GORGY RULA
Na-intriga kami sa ipinost ni Senator Bong Revilla sa kanyang social-media account na kasama niya si Sharon Cuneta.
Nasa caption nito (published as is), “After PANGAKO SA 'YO, anong kasunod? (smile and hmmm emoji) "Great to see you again, @reallysharoncuneta (three thumbs up sign)."
Ang Pangako Sa 'Yo ay ang blockbuster movie na pinagsamahan ng dalawa noong 1992.

Kaagad kong tinext si Sen. Bong kung ang Megastar na nga ba ang makakasama niya sa kanyang pagbabalik-pelikula.
Sinagot lang niya ako ng "hahaha!"
Pero kinulit ko pa rin si Sen. Bong kung ito na nga ba ang isa sa pasabog niya sa pagpasok ng 2024.
"Basta abangan nyo na lang," kaagad niyang sagot sa akin.
Maraming magagandang story ang nai-pitch sa action star pero matagal bago siya nakapag-decide kung ano ang gagawin niya.
Meron pa siyang project kasama si Jillian Ward, pero hindi pa niya nasimulan dahil kinakasa na rin ang season 2 ng action-comedy sitcom niyang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis.
Itong buwang ito niya sisimulan ang naturang project sa GMA-7. Kaya abangan na lang daw kung ano ang project na posibleng pagsasamahan nila ng Megastar.
Si Sharon naman ay meron pang Dear Heart concert nila ni Gabby Concepcion sa Cebu sa November 17, at magiging abala na siya sa promo ng Metro Manila Film Festival 2023 entry nila ni Alden Richards na Family of Two (A Mother and Son Story) ng Cineko Productions.
Read:
Did Sharon Cuneta and Gabby Concepcion kiss during their reunion concert?
Alden Richards defends Sharon Cuneta from Maine Mendoza fans: "Huwag po masyadong personalin."
Kaya maaring sa taong 2024 na tayo babalitaan kung ano talaga ang malaking project na pagsasamahan nina Sen. Bong Revilla at Sharon Cuneta.
JERRY OLEA
Noon pa sinasabi ni Sen. Bong na malaking artista ang leading lady niya sa movie nila ni Jillian Ward.
Sa TV special na Idol Ko Si Bong kung saan ipinagdiwang ang 50th showbiz anniversary at 57th birthday ng actor-politician, magkasama sina Jillian at Sharon sa production number kaugnay sa Pangako Sa ‘Yo. Pahiwatig na iyon!!!
Sa pictures na pinost naman ni Sharon kagabi sa FB, kasama nila ni Bong na nag-dinner ang film producers na sina Malou Santos at Marlon Bautista, at iba pang kaugnay sa produksiyon. “Ano ang nagaganap? Something’s cookin!” sey pa ni Megastar.

NOEL FERRER
Sabi nga natin, if there’s anything more na na-achieve ng Dear Heart concert, it asserted that Sharon and Gabby’s reign as lead stars is not over.
Heto pa nga, with Tita Malou Santos in the meeting, hindi malayong magkakatotoo ang tambalang Bong Revilla and Sharon Cuneta because these industry leaders truly make things happen.
Aabangan na lang natin at susuportahan ang susunod na kabanata!!!
