GORGY RULA
Isa sa masuwerteng talent ng bagong Starkada ng Star Center ng NET25 ay ang 16-year-old La Salle student na si Shira Tweg.
Read: Shira Tweg, newbie talents ng Net25 Star Center, malapit nang i-launch
Pagkatapos siyang inilunsad ng Star Center ng NET25, kaagad siyang isinama sa bagong sitcom ng NET25 na 3-in-1. Ito ang kauna-unahang programa ni Maricel Soriano sa NET25.
Kasama niya rito si Eric Quizon na siya ring magdidirek. Kabilang din dito ang iba pang miyembro ng Quizon family na sina Epy, Vandolph at ang anak nitong si Vito.

Sobrang saya ni Shira dahil nagustuhan siya ni Direk Eric para isama sa bagong sitcom na ito.
"I was super excited kasi siyempre na-launch na kami, and happy ako because may nakalinya ng projects. Very exciting," pakli ni Shira nang sandali naming nakatsikahan sa DZRH nung Martes, September 26.
Mas nanaig daw ang excitement niya kesa sa takot nang na-meet niya si Maricel Soriano. Isa si Shira sa nag-witness nang pumirma ang Diamond Star sa NET25.
"She was so nice po as well as the other artists na nakasama ko, mga Quizon brothers and other artists. Kaya lalo po akong na-excite to work with them," saad ni Shira.
"Nagandahan daw po siya sa akin. She inspires me talaga when I was with her.
"Her presence is very welcoming po talaga. Yung parang makakatulong po siya sa akin, ganun po yung feeling," sagot sa amin ni Shira nang tinanong namin kung ano ang pakiramdam niya nang nagkakilala sila ni Maria.
Si Shira ang love interest ni Vito sa 3-in-1, na sisimulan na raw nila sa susunod na buwan.
Bukod sa sitcom na ito, sisimulan na rin ni Shira at mga bagong Starkada talents ang isa pang programang Road to Kada 25.
NOEL FERRER
Nakilala rin ni Maricel ang iba pang mga inilunsad na mga bagong Starkada talents ng NET25's Star Center na mina-manage ni direk Eric Quizon.
Ang payo ni Maricel sa mga bata, “Una, pag minahal niyo ang trabaho, mamahalin din kayo pabalik. Respetuhin nyo, mahalin niyo at saka dapat be punctual, be on time, be professional about your work. Kasi dapat, ang trabaho minamahal."
JERRY OLEA
Napanood kong mag-perform si Shira sa bday celebration ni Ms. Joyce Penas Pilarsky noong Setyembre 10 sa Music Box, Timog Avenue, Quezon City.
OK naman ang rapport niya sa audience, at dagdag-kinang sa kanya ang suot niya na likha ni Ms. Joyce.
Gumanap si Shira na young Sharon Cuneta sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, na idinirek ni Joven Tan.
This time naman, makakasama niya si Maricel Soriano sa sitcom sa NET25. Good luck!
