PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Haligi Actors Skip Fees; INC Allies Needed?

Victor Neri: "This is also our duty to our church."
by PEP Troika
Published Oct 30, 2023
Haligi lead stars Christopher Roxas, Victor Neri, Richard Quan, and Dex Castro
Kumpiyansa ang Haligi director na si Nestor Malgapo Jr. na susuportahan ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo ang pelikula. Aniya, "Kahit hindi mo utusan...papanoorin iyan."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Dinagsa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang red-carpet premiere ng pelikulang Haligi noong Sabado, October 28, 2023.

Ang Haligi ay prinodyus ng Christian Era Broadcasting Service International, Incorporated o CEBSI.

Dalawang sinehan sa SM San Lazaro ang ginamit para ma-accommodate ang mga kaanib nila na galing sa iba't ibang lokal.

Dumalo ang apat na bida ng pelikula: sina Victor Neri, Richard Quan, Christopher Roxas, at Dex Castro. Lahat sila ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Ayon sa writer at director ng pelikulang ito na si Nestor Malgapo Jr., hindi raw nila nire-require ang mga kasamahan nila sa INC na suportahan ang pelikula.

Read: KC Concepcion happiest at Gabby Concepcion-Sharon Cuneta concert: "Yung past, past na yun."

Haligi lead stars (L-R) Christopher Roxas, Victor Neri, director Nestor Maglapo Jr., Richard Quan, Dex Castro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Talagang nagdadamayan daw sila tuwing merong film project na ipapalabas.

Hindi na raw nila kailangang pakiusapan, kaagad na nandiyan daw ang mga kaanib para sumuporta.

Ani Direk Nestor Malgapo Jr., “Basta meron kaming ganyang proyekto at anong proyekto o pelikula na inendorso ng Iglesia Ni Cristo, at lalo ng pelikulang gawa ng Iglesia Ni Cristo, susuportahan at susuportahan iyan ng mga kaanib at mga kapatid iyan.

"Kasi naniniwala sila at sumasampalataya sila na may mensahe yung pelikula na dapat na makakarating sa tao.

"At yun ay makakatulong din sa kanila, sa mga kapatid namin, dahil gagamitin nila yun para i-share din dun sa mga hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

"So susuporta at susuporta iyan kahit hindi mo utusan. Panoorin at papanoorin iyan."

Tumatalakay ang pelikula sa kuwento ng apat na ama na dumaan sa hirap nung nasa pandemya hanggang sa patapos na ito.

Gustong iparating nito na hindi lang ang mga ina ang dumaan sa mga pagsubok nung pandemic, dahil mas mabigat pa ang dinadala ng ilang mga ama na itinuturing na haligi ng tahanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapasalamat ang CEBSI at si Direk Malgapo sa apat na bidang aktor, dahil tinanggap daw nila ang project na hindi pinag-usapan ang talent fee.

Sina Richard Quan at Victor Neri ay hindi na nagpabayad dahil nagtutulungan daw talaga silang mga magkakapatid sa INC.

Pahayag ni Richard Quan, “Ako, hindi na talaga ako tumatanggap pag CEBSI. Ang dami ko ring offer, kasi balita iyan na hindi raw ako tumatanggap ng talent fee pag may tiwala ako sa project.

"Ang sabi ko nga, yung project is beyond ano, e, beyond being a professional actor. It's beyond personal... it's spiritual sa akin.

"I have my own reason kung bakit, na hindi ako kumportableng i-share sa lahat, pero I have my own deep reason, kaya ko ginagawa ito. Alam na nila yun."

Read: Victor Neri proud of converting to Iglesia Ni Cristo after years of soul-searching

Haligi lead stars Christopher Roxas, Victor Neri, Richard Quan, and Dex Castro

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA:

Ibinuhos ni Victor Neri ang kanyang puso at kaluluwa sa Haligi. Gusto raw niya ang project, at kapag pelikula ng CEBSI, hindi raw nila pinag-uusapan kung may talent fee o wala.

Aniya, “One of the reasons why ako ay napaanib sa Iglesia Ni Cristo is yung isa sa punto ng aming doktrina is magmahal ng kapatid, ang kapatid ay magmamahal din sa iba at alagaan po nating lahat.

"Isa ho sa doktrina iyan. Isang araw ay ituturo sa iyo iyan. At ipinakita at pinatotoo iyan.

"You know that's true, in times of calamity, we don't wait for whoever, magmu-mobilize lahat iyan. Walang sagut-sagot. Lahat iyan, Iglesia Ni Cristo.

"When we do something for the church, hindi iyan literal na nagsasamba-sambahan lang.

"Lahat ay nagku-crossover sa tutulong ka pagpintura ng kapilya, tutulong ka sa mga outreach program. Kasama na rin po itong pag-arte, kasi istasyon ng Iglesia iyan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung mga projects na ginagawa, especially CEBSI, that is on the premise, and it's going to be always based on the teachings of the word of God.

"Lagi lang naming sinasabi, again as actors in CEBSI Films, this is also our duty to our church. To help the church."

Read: Bianca Umali on becoming an Iglesia Ni Cristo member: “It is a personal choice.”

NOEL FERRER:

Totoo na hindi TF ang consideration ni Victor Neri nang tanggapin itong project na ito. Ako na manager niya ang magpapatotoo. He just simply wanted to do this for the INC community.

Pabiro ang sagot ni Christopher Roxas na tiyak na hindi tatanggi ang asawa niyang si Gladys Reyes kung may iaabot na talent fee. Hindi raw sila nagbibigay ng presyo kapag inaalok sila ng film project ng CEBSI Films.

Nakangiting sabi niya, "Hindi po kami nagpi-presyo. Sa totoo lang, ang pamamahala po, hindi naman din iti-TY ka na lang. Inaabutan naman kami, at maganda naman po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Talagang hindi lang tumatanggap si Richard. E, kami binigyan, siyempre, palagay po ninyo, tatanggihan ni Gladys yun?"

Read: Gen Z diagnosed with autism graduates from college

Dumalo rin doon si Gladys para sumuporta kay Christopher, at sinabi niyang basta maganda ang project, hindi na pinag-uusapan ang talent fee.

Pakli naman ni Gladys, "Kahit hindi naman iyan CEBSI, kung napakaganda ng materyal, lalo kung bida o di ko pa nagawa na role na matsa-challenge ako, wala nang tanung-tanong sa talent fee."

Kahit ang dating indie actor na si Dex Castro ay hindi rin daw mahalaga sa kanya ang talent fee. Iniisip daw niya na tungkulin niya ito bilang miyembro ng INC.

Pahayag niya, "Nung kinausap ako ni Direk, talagang hindi ko inaasahan. As mentioned din po nila, parang tungkulin na rin po namin, ang pagtupad namin as member of INC.

"Sabi nga ni Kuya Chris, kung merong ibibigay, maraming salamat. Kung wala, yun ay ano natin, pagtupad at hindi ko naman po ini-expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero very thankful talaga ako na nagkaroon ng tulong, at magandang tulong naman po siya,."

Nilinaw ng taga-CEBSI na ang ginagawa raw nilang pelikula ay hindi pang-commercial.

At ito ang rason kaya hindi raw sumasali sa Metro Manila FIlm Festival.

Pakli ng isa sa mga producers ng CEBSI Films, "Kasi it's commercial, di ba? Kasi yung pelikula, it's not meant to earn."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumpiyansa ang Haligi director na si Nestor Malgapo Jr. na susuportahan ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo ang pelikula. Aniya, "Kahit hindi mo utusan...papanoorin iyan."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results