PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotlot de Leon, nakaka-relate ba sa kuwento ng 'Ang Ina Mo'?

Lotlot: "Ang anak naman walang magagawa sa choices ng mga magulang nila, e. Wala."
by PEP Troika
Published Oct 6, 2023
lotlot de leon rico barrera ang ina mo
Lotlot de Leon plays a mother who has an affair with a younger man, played by Rico Barrera, in 'Ang Ina Mo.'
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Marami ang maka-relate sa pelikulang Ang Ina Mo na obra ni Direk Joel Lamangan na isinumite ng 4Blues Productions Inc. at LDG Productions sa 49th Metro Manila Film Festival.

Mala-classic film na Insiang (1976) ni Direk Lino Brocka ang pelikulang ito tampok sina Lotlot de Leon bilang Bella, Charlie Dizon bilang anak na si Bella, Rico Barrera bilang Xander, at Jameson Blake bilang Marvin.

Read: Rico Barrera, "pinag-agawan" nina Lotlot de Leon at Charlie Dizon

Sabi nga ni Direk Joel Lamangan, inspired ito sa kuwentong ng kanyang kamag-anak na kontra ang anak nito sa lalaking minahal nito.

Naka-relate ba mismo si Lotlot sa pelikulang ito?

Napapangiti na lang ang magaling na aktres kapag napag-uusapan na ito na obvious ayaw na lang niyang ungkatin pa ang isyu nila noon ng kanyang Mama Guy. Tapos na yun at okay na sila ng 70-anyos na si Nora Aunor.

Pero tiyak na maraming makaka-relate at may matutunan sa pelikulang ito ang mga magulang at mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong nga namin si Lotlot na bilang isang anak na may kahalintulad din sa kuwento ng pelikulang ito, ano ang puwede niyang maibigay na payo sa mga kabataan na may ganung karanasan sa kanilang magulang.

"Sa totoong buhay, ang anak naman walang magagawa sa choices ng mga magulang nila, e. Wala. Meron po ba? Wala," seryosong pakli ni Lotlot noong Oktubre 5, Huwebes, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.

"Hindi ba? Tayo, bilang mga anak tayong lahat, meron ba kayong say sa kung anong gustong gawin ng mga magulang nyo? Wala. Wala.

"Pero kasama dun ang ano, e... rerespetuhin mo naman, mahal mo pa rin naman kahit anong piliin nila sa buhay nila, di ba, ng mga magulang natin?

"Kung ano ang tama para sa kanila, maaaring mali sa atin. Pero at the end of the day, in the culture of our country, being Filipinos, anak lang tayo lahat. So, wala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa lahat itong mga pahayag ni Lotlot, hindi lang sa isyu niya sa kanyang inang si Nora.

May isyu silang mag-iina na naayos nila ito at nagkakaintindihan na ang pamilya. Ang mahalaga ay nanaig ang pagmamahalan ng mga anak sa magulang at ganun din ang mga magulang sa kanilang mga anak.

JERRY OLEA

May ipinaparating ding mensahe si Lotlot para sa mga magulang na nagkakaroon ng conflict sa kanilang mga anak dahil sa pinili nilang taong mamahalin.

Ani Lotlot, “Sa mga magulang naman, siguro hindi naman natin sila pinipigilang magmahal, di ba?

"Pero bilang mga anak, nakikita natin minsan yung mga hindi nila nakikita na kung niloloko ba sila, kung totoo ba yung tao sa kanila, kung tapat ba yung tao sa kanila na iniisip nila na mahal sila, at mahal din nila?

"Sana magkaroon din lang ng puwang sa mga magulang na makinig sa mga kung ano yung nararamdaman ng mga anak. Na hindi rin maging sarado ang kanilang puso at isipan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kagaya ng istorya ni Bella kay Donna sa anak niya, na parang wala na siyang ibang nakita. Ang tama lang, yung lalaki para sa kanya.

“Kumbaga siguro dahil para kay Bella, ‘Napalaki naman kita. e. Lahat naman ng gusto mo, naibigay ko sa iyo, e. Pinaghirapan ko naman yung buhay nating dalawa, e. Ito lang naman ang gusto ko e, itong lalaking ito e. Dahil siya lang ang nandito para sa akin.’

“Pero in reality, hindi naman e. Kasi yung anak din naman, nag-aaral, nagsisipag, na gustong maging proud, at ginagawa iyun ng anak para sa magulang, hindi ba? Pero hindi niya nakikita.

"So, at the end of the day, it's just really communication. Just have to be open and yun na nga, siguro dasal.

“Dasal na kung halimbawang sarado ang isip at puso ng mga magulang, at pati na rin ng mga anak if in reverse, di ba?

“Na magkaroon ng liwanag sa dilim. Ha! Ha! Ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang importante, kung saan masaya ang magulang?

Napabuntong-hininga si Lotlot, “Minsan po kasi, masaya ka, e. Pero minsan, pag masaya ka, hindi mo alam niloloko ka na.

“Siyempre nasasaktan dun yung mga totoong nagmamahal sa yo. Hindi ba? So it’s a very complicated relationship I think within families.”

NOEL FERRER

Gusto ni Lotlot ang pagkalahad ng kuwento ng Ang Ina Mo. May isang eksena roon na nagustuhan niya ang mensaheng ipinaparating nito sa mga manonood, at meron siyang napagtanto sa ipinarating ng pelikulang yun.

"Straight to the point naman yung story ng movie, e. Wala naman siyang paliguy-ligoy, e,” lahad ni Lotlot.

"So, merong isang dialogue dun yung bestfriend ni Bella na si Tentay. Ang sabi ni Tentay, 'Tandaan mo, sampu ang lalaki, pero iisa lang ang nanay.’

"Sa akin, sana din, sa mga magulang, tandaan natin na sampu man ang maging babae mo, sampu man maging lalaki ng nanay, pero ang anak ay anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, pareho lang. Pareho lang po. Sana ganundin. Kumbaga, sana hindi rin talaga nakakalimutan ng mga magulang na meron din silang mga anak na nandiyan, na naghahanap din ng pagmamahal nila, di ba?"

As it is, dalawa na ang leaning sa drama na entries sa MMFF 2023, Alden-Sharon na Family of Two, at Dingdong-Marian na Rewind.

Sana talaga, kakaiba at talagang may hatak at dekalidad ang mga susunod na papasok pang variation ng drama na paasok. Ito bang Ang Ina Mo na ito?

Abangan natin sa MMFF 2023 Announcement sa October 17.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lotlot de Leon plays a mother who has an affair with a younger man, played by Rico Barrera, in 'Ang Ina Mo.'
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results