Kaya ang sinabing niyang asking price: P10M!
Presyong ayaw pala iyon!
“Presyong ayaw, so, huwag na nating entertain-in!” bulalas pa ng Kapuso young actor.
Paano kung may yayamaning kakagat sa presyong iyon?
“May willing and able ba? Ha-ha-ha-ha-ha! Non-nego na yun, ha-ha-ha-ha-ha!” tawa ni Paul.
“Pinapabayaan ko lang yun, joke na lang yun. So… medyo siyempre, kahit papaano, natutuwa… baka napopogihan o naha-hot-an, di ba?
“So, kahit papaano, yung mga papogi ko sa post, e napapansin nila. Yun naman ang importante sa akin.
“Malay mo, makapagbigay-saya ako sa kapogian o ka-hotness ko? Ha!”
Hindi lang papogi ang posts niya bilang Bench Body Model kundi pa-Felix Bakat, huh?!
Gustung-gusto tuloy siyang papakin ng mga bading!
“Papakin talaga?!” sey ni Paul, na ampogi-pogi sa “Mukbang” episode ng SRRE.
“Ha-ha-ha-ha-ha! Hindi, sabi ko nga, yung pagpo-post ko na yun e about sa lifestyle ko, sa pagdyi-gym, so ayun.
“Baka nagiging fan lang sila, sinu-support nila ako.”
Pero wala pang nag-o-offer ng P10M?
“Oo. My way of saying ‘No’ yung P10M. Pero kung meron, P15M, puwede pa!” pagbibiro ni Paul.
Siyanga pala, may advanced screening ang SRRE bukas, Nobyembre 26, Linggo, 4:00 pm sa Market Market, BGC, Taguig City.
Ang showing sa mga sinehan ng Regal horror trilogy ay sa Nobyembre 29, Miyerkules.
NOEL FERRER
Sumuporta ang girlfriend ni Paul na si Mikee Quintos sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll kagabi sa SM Megamall.
Ano ang reaksyon ni Mikee sa mga sexy pictorial ng boyfriend?
“Actually, feeling ko, compliment pa nga siya, e,” tugon ng Kapuso actress.
“Kung paano nagre-react ang mga tao. Sige, hanggang tingin lang naman kayo.”
Ang gustong presyo ni Paul upang matikman siya ay P10M. Presyong ayaw. Ano ang comment niya?
“Fifty percent sa akin!” mabilis na sagot ni Mikee, na katabi si Paul nang mga sandaling iyon.
Baka may pumatol sa P10M!
Tumingin si Mikee kay Paul: “Kung may papatol, sabihin mo, ha! Para may cut ako. Ha-ha-ha-ha-ha! ”
Ano'ng reaksyon niya na maraming bading ang gustong bakbakin ang boyfriend niya?
“Siyempre, kinikilig din ako, 'no! Siyempre, I know it makes him feel good. It makes me feel good if it makes him feel good.”
GORGY RULA
Si Mikee Quintos sana ang bidang babae sa limited series na Lovers/Liars.
Tinanggihan nga ba niya ang project dahil sa kanyang schooling?
“Hindi ko po tinanggihan. It just didn’t work out with the schedule,” pahayag ni Mikee.
“Because, originally, the plan was T-Th-S ang taping. Pero M-W-F po ang face-to-face ko sa school.
“Sobrang nanghinayang nga ako. Nakita ko yung cast, grabe talaga, nanghinayang ako. Pero everything does happen for a reason, right?”
Kaya na ba niyang gumawa ng medyo mapangahas na role para sa late primetime TV?
Mabilis na sagot ni Mikee, “Game naman po ako. Siyempre, like all, gusto ko din makilala as a serious actress.
“And kung ito ang chance para ma-widen yung talents ko and ma-hone yung aking craft, why not?”
