PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasmien Kurdi announces second baby news

Yasmien Kurdi, malamig na pakwan ang unang pinaglihian.
by PEP Troika
Published Nov 21, 2023
yasmien kurdi pregnant
Yasmien Kurdi on her second pregnancy: “Hindi naman po ako gaanong hirap ngayon... hindi katulad noon kay Ayesha na buong araw ako nagsusuka. Nai-stress lang po kasi ako sa crowded places at pag maingay... kaya lagi lang po ako sa kuwarto ko [laugh emoji] at minsan lang ako lumabas ng bahay namin... mahilig po ako matulog."
PHOTO/S: @yasmien_kurdi on Instagram

GORGY RULA

Si Yasmien Kurdi na mismo ang nagkumpirmang siya ang nasa blind item na ginawa ng PEP Troika tungkol sa buntis na Kapuso actress.

Pagkatapos niyang in-announce sa social media ang tungkol sa kanyang pagdadalantao, may mga nagtanong sa kanya kung siya nga ba itong nasa blind item ng PEP Troika, at kaagad naman niya itong inamin.

Read: Kapuso singer-actress, buntis sa kanyang second baby

Ayaw lang daw niyang i-announce noon dahil maaga pa raw, at ang payo sa kanya ay tapusin na muna ang first trimester ng kanyang pagbubuntis.

Ngayon ay nasa fourth month na ang kanyang pagdadalantao, at okay raw ang kalagayan niya. Hindi raw siya gaanong nahihirapan kung ikumpara nung una niyang pagbubuntis.

Kaya masaya silang in-announce iyon sa social media nila ng asawa niyang si Rey Soldevilla.

Read: Yasmien Kurdi and family announce pregnancy; expecting baby in 2024

Thankful si Yasmien dahil hindi raw kasinghirap ng una niyang pagbubuntis ang kalagayan nita ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman po ako gaanong hirap ngayon... hindi katulad noon kay Ayesha na buong araw ako nagsusuka," text ni Yasmien sa PEP Troika.

Ang una raw niyang pinaglihian ay pulang pakwan na malamig. Lagi lang daw siyang tinatamad, kaya madalas ay nagtutulog lang siya sa kuwarto.

"Nai-stress lang po kasi ako sa crowded places at pag maingay... kaya lagi lang po ako sa kuwarto ko [laugh emoji] at minsan lang ako lumabas ng bahay namin... mahilig po ako matulog," dagdag niyang text sa amin.

Sa ngayon ay wala pa raw ideya sina Yasmien kung ano ang gender ng ipinagbubuntis niya.

Hindi naman daw nila pinag-uusapan kung boy o girl ang gusto nila. Ang importante raw, healthy ang magiging baby nila.

JERRY OLEA

Ang nakakatuwa raw, ang panganay nilang si Ayesha Zara ay walang request kung boy o girl ang gusto niyang kapatid. Basta healthy lang, dahil gagawin daw niya itong model sa mga gingawa niyang crochet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Text ni Yasmien sa PEP Troika, “Kahit ano raw... boy or girl gagawin daw niyang model sa crochet business niya [laugh emoji].

“Mahilig at magaling kasi si Ayesha mag-crochet... yun yung hobby niya lately.

"Tapos nakakabenta pa siya sa school nila at neighbors. Kaya hindi na siya humihingi ng baon sa akin, kasi may kita na raw siya."

Nilinaw rin ng Kapuso actress na hindi naka-delay sa taping ng The Missing Husband nang nalamang nagdadalantao siya.

Tamang-tama raw, mga last three taping days daw nang nakumpirmang buntis siya. Kaya tinapos daw muna niya ang mga natitira niyang eksena bago siya nagpahinga.

NOEL FERRER

Nakakabilib si Yasmien dahil tinapos niya talaga ang teleserye niya bilang commitment bago harapin ang bagong pagbe-baby.

OK rin ang mga network dahil kahit may kontrata, very considerate naman sila at usually pini-freeze muna ang mga kontrata kapag may biglang nagdalantao sa mga contract stars at itinutuloy na lang ito after.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hangad natin ang healthy at masayang pagdadalantao at panganganak ni Yasmien. Sabi nga, a baby is always a blessing!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi on her second pregnancy: “Hindi naman po ako gaanong hirap ngayon... hindi katulad noon kay Ayesha na buong araw ako nagsusuka. Nai-stress lang po kasi ako sa crowded places at pag maingay... kaya lagi lang po ako sa kuwarto ko [laugh emoji] at minsan lang ako lumabas ng bahay namin... mahilig po ako matulog."
PHOTO/S: @yasmien_kurdi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results