GORGY RULA
Raratsada nang bonggang-bongga si Jillian Ward sa ilang programa sa GMA-7 bukas, Oktubre 7, 2023, Sabado.
Hanggang Sabado ay napapanood ang serye niyang Abot-Kamay Na Pangarap pagkatapos ng Eat Bulaga!.
Sa Sabado ng 6:15 p.m., magbabalik ang drama fantasy series na Daig Kayo ng Lola Ko na dati namang programa rin yun ni Jillian kasama si Gloria Romero.
Ngayon ay bida si Jillian sa bagong episodes nito na mapapanood sa buong buwan ng October.
Pinamagatan iyong "Captain Kitten" na pagbibidahan ng tinaguriang Star of the New Gen, Jillian Ward.

Kakaibang experience ito ngayon kay Jillian, dahil mapapa-action naman siya rito.
"Medyo naging challenging siya for me kasi nakakapagod po pala mag-action scenes, mag-fight scenes, tapos naka-costume ka pa po na parang naka-body suit, so something new po talaga para sa akin.
"Naging challenging po siya pero exciting," pahayag ni Jillian sa zoom mediacon ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Makakasama niya rito sina Gabby Eigenmann, Archie Alemania, Angela Alarcon, Kim Perez, at Shuvee Etrata.
Susunod sa Daig Kayo ng Lola Ko ay ang Pepito Manaloto ni Michael V.
Pagkatapos ng Pepito Manaloto ay ang special ng 50th anniversary sa showbiz ni Senator Bong Revilla, ang Idol Ko Si Bong.
Kasabay nito ang 57th birthday ng actor-politician.
Read: Senator Bong Revilla, sabay na ipinagdiwang ang 57th birthday at 50th anniversary in showbiz
May song number dito si Jillian na kung saan may surprise na ka-duet. Ang ganda ni Jillian sa number niyang ito na kung saan kinanta niya ang "Pangako sa 'Yo," ang theme song ng pelikulang pinagsamahan nina Senator Bong at Sharon Cuneta.
Excited na rin si Jillian sa pelikulang pagsasamahan nila ni Senator Bong. Nasa Amerika lang ngayon ang senador, pero pagbalik niya ay aayusin na raw nila ang pelikulang sisimulan nila ni Jillian.
Hinihintay lang daw nila ang sagot ng isang big star na kailangan nila sa film project na ito.
Read: Bong Revilla at Jillian Ward, magre-reunion sa pelikula
NOEL FERRER
Wow, very Manilyn Reynes of Gen Z, Star of the New Gen si Jillian Ward!!!
Sana, galingan niya talaga sa bagong boost sa kanyang career na ito at sana, mas bumait pa siya habang nagiging mas successful!
Excited for this! All the best, Jillian!!!
JERRY OLEA
Oh yes, surprise kung sino ang ka-duet ni Jillian sa Idol Ko Si Bong TV special tomorrow night sa GMA-7.
Patuloy ang pamamayagpag ng panghapong drama series ni Jillian na Abot Kamay Na Pangarap. Kumakain ng alikabok ang mga katapat na programa!
Kinakabog ng Abot Kamay Na Pangarap pati ang ratings ng Kapuso primetime shows na Maging Sino Ka Man at Love Before Sunrise.
