PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Artists Collaborate on Exciting Commercial

Kabog ang ibang brands sa pagsasama ng dalawang bonggang stars na ito!
by PEP Troika
Published Nov 11, 2023
blind item about newbie and powerful personality
ILLUSTRATION: Igi Talao

NOEL FERRER

This last quarter, ang mga ahensiya ay nagpapabonggahan ng ad campaigns dahil nag-uubos na sila ng kanilang budget para sa taon.

Marami sa mga artista ay abalang nagpo-post kahit sa napaka-negotiated na rates as additional income ngayong Pasko as influencers for some brands.

Kapag kausap mo ang advertisers, talagang sasabihin nila na doon sila sa celebs at personalities na maayos ang branding at may fans at supporters na may purchasing power.

Yung iba naman kasi, nagre-rate sa TV pero hindi makapag-translate sa buying audience kaya hindi masyadong kinukuhang endorser ang mga ito. Kaya kahit anong volunteer daw sa mga artist na ito na halos bagsak-presyo o libre na nga sa mga agency events at visits ay deadma lang ang mga ahensiya, kasi salat sa premium.

Ibang-iba sa umaaribang personalidad na may napipintong collab sa isa ring major personality sa katapat na show — hush-hush pa lang, kasi super-bongga at ganda ng campaign na kakabog sa anumang “unity” efforts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited ako rito dahil matagal nang pinagkukumpara ang dalawang personalidad na ito — pero ngayo’y magsasama sila sa isang project na napapangiti ka, at ang masasabi mo lang ay bongga, puwede naman palang magkapit-bisig at magkaisa!!!

You heard it first here sa PEP Troika— na wala nang kakabog pa!!!

JERRY OLEA

Kabog ang pagsasanib-puwersang ito ng dalawang sikat at magandang personalidad na kapwa premyado at may napatunayan sa takilya.

May premium! May purchasing power ang kanilang fans at followers!

Lalo silang magniningning sa kanilang collab sa patalastas.

Samantalang iyong isang marilag na aktres, ligwak sa mga awarding ceremony kung saan ang co-stars at ang kanilang TV drama series ay umani ng mga parangal.

Iyong pelikulang pinagbidahan niya, kalunus-lunos ang sinapit sa takilya. Kaya kahit ipinagduduldulan siya sa mga advertising agency, ayaw siyang kunin.

Ang isang premyadong aktres naman na so-so ang ratings ng mga tinampukang TV program, nabawasan ang bango sa advertisers. Abangan natin sa 2024 kung ilan na lang ang ieendorso niyang produkto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakalungkot din ang ganap sa kilalang singer, hindi ni-renew ang kanyang kontrata para sa isang fastfood chain. Kaya nagpaparinig ang kanyang dyowa sa ibang brand… baka naman!

GORGY RULA

Mapangahas ang produktong ito para pagsamahin ang dalawang personalidad na magkatapat ang programa.

Tiyak na pag-uusapan ang kanilang collab dahil ang lakas ng dating ng dalawang ito.

Tiyak na nag-iisip ang katapat na produkto kung ano ang panlaban nila.

Mas conservative kasi ang katapat na produkto na madalas na ginagawang commercial ay tumatalakay sa magandang pamilya, tamang asal, at magagandang ugaling Pinoy.

Sana, may mga kasunod pang commercials na naglulunsad at nagpapasikat ng mga bagong mukha. Kagaya nina Mikael Daez, Sef Cadayona, at marami pa.

Siyangapala, curious ako kung sino ang may authority na puwedeng magpa-seminar sa mga talent managers o mga talent agency para maturuan sila kung ano ang tamang handling sa career ng mga artista na puwedeng ibenta sa mga ganitong endorsements.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May ilang artista rin kasi, nate-turn off na raw ang advertisers dahil ang hirap daw kausap ng mga manager. Wala sa artista ang diperensya kundi sa talent management na nagha-handle sa kanila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results