JERRY OLEA:
Pare-parehong wala sina Vice Ganda, Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa closing ceremony ng 3rd Philippine Film Industry Month nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 29, 2023 sa Acacia Hotel sa Alabang, Muntinlupa City.

Nagpadala sila ng kinatawan upang tumanggap ng kani-kanyang parangal.
Ang representative ni Vice ay ang taga-Star Cinema na si Daniel Saniana.

Mensahe ni Meme Vice na binasa ni Daniel, “Buong puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng bumubuo ng Film Development Council of the Philippines, Honorable Tirso S. Cruz III, Direk Joey Reyes at buong FDCP, Board of Trustees and government officials, Directors Guild of the Philippines and to my fellow honorees and representatives.
“Isang napakalaking karangalan na mapabilang sa inyong comedian honorees kasabay ng mga institusyon at naglalakihang pangalan ng Philippine comedy.
“Iniaalay ko ang karangalang ito sa lahat ng patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa aking brand of comedy.
“Sa inyo po ako kumukuha ng lakas para tuluy-tuloy na makapagbigay-tuwa at saya.
“Sa LGBTQIA+ community, tagumpay po natin ito. Ito ay simbolo na tayo ay kinikilala ng industriyang mahal na mahal natin.
“Mabuhay ang Film Development Council of the Philippines at lahat ng komedyanteng Pilipino na walang sawang nagpapasaya sa ating lahat! Maraming salamat po!”
Ang proxies nina Tito, Vic & Joey ay ang kani-kanyang anak na sina Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, Oyo Sotto, at Jako de Leon.

Pahayag ni Vice Mayor Gian, “A simple message lang po na gustong iparating ng aming tatlong tatay is ahhh…
“Sa totoo lang po, it’s always been in their heart itong word na ito, which is we rise by lifting each other up.
“Sa totoo lang po, wala tayong ibang gustong gawin sa industriyang ito kundi magbigay ng saya at iangat talaga yung kapwa natin.
“And our hope and prayer is that we continue to help each other out. Maghatakan tayo pataas because this is the only way for the Philippine cinema to be known all throughout the world.
“Maraming salamat po for this recognition. We are truly humbled and truly grateful po for this recognition sa TVJ.”
Pagtatapat ni Jako, “One thing that I was thinking about kanina on the way here then was a quote.
“It says, ‘No person has ever been honored for what they’ve received. People are honored for what they’ve given.’
“And TVJ in the 50 years — this is their 50th year in the industry — they’ve given so much to comedy, music, film and television.
“And receiving things like this… even for us na we’re here for our dads… we’re very proud of, at it’s very humbling and very grateful, we’re very grateful for it…”
GORGY RULA:
Ang sabi naman ni Oyo, “Actually wala na akong maidadagdag, kasi napakaganda ng mga sinabi nila.
“I just wanna thank everyone, sa lahat ng bumubuo ng FDCP, maraming-maraming salamat po, Tito Tirso. Direk, maraming-maraming salamat po.
“And congratulations, Daddy, Ninong Tito, and Tito Joey! And thank You, God, for everything! Thank You!”
Inabangan kung magtatagpo sa event na ito ng FDCP si Vice ng It’s Showtime, at ang TVJ ng E.A.T. na pawang pinag-uusapan nitong mga nakaraang linggo.
Ang iba pang honorees ng FDCP ay sina Ai-Ai de las Alas, Eugene Domingo, Michael V, at ang yumaong Comedy King na si Dolphy.
Nasa U.S. si Ai-Ai at ang tumanggap ng kanyang award ay ang anak na si Sancho Vito.

Nasa Barcelona, Spain si Eugene at ang tumanggap ng kanyang award ay ang kaibigang si Direk Chris Martinez.

Ang tumanggap ng award ni Dolphy ay ang anak niyang si Eric Quizon. Ang nagbasa ng citation para sa Comedy King ay si Maricel Soriano.

Ang nagbasa ng citation para sa ibang honorees ay ang host na si Ryan Agoncillo.
Ang presenters ng awards ay sina FDCP Chairman Tirso Cruz III at Direk Jose Javier Reyes.
Sa pitong buhay na honorees, bukod tanging si Michael V ang dumalo in person.
Ang comedy film natin ang isa sa pinakamalakas sa mga sinehan, lalo na nung pre-pandemic.
Ang mga pelikula ni Vice Ganda ang ilan sa biggest hits of all time. Naiba ang istilo ng pagpapatawa niya na tinangkilik ng madlang pipol.
Pero nakakatawa pa rin ang mga nai-post sa TikTok ng ilang eksena sa John en Marsha nina Dolphy at Nida Blanca.
Pero mukhang naiiba na naman ngayon ang istilo ng pagpapatawa dahil sa ang dami na ng hindi puwede.
Ito kaya ang isa sa dahilan kaya iilan lang ang comedy films na isinumite sa 49th MMFF?
NOEL FERRER:
Congratulations sa mga pinarangalan na deserving lahat, lalo na sa mga dumalo ng nasabing pagdiriwang.
Sana sa susunod, mas magkaroon ng panahon ang mga awardees at mas bigyang pagpapahalaga ang parangal na ito.
Mabuhay ang ating industriya!
