PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMDA Chief Explains Suspension of Col. Nebrija

Col. Bong Nebrija, posibleng nag-violate ng Data Privacyu Act.
by PEP Troika
Published Nov 16, 2023
bong revilla don artes bong nebrija
MMDA Chairman Atty. Don Artes (center) on apologizing to Senator Bong Revilla (left) in front of media: "I personally believe na we owe it to him to admit yung mistake at i-correct po yung aming pagkakamali. Kasi, naba-bash na po siya, e... Ang feeling ko, marami pa rin pong nagko-comment na binigyan namin ng pabor si Senator Revilla. At parang yung iba, nagko-comment pa na parang pinagtatakpan namin. In fact, mali po kami at kailangan po naming i-admit yun."
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Aminado si Senator Bong Revilla na talagang nagalit siya nang inakusahan siyang nahuling dumaan sa busway sa EDSA noong Miyerkules, November 15, 2023.

Nagising daw siya sa tawag ng staff niya na may ganoon na siyang isyung ikinakalat umano ni Col. Bong Nebrija, ang chief ng Task Force Special Operations ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Read: Senator Bong Revilla reprimands MMDA officer over bus lane violation claim

"Natutulog pa kasi ako, dahil napuyat na kami sa hearing sa Senado. Tapos tatawagan ka ng staff mo na nahuli raw ako sa EDSA. Naalimpungatan ako.

"Tulog pa ako, paano ako nahuli sa EDSA?" himutok ni Senator Bong nang nakausap namin sa telepono nung Miyerkules ng gabi.

Kaagad namang nakorek yun, humingi ng paumanhin ang MMDA sa pangunguna ni Chairman Atty. Don Artes.

Pero marami ang nagtatanong: bakit kailangang umabot sa suspension? Dapat ba talagang isuspende ni Atty. Don Artes si Col. Nebrija pagkatapos nitong personal na humingi ng dispensa kay Senator Bong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos naikot ni Atty. Artes ang mga programa sa radyo ngayong Huwebes ng umaga. November 16.

Nakapanayam siya ni Anthony Taberna sa programa nito sa DZRH na Dos Por Dos kanina.

Ipinaliwanag ni Atty. Artes kung bakit kailangan nilang isuspinde si Col. Nebrija.

Ayon kay Atty. Don Artes, nilabag ni Col. Nebrija ang Data Privacy Act.

Hindi lang daw dahil sa ginawa nito kay Senator Bong, kundi pati na kay Ako Bicol Partylist Representative Christopher Co.

Saad ni MMDA chairman, "Unang-una po diyan yung possibility po na nag-violate siya ng Data Privacy Act, dahil po... yun po ang inimbestiga namin kung intentionally or inadvertently pinangalanan po yung dalawa pong tao na nahuli or at least ni-namedrop na mga personalities na hindi naman po tama.

“Dahil kahit yan po ay nakamotor o nakakotse, VIP o hindi, hindi niya po dapat pinangalanan, dahil alam naman po natin ang magiging resulta niyan, which is yung bashing, di po ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi na po kailangan dahil naisyuhan naman po ng ticket tulad ng isa, naisyuhan naman po ng ticket. Hindi na po dapat pinangalanan o i-namedrop tulad po noon na wala naman po yung tao doon na ni-namedrop, at hindi kanya yung sasakyan.

"Kawawa naman po siya dahil ginamit na nga yung pangalan niya, naba-bash pa siya na hindi naman po... mahirap po ipagtanggol ang sarili, lalo po pag naunahan ng pamba-bash.

“Kaya hindi po dapat pinangalanan dahil nga po possible na violation yan ng Data Privacy Act.

"Yung dalawa pong magkasunod na kanyang napangalanan, it appears fake news, dahil hindi naman po pala... yung una po si Mr. Christopher Co, hindi naman po pala kanya yung sasakyan.

