PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vince Rillon enjoy pa rin sa paggawa ng erotika at "boom-boom"

Hangga't gusto pa raw ng tao, gow lang si Vince!
by PEP Troika
Published Oct 31, 2023
Vince Rillon
“Sa ngayon po, gusto ko siyempreng gumawa ng action saka drama. Pero hanggang erotika pa rin yung gusto ng mga tao at boom-boom pa rin sa Vivamax, OK ako," pahayag ni Vince Rillon nang tanungin kung sawa na siyang gumawa ng sexy movies.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Inararo ni Vince Rillon ang mga baguhang sina Arah Alonzo, Dyessa Garcia, Jenn Rosa, at Caira Lee sa four-part Vivamax series na Araro.

“Mga first-timer po sila, pero napaka-professional at malalakas ang loob siyempre,” sambit ni Vince nitong Oktubre 30, 2023, Lunes ng gabi sa mansion ni Direk Brillante Mendoza sa Mandaluyong City.

“Lahat naman po, di ba, pag sa unang sabak? Kailangan talaga, ibigay mo yung best mo, e. Para makaulit.”

Siya ba ang nagbibinyag sa mga baguhang babae sa Vivamax?

Napakunot-noo si Vince, “Hindi naman po! Parang bago naman sila tumanggap ng trabaho, alam na nila yun. Siyempre walang virgin dun. Bakit bibinyagan ko?”

Mahirap bang makaeksena ang mga first-timer sa love scenes o kissing scenes? Mahirap bang magturo o maggabay?

Natigilan sandali si Vince bago sumagot, “Hmmnn actually, dapat po pag pumunta sila sa set, alam na po nila yung gagawin.

“And may limitations naman din. Hindi naman ako nahihirapan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsasaka ang papel ni Vince sa Araro na idinirek ni Topel Lee, at nagtatampok din kina Micaella Raz, Robb Guinto, Ronnie Lazaro, Vino Gonzales, at Raffy Tejada.

Sa Nobyembre 19, Linggo matutunghayan ang first episode nito sa Vivamax.

Noong Oktubre 27, Biyernes nag-umpisang mag-streaming sa Vivamax ang pelikula nila nina Angeli Khang, Azi Acosta, at Victor Relosa na Sila Ay Akin.

As expected, nag-number 1 agad iyon sa Top 10 Movies of the Week ng nasabing platform.

Sila Ay Akin poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Macho dancer ang papel ni Vince sa Sila Ay Akin. Todo-bigay siya sa padkaldag at pagkadyot sa entablado.

“Nag-provide yung Viva ng magtuturo sa amin na nagtatrabaho sa gaybar. Nag-workshop kami nang two days, pagsasayaw, eight hours.”

Nabitin ba siya sa halikan nila ni Gerald Madrid na gumanap bilang gay sponsor niya?

Napangiti si Vince, “Hindi naman po. Mabait si Kuya Gerald. Napaka-professional din po. Parang Kuya Jay [Manalo] din, lalaki, palaban! Kaya laban din ako!

“Basta sa lalaki, laban, huwag lang yung ano. Siyempre mahirap pag ano.”

Si Jay ang gumanap bilang gay sponsor ni Vince sa pelikulang Hosto na noong Hunyo nag-streaming sa Vivamax.

Sa Nobyembre 10, Biyernes naman ang Vivamax streaming ng pelikula nila nina Denise Esteban, Angela Morena, at Ali Asistio na Japino.

NOEL FERRER

Maigting ang drama ng pamilya sa Sila Ay Akin, na idinirek ni Mac Alejandre mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sana nga ay makakuha uli ako ng isang project na si Sir Ricky ang nagsulat,” pag-asam ni Vince.

“Kasi, more on puso rin si Sir Ricky. May puso lagi ang ginagawa niya. Natuwa rin ako dun sa Sila Ay Akin.”

Nasa cast din ng Sila Ay Akin sina Angie Castrence, Cess Garcia, Andrea Garcia, Roni Bertubin, Caira Lee, Chad Alviar, Vino Gonzales, VJ Vera, Gboy Pablo, Joel Garcia, RR Lopez, at Mansour Latiph.

GORGY RULA

Kinasuhan ng isang kapisanan ang Vivamax stars na sina Angeli Khang, AJ Raval, Azi Acosta, at Ayanna Misola.

Inireklamo sila sa kasong kriminal na cybercrime in relation to obscene publication.

“Para sa akin po, no comment ako. Kasi, Viva artist din ako, e. Saka gumagawa rin ako ng sexy scenes,” sagot ni Vince.

“Hindi naman po porn yun. Sexy scenes din, yun lang po.”

Nagsasawa na ba siya sa paggawa ng sexy movies? Inaasam ba niya na sana, sa 2024, hindi na siya kailangang maghubad at makipaglampungan sa pelikula o serye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na tugon ni Vince, “Hindi po. Kasi, nag-e-enjoy pa rin po talaga ako, e. Siguro, marami pa akong kailangang malaman sa industriya.

“Hindi ako nakakaramdam ng pagod actually. Hindi po ako nakakaramdam ng pagod.

“Sa ngayon po, gusto ko siyempreng gumawa ng action saka drama. Pero hanggang erotika pa rin yung gusto ng mga tao at boom-boom pa rin sa Vivamax, OK ako.

“Hindi ako pinapabayaan ng Viva. Kumbaga, tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay nila sa akin ng matitinong project. So, OK lang ako, happy naman ako.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Sa ngayon po, gusto ko siyempreng gumawa ng action saka drama. Pero hanggang erotika pa rin yung gusto ng mga tao at boom-boom pa rin sa Vivamax, OK ako," pahayag ni Vince Rillon nang tanungin kung sawa na siyang gumawa ng sexy movies.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results