JERRY OLEA
Naglipana ang streaming platforms na nagtatampok sa mga mapangahas na pelikula o serye.
Siyempre pa, more and more and more ang mga hubadera at hubadero na kung saan-saan nagmula.
Dalawa sa mga hubaderong nag-frontal ay sa gay bar na-discover.
Si hubadero number 1 ay magaling mag-macho dancing.
Sa mga tarpaulin ng big night ng isang gaycbar sa Quezon City ay laging nakabalandra ang kanyang katawang lupa.
Bakit nagpatuloy siya sa pagtatrabaho sa gay bar kahit nag-aartista na siya?
Aniya, hindi kalakihan ang TF niya bilang artista, at hindi rin tuluy-tuloy ang projects niya.
Sa gaybar niya kinukuha ang pang-maintenance ng kanyang ina.
Si hubadero number 2, dakilang tunay.
Ayaw niyang aminin na nadiskubre siya sa isang gay bar sa Parañaque City.
Sa big night presentation doon kamakailan, unanimous choice ng mga hurado sa timpalak si hubadero number 2.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
GORGY RULA
Historic recurrence iyan. Noon pa mang ‘80s and ‘90s ay may mga hubaderong artista na mula sa gay bar.
Si hubadero number 3 ay malambing ang accent, at matipuno ang pangangatawan. Sumabak siya sa penekula, pero marami-rami ang mainstream projects.
Si hubadero number 4 ay mahusay gumiling at kumaldag, at kinuhang coach kaugnay sa macho dancing. Look-alike siya ng isang premyadong aktor. Nag-frontal siya sa dalawang 1999 sexy movie.
Si hubadero number 5 ay nag-GRO sa isang gaybar sa Quezon City. Nag-frontal siya sa kanyang launching movie. Lumalabas-labas pa rin siya sa pelikula.
Si hubadero number 6 ay ilang beses gumanap na macho dancer sa indie films. Makailang ulit na sumalamin sa totoong buhay ang mga ginampanan niyang karakter. Wala siyang kiyeme sa pagbubuyangyang.
Si hubadero number 7 ay hanggang pa-brief o pa-swimwear lang.
Idinagdag siya sa comeback movie ng isang sikat na aktres. Matagal kasing natigil ang shooting ng nasabing movie, at nang mag-resume ang shooting ay hindi na available ang lead actor, kaya bigla siyang isinalpak sa istorya.
NOEL FERRER
Of course, meron ding male singer na nag-GRO sa isang gay bar at pinagkaguluhan ng mga veckieng hamog at sosing vadeth dahil kamag-anak niya ang isang sikat na aktor.
Meron ding mga singer at aktor na nag-sideline sa pagtatrabaho sa gay bar.
Andiyan yung aktor na nag-pictorial para sa magasin kung saan aninag na aninag ang kanyang private part. Kasama siya sa cast ng isang pelikulang naligwak sa 49th MMFF.
Ang isa pang aktor ay nag-macho dancer sandali sa gay bar na pag-aari ng kanyang manager. Artistic ang nude photos niya para sa isang book series.
Ang isang indie actor na nag-umpisa bilang bikini kontesero, all the way sa pagma-macho dancing sa isang gaybar sa Maynila. Todo ngiti sa kanyang performance kahit reggie lee ang kanyang birdie.
Ang isang baguhang aktor ay ekstra lang sa isang sexy movie na ipinalabas noong 2021, pero may litrato sa poster.
Isa na siya sa star dancers ng gay bar sa Parañaque, kung saan na-discover si hubadero number 2. Sa big night presentation nila ngayong 11-11, nasa gitna siya ng poster.
