PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Royal Blood cast nag-reunion sa Family Feud ni Dingdong Dantes

Eat Bulaga!, patuloy ang pag-angat sa ratings kontra E.A.T. at It's Showtime.
by PEP Troika
Published Nov 21, 2023
royal blood family feud
Dingdong Dantes welcomes his Royal Blood co-stars to his game show Family Feud.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Nakapagtala ng pinakamataas na rating ang Family Feud nung Lunes, November 20, 2023.

Nag-reunion ang cast ng Royal Blood sa episode na yun na ikinatuwa ng host ng game show na si Dingdong Dantes.

Read: Dingdong Dantes, muling pinatunayang karapat-dapat sa titulong "GMA Primetime King"

Naglaro ang Pamilya Royales na sina Mikael Daez, Megan Young, Lianne Valentin, at Dion Ignacio laban sa Team Kasambahays na kinabibilangan nina Ces Quesada, Moi Bien, Patani, at gumaganap na detective sa naturang serye na si Arthur Solinap.

Ang nakuhang rating ng episode na ito ng Family Feud ay 12.1%, at ito raw ang pinakamataas magmula nang bumalik ang naturang game show.

Nakikita kung gaano na sila ka-close at panay ang parinig nila na sana magka-Season 2 na ang Royal Blood na consistent namang mataas ang rating hanggang sa nagtapos.

Read: Dingdong Dantes, abala sa taping ng Royal Blood habang season break ng Family Feud

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nung Lunes din nagsimula ang Lovers/Liars na ipinalit sa Unbreak My Heart. Naka-4.5% ito na mas mataas naman sa katapat na Senior High na naka-3.9%.

Ang inaasahan namin, at least maka-6% man lang sana ang limited series na pinangungunahan nina Claudine Barretto, Yasser Marta, Rob Gomez, at Kimson Tan.

Abangan natin kung tataas pa ito nang bonggang-bongga lalo na pag uminit ang kuwento at may daring scenes pa raw rito si Claudine.

JERRY OLEA

Mataas din ang lahat na panghapong programa ng GMA-7 nung nakaraang Lunes, November 20.

Sinimulan ito ng Eat Bulaga! na naka-4.4%, at tinaasan ang E.A.T. sa TV5 na naka-3.6%. Ang It's Showtime naman ay 2.3%.

Consistent pa ring mataas ang Abot-Kamay Na Pangarap na naka-11.7%. Ang katapat na Pira-Pirasong Paraiso ay naka-2%.

Okay rin ang Stolen Life na naka-9.1%, at ang katapat nitong Nag-aapoy na Damdamin ay 1.4%.

Sumunod ang The Missing Husband na naka-6.9%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5.8%.

Pagdating sa primetime, mataas ang rating ng 24 Oras na 16.8%, ang TV Patrol ay 3.6%, at ang Frontline sa TV5 at One Ph ay 4.7%.

Nagtuluy-tuloy rin ang pagtaas ng Love Before Sunrise na 8.3%, kumpara sa Can't Buy Me Love na naka-7.7%.

NOEL FERRER

Jeepney strike kahapon at marahil, nasa bahay ang mga tao kaya mas may oras silang manood ng telebisyon.

Sana, patuloy ang panonood ng mga kababayan natin ng mga content na gawang Pinoy.

Sana rin, parami na nang parami ang commercials lalo na’t patapos na ng taon at nag-uubos na ng budget ang mga ahensya at advertisers.

Sana, higit pang umunlad ng industriya ng telebisyon, at pelikula na rin nitong nalalabing buwan ng taon!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes welcomes his Royal Blood co-stars to his game show Family Feud.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results