PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid sa Tunay na Buhay

Black Rider ni Ruru Madrid, dumidikit na sa Batang Quiapo ni Coco Martin.
by PEP Troika
Published Nov 11, 2023
ruru madrid martial arts
Ruru Madrid on using his martial-arts skills in real life: "Importante talaga kapag mga ganyan, uunahin mo talaga... huwag mong unahin yung init ng ulo, dapat alam mo kung paano mo iha-handle. I mean, kapag naman po nakapag-undergo ka ng mga trainings, ng MMA, ituturo sa yo yung pagiging disiplinado pagdating sa mga ganyang bagay. Hangga't kayang umiwas, iiwas ka talaga."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram

GORGY RULA

Mas marami pang martial arts na natutunan ni Ruru Madrid dahil sa Black Rider.

Nagpa-sample si Ruru ng arnis o kali nang mag-guest siya sa Fast Talk With Boy Abunda, at marami pa siyang action scenes na mapapanood sa Black Rider.

Read: Ruru Madrid: "Hindi ko po in-expect na mararating ko po yung kung nasaan ako ngayon."

Nang nakatsikahan namin si Ruru sa mediacon ng Black Rider, tinanong namin siya, paano kung mapasabak siya sa gulo dahil nakikitang magaling na siya sa martial arts?

"Walang mangyayaring ganun!" kaagad na sagot ni Ruru.

Pero sinundan namin siya ng tanong kung sakaling mapasabak siya sa gulo at makursunadahan dahil alam ng lahat na bihasa na siya sa martial arts, iiwas ba siya sa gulo?

"For me, pag mga ganyang bagay, siyempre gusto ko pangalagaan kung ano yung imahe ko bilang artista.

"Pero siyempre, pag may pagkakataon po na ganyan, hindi ko puwedeng pigilan yung sarili ko, lalo na pag ibang tao," pakli ng Kapuso Primetime Prince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero paano kung nakita niyang naaagrabyado na ang pamilya niya, lalo na ang girlfriend niyang si Bianca Umali?

"Sabi ko, okay lang na kantiin ako. Okay lang na kung ano yung sabihin sa akin, i-down ako, or ano... basta huwag lang po yung ibang taong malapit sa akin. Lalo na po si Bianca, at ang pamilya ko o kung sino man.

“Dun, talagang hindi ko po alam kung ano yung magagawa ko. Pero siyempre, importante talaga kapag mga ganyan, uunahin mo talaga... huwag mong unahin yung init ng ulo, dapat alam mo kung paano mo iha-handle.

“I mean, kapag naman po nakapag-undergo ka ng mga trainings, ng MMA, ituturo sa yo yung pagiging disiplinado pagdating sa mga ganyang bagay.

"Hangga't kayang umiwas, iiwas ka talaga," saad ni Ruru.

NOEL FERRER

Nakaka-proud talaga ang disiplina at husay ni Ruru sa roles niya.

Kaya naman ultimo boss niya sa teleserye ng GMA Public Affairs na si Nessa Valdellon ay nagsabi, “Did anyone catch [the] Black Rider episode? Ruru was brilliant in it. Beyond being an action star in his own right ... he will soon be even more recognized as a great actor. Amazed to witness how his work has gained depth over the years. Cheering for Ruru and team Black Rider!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo, ibang kategorya ng pagiging aktor si Ruru!!! At pagaling pa siya nang pagaling!!!

He is truly one of the best young actors of GMA and in our industry!

JERRY OLEA

Wow!!! Ispageting pataas ang ratings ng Black Rider. Nanganganib na ba ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin?

Read: Pilot episode ng Black Rider, kumasa ba sa Batang Quiapo?

Wish ko lang na magkaroon din si Ruru ng pelikulang tatangkilikin nang lubos ng moviegoers.

Iyon kasing Video City movie nila ni Yassi Pressman na nag-showing noong Setyembre, bahagya nang pumasok sa aking diwa.

Ang movie before that na pinagbidahan ni Ruru ay iyong Cara x Jagger na nakakalumbay rin ang sinapit sa takilya.

Ang laki ng improvement ni Ruru sa akting. Mas yummylicious din siya nowadays sa kanyang pa-abs.

Pero sana, may mapatunayan din siya sa box office.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid on using his martial-arts skills in real life: "Importante talaga kapag mga ganyan, uunahin mo talaga... huwag mong unahin yung init ng ulo, dapat alam mo kung paano mo iha-handle. I mean, kapag naman po nakapag-undergo ka ng mga trainings, ng MMA, ituturo sa yo yung pagiging disiplinado pagdating sa mga ganyang bagay. Hangga't kayang umiwas, iiwas ka talaga."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results