GORGY RULA
Nasa 21st week na ang ipinagbubuntis ni Pauleen Luna.
Ipinost niya sa kanyang Facebook story nung Huwebes, September 28, 2023, ang sonogram ng dinadala niyang baby.
May caption itong "Hello, love [heart emoji]"

Read: Pauleen Luna shares sonogram of baby no. 2: "Hello, love"
Nasa FB status din niya ang baby bump photo niyang may caption na "21 weeks. Mochi love.”
View this post on Instagram
Nang kinumusta namin siya, sinabi ni Pauleen na hindi na siya gaanong nahihirapan sa ipinagbubuntis niya.
"Ok na ako now! Medyo mabigat [laugh emoji] pero ok naman," text niya sa akin.
Malikot lang daw ang baby, pero okay lang sa kanya. Keri naman daw niya, kahit galaw ito nang galaw.
Wala pa raw silang naisip na ipapangalan sa pangalawa nilang baby girl.
“Wala pa e [laugh emoji] ang hirap pala hahaha!" sagot niya sa tanong ko kung meron na silang naisip na pangalan.
Read: "It's a girl!": Vic Sotto, naging emotional sa gender reveal ng second baby nila ni Pauleen Luna
Maaring kunin din nila ito sa Bibliya, kagaya ng kay Talitha, pero wala pa raw silang naiisip sa ngayon.
Pati si Tali ay nakiki-involve din daw.
Sabi ni Pauleen sa amin, feeling ng panganay nilang anak, ito ang masusunod pati sa pipiliing pangalan ng baby.
Medyo mahirap kay Pauleen nung first trimester nang ipinagbubuntis niya, kaya mahigit isang buwan din siyang nag-bed rest.
Ang laki ng pasasalamat niyang okay na okay na siya ngayon at excited na ang buong pamilya sa kanyang panganganak bago matapos ang taong ito.
Magandang pamasko ito kina Vic Sotto at Pauleen, at pati kay Tali sa pagdating ng kanyang baby sister.
JERRY OLEA
Good vibes! Dalangin natin na walang aberya ang pagdadalantao at pagluluwal ni Pauleen ng second baby nila ni Bossing Vic.
Love and Prayers!
NOEL FERRER
Panalangin na lang for the safe delivery ni Pauleen !!!
Oo, good vibes talaga!!! Ang saya lang na balita!!! MORE!!!
