JERRY OLEA
Nagtanggal ng panty si Gloria Diaz sa isang eksena sa pelikulang Lola Magdalena. Ang setting ay sa sementeryo.
Tatlong lalaki ang nagsasariling-sikap habang pinapanood ang pagsasayaw ni Dalena (karakter ni Gloria) na lumuluha nang mga sandaling iyon.

Pagtatapat ng scriptwriter na si Dennis Evangelista matapos ang preview ng Lola Magdalena nitong Oktubre 3, 2023, Martes, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City, nag-alangan sila ni Direk Joel Lamangan kung ipapagawa pa kay Miss Universe 1969 ang naturang eksena.
Read: Miss Universe 1969 Gloria Diaz unboxes new feminine toy: "It vibrates very fine! Grabe, I love it!"
Salaysay ni Dennis, “Ikuwento ko lang po yung scene sa sementeryo, yung nagsasayaw po si Miss U. Nagdi-discuss po kami ni Direk.
“Kasi along the shooting po kasi, isa po sa mga consideration, baka po mahaba na yung pelikula.
“So, pag patapos na po kami ng shooting, tatanungin ni Direk sa amin, ‘Ano sa tingin mo, Den? Ano sa palagay nyo ang puwedeng putulin?’
“Yung eksenang iyon sa sementeryo, isa yun sa ni-recommend na tanggalin.
“Ako personally, ayoko po. Kasi, gusto kong mapakita yung degradation ni Miss U. Na hanggang ganun, kaya niyang gawin.
“Pero si Direk, parang napi-feel ko, parang hindi niya anong gawin. Kasi, baka hindi gawin ni Miss Gloria.
“Pero nung ginawa pa rin, natuwa ako kay Miss Gloria nung sinabi, ‘O, dalawa ang panty ko!’ Game siya!”
Maliban sa paghuhubad ng panty ni Gloria, marami pang maseselang eksena sa Lola Magdalena. Pero dahil humahaplos sa puso ang istorya, at mahuhusay ang mga istorya, ang nakuha nitong rating mula sa MTRCB ay PG (Parental Guidance).
Read: Carlo San Juan, may kaabang-abang na eksena sa 'Lola Magdalena'
NOEL FERRER
Ibang-iba ang Lola Magdalena sa mga nagawang pelikula ni Gloria before.
“In fact my daughter Isabelle [Daza] said, ‘Mom! What are you going to do next?!’ sabi niya,” natatawang lahad ni Gloria.
“Kasi, I showed her yung short trailer, sila, ‘no. Natawa nga sila, e. But I don’t think they thought of it as a sex film really.
“They thought more of it as a comedy — with a faith healer na pokpok you know sa gabi. Medyo hard to describe.
“I said, ‘What do you feel? Is it nice?’ ‘Mom, it’s hard to describe. I don’t know what I feel,’ sabi niya.”
Maliban kay Gloria, lumabas bilang prosti sa Lola Magdalena sina Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, at Sunshine Cruz.

(From left) Liza Lorena, Gloria Diaz, Perla Bautista, Pia Moran, and Sunshine Cruz
May kani-kanyang moment din sa pelikula sina Jim Pebanco, Harlene Bautista, Carlo San Juan, Myrna Castillo, Joni McNab, Angel Guardian, at Joonee Gamboa.
Ang executive producer ng Lola Magdalena ay si Amelia Zuniga ng Hero Hito Productions.
GORGY RULA
Ano ang reaksyon ni Gloria nang mapanood ang kabuuan ng pelikula?
Ngumiti ang premyadong aktres, “Well, I liked the story, and I laughed although I knew what it was.
“My reaction, my number one reaction — hindi na ako kakain ng rice.
“Pero it was very fast, the cutting, ha?! Sinong favorite ko dun? I think, si Pia. Siya pa rin ang favorite ko.
“Di ba, Direk? OK na OK siya sa role niya. Perfect film.
“I can’t believe it’s a whole film. Ambilis natin, ano, Direk? Grabe. It was very funny. I was also asking Direk, ano ba ito? Kung drama ba ito o comedy.
“I think it’s more comedy, ano? Yeah.”

Pia Moran and Gloria Diaz
Maraming eksena niya sa Lola Magdalena ang na-enjoy ni Gloria. Alin iyong paborito niya, o na-challenge siya nang lubos?
“I liked my… the one sa sementeryo. Dapat ginalingan ko pa!” bulalas ng unang Pinay Miss U.
“Tapos gustung-gusto ko yung mga nakikipag-deal about magpo-pornong film. I liked that coz it’s funny, sad. Basta it’s funny.
“Then I liked very much all the scenes with Pia, that she was doing with the guys.
“Parang supposed to be, bastos pero it’s nakakatawa na nakakaawa. And I think that’s the whole idea, hindi ba?
“Liza, of course, was very good. I liked also. At maganda rin yung death scene sa karnabal. Parang… parang big production. May karnabal pa kami, di ba?
“Maganda. Ang ganda!”
