GORGY RULA
Balak ng Viva Films na gawin ang sequel ng pelikulang Maging Sino Ka Man (1991) na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Ini-reveal ito ni Sharon sa birthday party ng kaibigan naming businesswoman na si Hazel Villaflor nung Sabado, November 11 2023, sa Shangri-La BGC, Taguig City.
Kinanta kasi ng Megastar ang Maging Sino Ka Man, at sinabi niyang kinausap daw siya ni Boss Vic del Rosario na balak nilang gawin ang sequel nito. Hindi pa naman daw confirmed pero isa raw ito sa naka-lineup sa 2024.
Read: Sharon Cuneta shares moment with Robin Padilla at Viva anniversary party
Pagtapos niyang kantahan ang birthday celebrator, hinarang namin si Sharon bago umalis para klaruhin sa kanya kung tuloy na rin ba ang pelikulang pagsasamahan nila ni Senator Bong Revilla.
Read: Bong Revilla-Sharon Cuneta movie bubungad na pasabog sa taong 2024?
"Yes. I have a movie with Senator Bong Revilla," pakli ni Sharon.
"Tapos, as of last night, siyempre hindi pa sure. Sabi ni Boss Vic sa 47th anniversary ng Viva kagabi. Baka mag-Maging Sino Ka Man part two next year. So, we'll see.
"Dahil sa schedule namin na tinitingnan namin sa 2024, hindi namin alam kung paano mapakasya yung lahat na gagawin ko. Kasi siyempre, hindi lang yun. Meron pang hindi ko puwedeng i-announce.
"So, halu-halo... di ba, hilung-hilo na tayo, hindi ko na alam ang araw!" natatawa niyang pahayag.
Nagpapasalamat si Megastar na ang dami niyang natapos bago natapos ang taon at marami pang nakalaan sa taong 2024.
Pero abangan daw muna ang 49th MMFF entry nila ni Alden Richards na Family of Two (A Mother and Son Story) ng Cineko Productions.
“I'm very grateful that the Lord above, at sa lahat ng hindi po nagsasawang sa inyong suporta sa akin, all these decades.
"Kaya, masusuklian ko lang po yan ng hard work, great projects na from the bottom of my heart," saad ni Ate Shawie.

Sharon Cuneta with Hazel Villaflor & Ging Soriano
NOEL FERRER
Ang isa sa ikinatuwa ni Sharon ay ang successful Dear Heart concert nila ni Gabby Concepcion.
Umayon siya sa sinabi ni Gabby na ang isa sa magandang na-fulfill nila sa kanilang Dear Heart concert ay nagkaayos sila ng anak na si KC Concepcion.
Ayaw pang kumpirmahin ni Sharon ang binubuong U.S. tour ng Dear Heart concert.
"Nothing's final yet. Pero pinag-uusapan na. Sana kung matutuloy yung tour, sana kasama din si KC.
“Saka gusto kong magpasalamat sa inyong lahat sa nanood sa MOA Arena, sa Okada Manila. Thank you very much for joining us, and I hope that we reminded of our history together. Thank you talaga. We're so grateful," saad ng Megastar.
Hindi pa raw talaga nag-sink in sa kanya ang success ng Dear Heart, at kung paano ito sinuportahan ng mga loyal fans ng love team nila ni Gabby. Posible kayang matuloy sa isang pelikula?
"Overwhelmed pa ako," bulalas ni Sharon.
"Hindi pa tapos, e. Kumbaga, to move on from something dapat tapos na yung project. Pero hindi pa. Meron pa kami sa Cebu. So, I don't know if it’s possible na magkaroon ng movie uli.
"But I guess, basta pag mga ganyang usapan, bakit naman hindi?”
Sa November 17 ang Dear Heart sa Nustar Convention Center sa Cebu City. Alam ko maraming dadayo at lilipad mula sa iba’t ibang parte ng Pinas para makapunta sa Dear Heart-Cebu.
Good luck pa rin dito. Hihintayin natin ang Sharon-Gabby movie soon!
JERRY OLEA
Sa AVP (audiovisual presentation) ng Dear Heart concert noong Oktubre 27 sa SM MoA Arena, sinabi ni Boss Vic del Rosario na may mga umaasam na magsama-sama sa movie sina Sharon Cuneta, Gabby Concepcion, at KC Concepcion.
E, si Gabby, merong tini-tape na Kapuso series with Marian Rivera.
Si Sharon, may movie with Senator Bong Revilla, na kung di ako nagkakamali ay bida rin si Jillian Ward. Kaya mahirap pang ikasa ang U.S. concert tour ng Dear Heart.
Of course, excited tayo kung magsasama muli sa movie sina Shawie at Binoe. Kilig na kilig tayo sa huling movie nila na Unexpectedly Yours (2017).
