JERRY OLEA
Napakalamig sa Sapporo, Japan, noong nakaraang Enero 2023 na nag-shooting ang Vivamax movie na Japino, kung saan bida sina Angela Morena, Denise Esteban, at Vince Rillon.
Paano nila itinawid ang love scenes?
Mabilis na sagot ni Vince sa mediacon noong Nobyembre 7, Miyerkules, sa Wingzone restaurant, Araneta City, Quezon City, hindi nagbabad ang creator na si Direk Brillante Mendoza sa mga love scene.
“Lalo na kung hindi naman kailangan,” sambit ni Vince.
“Pero kung kailangan, ibinibigay din naman namin dun.
“And saan pa ba? Yung mga love scene namin dun, para sa akin, simple lang. More on sa kuwento. Dun po na-focus.”
Read: Vince Rillon enjoy pa rin sa paggawa ng erotika at "boom-boom"
Pahayag ni Angela, “Yung mga maiinit na eksena, yung mga love scene, sa loob naman po ng bahay or condominium namin syinut. Hindi sa snow!
“Ayun po, may heater sila. Nakatulong po yon. Nakatulong po yung heater sa loob ng kuwarto.
“Kasi, kahit nasa loob ka ng bahay, ramdam mo talaga yung lamig po, e. Lalo na kung sobrang lakas nung snow.
“Naranasan po namin yun. Kaya ayun, thank you sa heater po ni Miss Miyamoto.”
Susog ni Denise, “Heater po talaga ang nagsalba sa aming lahat. Nakakatuwa po yung heater… tuwang-tuwa lang po kami, yun lang po.
“Yung carpet nila, makakapal. So pag hinawakan mo siya, ang init! Ang sarap maghiga-higa po dun. Ayun po, isinalba po kami ng heater.”
Gaano ba ka-intense ang love scenes nina Denise at Vince?
Sey ni Denise, “Siguro, saktong intense lang… Parang make love talaga. OK po, maganda yung love scene namin dito. Napaghandaan din po. Sexy rin, hot.”
Ang ka-love scene naman ni Angela ay si Ali Asistio.
Sabi ni Angela, “Dahil boyfriend ko po yung karakter ni Ali dito, it was passionate. Dyowa, ganun. Passionate and full of love, yeah. Yun po.”
If ever, keri ba nilang mag-shoot ng love scene sa snow?
Nag-yes agad ang tubong-Baguio City na si Denise, “Feeling ko po kasi, ang gandang kuhanan! Yung nasa snow kayo, gumugulung-gulong kayo dun.
“Ang ganda kasi talaga. Nai-imagine ko po kasi yung nandun din ako, e.”
Pagmamatwid ni Angela, “Siguro dahil Direk Brillante, he is more of a natural person and having love scenes sa snow, it doesn’t show like natural and normal.
“So, sorry. Hindi po. Ayokong i-risk yung health ko, especially sobrang lamig sa snow.”
E, si Vince, game makipaglampungan sa snow?
Ngumiti si Vince, “Oo naman. Pero ang tanong, parang wala naman pong gumagawa ng sex scene sa snow. Bawal ata yun!”
Nasa cast din ng Japino sina Lara Morena, Takuhei Kaneko, at Tora Hara, sa direksiyon ni Freidric Macapagal Cortez.
GORGY RULA
Sinulit nina Angela, Denise, at Vince ang shooting sa Japan.
Dalawang pelikula ang natapos nila roon, Hosto at Japino. Nag-streaming na sa Vivamax noong nakaraang Hunyo iyong Hosto.
Ano ang biggest challenge nila sa pagsusyuting sa Japan?
Read: Vince Rillon, nakiliti sa bigote ni Jay Manalo sa intimate scenes nila sa 'Hosto'
Sagot ni Vince, “Unang-una na po, hindi kami tumatagal nang dalawang oras dun sa labas. Sumusuko kami sa lamig.
“Kasi parang yung mukha namin, parang hindi na namin nahahawakan. Pati yung tenga namin, sobrang sakit na, kahit na naka-gloves na po kami.
“And then yung heat pad namin, ubos lagi. Kasi, nilalagyan po kami ng mga heat pad-heat pad sa loob ng pants namin, ayun ang mahirap.”
Pag-ayon ni Denise, “Sa akin din po, yun din po, yung lamig talaga. Sobrang hirap po mag-work.
“Pag ano po kasi, mahirap. E, kailangan kita ang mukha pag kinukuhanan. Pag natatagalan po sa sobrang lamig, parang masakit sa lungs. Mahirap huminga.”
Dagdag ni Angela, “Siguro aside from the weather sa lugar kung nasaan kami, yung pinaka-challenging was my character.
“Kasi, there’s an adaptation from Direk Brillante na wala kaming script. And minsan, may mga eksena kami to speak Japanese sa mga eksena namin.
“So, yun po yung mga challenge. Dun ako na-challenge. Kasi, I have to think, e. ‘Ano ang mararamdaman ng character ko dito? Ano kaya ang sasabihin niya?’
“And dito ko rin na-realize na ang hirap din palang magbuhos ng emotion during snow.
“Kasi, sa sobrang lamig, hindi mo na ano, e. Hindi ka na makaiyak, yung ganun. And thankful ako, kasi andiyan sina Direk Freid and Direk Brillante na tulungan ako sa mga eksenang mabibigat, na I was able to cry.”
NOEL FERRER
Nag-pictorial sa snow si Ali Asistio na naka-brief, at si Denise Esteban ay naka-two piece. Pinost nila iyon sa Instagram.
View this post on Instagram
Kuwento ni Denise, “Pagkatapos po naming mag-pack up, nag-dinner po kami sa labas. And siyempre parang naano po ni Ali, ‘Uy, sake!’ Uminom po ng sake si Ali.
“Tapos medyo nag-init ang katawan, lumakas loob, ganun. Hindi naman siya lasing, lumakas lang talaga loob.
“Kasi nung papunta pa lang, nagdyu-joke time na kami. ‘Uy! Ali, mag-picture tayo nang naka-bikini sa snow!’ Parang nakita ko sa ano yun.”
May ibang lakad noong time na iyon si Angela, samantalang pauwi na sa Pilipinas si Vince, kaya sina Ali at Denise lang ang nag-sexy pictorial sa snow.
Pagpapatuloy ni Denise, “Akala ko po nun, joke time lang talaga. Tapos biglang sabi ni Ali, ‘Magpapalit na ako,’ ganito, ganyan. ‘Ahh sige, ako rin! Ako rin!’
“Tapos nagpalit po kami. Nauna siya sa labas. Tapos biglang dun po sa park ng pinag-i-stay-an naming hotel, konti lang po ang dumadaan kasi.
“So, kaya sobrang lakas po talaga ng loob namin ni Ali na lumabas dun na ganun lang ang suot.
“Sa lamig po, sakto lang. Hindi naman masyadong malamig pag hindi hinawakan yung ice. Pero pag dumikit yung ice sa katawan, dun mo mararamdaman talaga yung lamig.”
E, yung chill, yung lamig ng hangin? Nanginig ba sila? Keri lang?
“Ako po, parang hindi naman po ako masyadong nag-ano. Kasi, sanay po akong mag-shorts sa Baguio nang gabi, e,” sambit ni Denise.
“Yung lamig naman po dun, hindi naman siya talaga malamig pag hindi nahahawakan yung ice. Lalo po nung gabi, wala masyadong hangin.”
