JERRY OLEA
Pinarangalan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) si Vice Ganda ng It’s Showtime, at sina Tito, Vic & Joey ng E.A.T. sa closing ceremony ng 3rd Philippine Film Industry Month noong Setyembre 29, 2023, Biyernes, sa Acacia Hotel, Alabang, Muntinlupa City.
Honorees din noong gabing iyon sina Michael V, Eugene Doningo, Ai-Ai delas Alas, at ang yumaong Comedy King na si Dolphy.
Read: Iconic Pinoy comedians, binigyang parangal sa 3rd Philippine Film Industry Month
Samantala, ginawaran ng Presidential Communications Office-Freedom of Information Program Management Office (PCO FOI-PMO) ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng FOI Certificate of Compliance para sa FY 2022.

"Nagpapasalamat kami sa pagkilala mula sa kagalang-galang na Kalihim Cheloy Velicaria-Garafil ng Presidential Communications Office," pahayag ni MTRCB Chairperson Lala Sotto.
"Ito'y patunay lamang na kami ay nasa tamang landas ng aming paglalakbay upang maglingkod sa mamamayang Pilipino sa abot ng aming makakaya.
“Nais ko ring samantalahin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang Tatlumpong (30) mga Miyembro ng Board ng Ahensya, Vice Chairman Njel De Mesa, at Executive Director II Atty. Mamarico Sansarona, Jr., na patuloy na sumusuporta upang mapanatili ang lakas at determinasyon ng MTRCB na gawing malusog at makabuluhan ang industriya ng Telebisyon at Pelikula sa gitna ng mapanghamong panahon at mabilis na pagbabago ng lipunan.”
Ang FOI Certificate of Compliance ay iginagawad sa mga Ahensiya ng Gobyerno na natugunan nang mahusay ang requirements ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 02, s. 2016. Ipinagdiwang ng MTRCB ang ika-38 anibersaryo nitong Oktubre 5, Huwebes.
Read: MTRCB Chair Lala Sotto denies conflict of interest; ignores calls to resign
NOEL FERRER
Maganda ang move ng MTRCB na mabilis nilang nako-communicate ang kanilang mga desisyon.
Naipapaliwanag nila ang kanilang proseso para maintindihan ang mga manonood kung ano ang pinanggagalingan ng kanilang ruling.
Kahit araw ng Linggo, naglalabas sila ng paliwanag sa isyung kinasasangkutan nila.
Tuwing Miyerkules ay inilalathala ng MTRCB sa kanilang Facebook page ang Pribyuhan — weekly movie rating guide, ang classification ratings ng latest films na palabas sa mga sinehan.
OK itong move towards transparency and dialogue lagi… at hindi confidential.
Read: Lala Sotto addresses backlash against MTRCB amid 'It's Showtime' suspension
GORGY RULA
Sa gitna ng mainit na isyung kinasasangkutan ng MTRCB, maganda ring nakakatanggap sila ng ganitong pagkilala sa lahat na efforts nila para sa naturang ahensya.
Abangan natin sa susunod na linggo kung matutuloy ang suspension sa It's Showtime at paninindigan nilang wala silang nagawang pagkakamali.
Read: MTRCB denies motion for reconsideration of 'It’s Showtime'
Sa tingin ko kasi riyan, base sa aking mga pagtatanong at pakikipag-usap sa ibang mas nakakaalam sa kasong ito, mas makakabuti siguro kung maglabas na ng public apology ang It's Showtime.
Meron kasing mga reklamong nakararating sa MTRCB at kailangan nila itong i-address. Hindi lang itong isyu nina Vice Ganda at Ion Perez kundi may iba pang kasong idinetalye rin naman ng MTRCB.
Sa tingin ko, kung magsu-sorry sila sa MTRCB at sa publiko, maaaring maiba ang takbo ng kuwento at pakikinggan ito ng naturang ahensya. Magkakaroon ng komunikasyon at tamang pag-uusap.
Nalaman ko kasi yung sa E.A.T. ay kaagad na nag-sorry sila sa MTRCB.
Read: ‘E.A.T.’ apologizes to MTRCB for Joey de Leon’s “lubid” joke
Bago pa nag-sorry sina Jose Manalo at Wally Bayola sa naturang programa, tumawag pa pala si Wally sa tanggapan ng MTRCB. Kaagad siyang nag-sorry sa taong nakatanggap ng kanyang tawag.
Read: Wally Bayola apologizes for cursing on 'E.A.T.': "Nagkamali po ako dun."
Yun lang naman, e! Kung nagpakumbaba lang sana ang It's Showtime, kahit sa tingin nila wala silang nagawang mali...
Yun na lang sana ang inihingi nila ng paumanhin. Sa palagay ko, maari pa nilang maayos iyun kahit maghabol pa sila ng public apology.
Read: What PEP.ph thinks of It's Showtime being slapped with a violation by MTRCB; what about E.A.T?