“Nagamit lang yung inisyu sa kanya na protocol plate na nakipag-ugnayan po siya sa amin na inaalam niyang pilit yung pangalan po nung driver, yung plaka po talaga ng sasakyan, para maimbestigahan po sa NBI at maidemanda kung nagkasala.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, yon po yung mga dahilan na kung bakit namin siya sinuspendi, dahil gusto po namin magkaroon ng malayang imbestigasyon nitong mga pangyayaring ito.

“At matuto po kami, ma-improve po namin yung aming policies, ma-disseminate po namin sa aming enforcers at para po mas effective na maitupad ang aming mga batas trapiko po," saad ni Atty. Artes.

Read: MMDA official Col. Edison "Bong" Nebrija umani ng papuri mula sa publiko matapos ang “face-off” nila ni Senator Bong Revilla

JERRY OLEA

Nilinaw rin ni MMDA Chairman Atty. Artes na kaya sa harap ng media nila ginawa ang paghingi ng public apology kay Senator Bong ay para makita ng lahat na inako nila ang pagkakamali at kailangan nilang humingi ng paumanhin sa senador.

Patuloy pa rin kasing bina-bash si Senator Bong. Trending sa X (dating Twitter)!

Ani Atty. Artes, “Actually, ako po ang nagkusa, after ko pong kausapin si Col. Bong, yung atin pong enforcer, at nalaman ko na kami ay nagkamali, I think it's our duty and responsibility na mag-apologize sa aming pagkakamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, unnecessarily na-drag yung pangalan ni Senator Revilla na hindi naman po totoo.

"So, I personally believe na we owe it to him to admit yung mistake at i-correct po yung aming pagkakamali. Kasi, naba-bash na po siya, e. Until now naba-bash siya.

“Ang feeling ko, marami pa rin pong nagko-comment na binigyan namin ng pabor si Senator Revilla. At parang yung iba, nagko-comment pa na parang pinagtatakpan namin.

"In fact, mali po kami at kailangan po naming i-admit yun."

May kumukuwestiyon pa rin kung bakit kailangang gawin nila ito sa harap ng media at hindi pag-usapan nang pribado.

Paliwanag ni Atty. Artes, "Ako po ang nag-request na magkaroon ng presscon, para po linawin yung pong mga pangyayari, at i-admit at mag-public apology kami, dahil po kailangan.

"Personally, I believe na kailangan po naming gawin yun, dahil nadungisan po namin yung pangalan ni Senator Revilla ng maling akusasyon.

"Kung tama po na nakasakay si Senator Revilla, hindi ko po gagawin yun. Pero dahil alam ko po at ina-admit naman po ng aming mga tauhan na kami po ay may pagkakamali, may mga lapses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Responsibilidad po namin yan, kahit na po pangit tingnan na ang aming ahensiya ay ina-admit namin yung pagkakamali, kailangan po naming gawin para maitama po namin yung pagkakamali."

NOEL FERRER

Hanggang ngayon ay trending pa rin si Senator Bong Revilla sa X. Kung anu-ano pang isyu ang nauungkat.

May mga nagdududa na tila paninira na ito kay Senator Bong dahil bakit kinakabit ang naibasura nang kaso laban sa kanya sa isyu nito sa busway sa EDSA?

Sana, tigilan na ang paninirang ito. Humupa na ang galit ng senador.

Bilang artista naman, kailangan niyang paghandaan ang pagbabalik-taping bukas sa season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis, at ang pagsasakatuparan ng balik-tambalan sana nila ni Megastar Sharon Cuneta.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMDA Chairman Atty. Don Artes (center) on apologizing to Senator Bong Revilla (left) in front of media: "I personally believe na we owe it to him to admit yung mistake at i-correct po yung aming pagkakamali. Kasi, naba-bash na po siya, e... Ang feeling ko, marami pa rin pong nagko-comment na binigyan namin ng pabor si Senator Revilla. At parang yung iba, nagko-comment pa na parang pinagtatakpan namin. In fact, mali po kami at kailangan po naming i-admit yun."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results