PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Manalo at Sen. Sherwin Gatchalian, may plano nang magpakasal?

Bianca Manalo, tanggap ng pamilya ng kanyang senator boyfriend.
by PEP Troika
Published Oct 2, 2023
Bianca Manalo and Sen. Sherwin Gatchalian
Mayor Wes Gatchalian (not in photo) on his brother Sen. Sherwin Gatchalian's (right) relationship with Bianca Manalo (left): "So, pag Sunday po ang required po ng Nanay namin na magkita ho kami para magkaroon ng family bonding. So, every Sunday ho ay kasama namin si Bianca. Wala naman ho siyang absent din every Sunday. Kaya ho nagiging very close po siya sa amin.
PHOTO/S: @biancamanalo Instagram

GORGY RULA:

Ramdam na ang Pasko sa Valenzuela City pagkatapos na inilawan ang 50-foot Christmas tree nila sa may Valenzuela City People's Park noong Sabado, September 30, 2023.

Ang Valenzuela City ang kauna-unahang LGU sa Metro Manila na nagkaroon ng Christmas Tree Lighting.

Pinangunahan ito ng kanilang alkalde na si Mayor Wes Gatchalian dahil hudyat na rin ito ng pagsisimula ng three-month long celebration ng 400th Founding Anniversary ng naturang lungsod.

Mayor Wes Gatchalian and Jose Mari Chan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Mayor Wes, kahit paano ay magpapagaan daw ito sa pakiramdam ng mga taga-Valenzuela na sinalanta ng malaking sunog sa isang warehouse doon.

Nagpasalamat si Mayor Wes kay Jose Mari Chan dahil pinagbigyan ang hiling nilang maging special guest at kumanta sa event.

Kasama ni JMC na nagpasaya sa mga tagaroon si Patrick Quiroz at ang bandang Itchyworms.

"Excited ang mga kababayan natin, kasi kapag sinasabi na 'ber month', ang lumilitaw ho ay ang mukha ho ni Jose Mari Chan. Kaya natuwa kami na tinanggap niya ang imbitasyon ko kahit na medyo busy ang schedule niya tuwing ber month, to be the first LGU and probably the first to sing in LGU.

"From October to December, tuluy-tuloy na po yung series of events po natin. Cultimating our foundation anniversary on November 12," saad ni Mayor Wes.

Jose Mari Chan at Valenzuela City Christmas tree-lighting 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng selebrasyon ng 400th Foundation anniversary ng Valenzuela ay magkakaroon daw ng fashion show sa November na in-organize ni Tim Yap.

"We invited fashion show done by Tim Yap, ang creative director in collaboration with Michael Leyva at dalawang designers na taga-Valenzuela," pakli ni Mayor Wes nang nakatsikahan namin sa DZRH nung Biyernes.

Hiniritan namin ang Valenzuela Mayor na tiyak na malaking selebrasyon din sa kanilang lungsod kapag magpapakasal na ang kanyang kapatid na si Sen. Sherwin Gatchalian at Bianca Manalo.

Inaabangan na raw nilang lahat ang araw na i-announce nina Sen. Sherwin at Bianca ang kanilang pag-iisang dibdib.

"Sa totoo lang, hindi lang naman ho ako ang nag-aabang kundi ang buong Valenzuela yata nag-aabang e," napangiting pakli ni Mayor Wes.

"Siyempre po si Sen. Sherwin ay mahal na mahal ng mga taga-Valenzuela. He is the father of our city. Alam nyo ho, namuno ho kasi siya nang almost 20 years sa aming lugar na single ho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siyempre po, I can imagine yung kasabikan ng kababayan natin na in the near future the day will come po. Kumbaga, parang malaking piyesta po sa aming lugar kung mangyari po yan," dagdag niyang pahayag.

Read: Bianca Manalo, nilinaw na hindi pa sila engaged ni Senator Sherwin Gatchalian

JERRY OLEA:

Tanggap daw si Bianca sa kanilang pamilya, sabi ni Mayor Wes Gatchalian. Nakakasama na raw nilang mag-bonding ang buong pamilya tuwing Linggo.

"Actually, madalas ho kami nagkikita kasi every Sunday po... alam nyo naman ho, napaka-busy ng trabaho naming tatlong magkapatid.

"Siya [Sherwin] po ay senador, isa [DSWD Secretary Rex Gatchalian] naman ho ay kasama po ng Presidente na umiikot sa ibang lugar sa Pilipinas.

"Ako naman ho ay dito pa sa may sunog na alam nyo ho, dito pa ako, puro mga ambulansiya ang nakaikot dito sa akin. "

"So, pag Sunday po ang required po ng Nanay namin na magkita ho kami para magkaroon ng family bonding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, every Sunday ho ay kasama namin si Bianca. Wala naman ho siyang absent din every Sunday. Kaya ho nagiging very close po siya sa amin.

"And ako ho, may asawa ako e. So, sa amin at sa bale ang wife ko po kasama ko," pahayag ni Mayor Wes.

Read: Heart Evangelista, Mariel Padilla, Bianca Manalo join Malacañang-hosted fashion show

NOEL FERRER:

Matagal na raw nilang hinihintay na magpaalam sa kanila ang kanyang kapatid, dahil nakikita raw nilang masaya si Sen. Sherwin sa relasyon nila ni Bianca.

"We'll wait for that big day. We'll wait for that big day. But so far so good naman at I'm seeing my brother very happy and more relaxed right now, no?

"He deserves it all dahil almost 20 years na rin po siyang nasa public service na... alam niyo ho pag nasa public service, very fast-paced ang buhay," saad ni Mayor Wes.

Nakapag-adjust daw si Bianca sa kanilang pamilya kahit medyo nahihiya pa raw ito nung una.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In the personal aspect po, siyempre adjusting din ho si Bianca kasi medyo bago pa siya, di ba?

"So, naintindihan ko naman yung adjusting period po, katulad ako, napagdaanan ko rin ho yan nung nanliligaw ako sa asawa ko, trying to blend in to the family of my wife. Talaga namang normal steps ho yan.

"Gaya nga nang sabi nila, you're not only marrying that person, but marrying the family, no?

"Tulad kami, apat ho kaming lalaki, wala ho kaming babaeng kapatid, so, medyo adjusting period si Bianca pagdating sa ganyan. But so far so good naman ho.

"Like I said, every Sunday masaya kami, we put aside politics. We put aside our family business. And pag Sunday po, wala hong senador-senador sa amin o mayor. We are normal family having dinner and si Bianca is always there to be part of our get together.

"Siyempre po, medyo mahiyain siya and medyo adjusting period. I understand naman po ang mga ganung scenario."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: From Kapamilya to Kapuso: Bianca Manalo, Jayson Gainza sign with GMA-7s Sparkle

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Wes Gatchalian (not in photo) on his brother Sen. Sherwin Gatchalian's (right) relationship with Bianca Manalo (left): "So, pag Sunday po ang required po ng Nanay namin na magkita ho kami para magkaroon ng family bonding. So, every Sunday ho ay kasama namin si Bianca. Wala naman ho siyang absent din every Sunday. Kaya ho nagiging very close po siya sa amin.
PHOTO/S: @biancamanalo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results