JERRY OLEA:
Sinamahan si Glaiza de Castro ng asawang si David Rainey sa storycon ng pelikulang Slay Zone noong Setyembre 17, 2023, Linggo sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.
Parang nasa honeymoon stage pa sina Glaiza at David!
Napangiting lahad ni Glaiza, “Oo nga po, e. Thankful ako na binigyan ako ni Lord ng napaka-supportive na husband.
“Until now, very new pa rin sa kanya itong mga ginagawa ko. Iba pa rin yung environment niya. Iba pa rin siyempre yung culture niya.
“Pero in-embrace niya yun lahat for love. For love!”
Kababalik lang ni David sa Pilipinas.
“Vacation stage pa siya kasi he just finished his ano, season sa Ireland,” sambit ni Glaiza.
Maluwag-luwag pa rin kahit paano ang schedule ni Glaiza kahit nag-i-Eat Bulaga! siya.
“Kasi at least yung Eat Bulaga! po, half day lang halos. So, natatapos ako after lunch,” saad ni Glaiza.
“Tapos we still have the afternoon and the evening together. Nakabisita na rin siya sa studio. Ipinakilala ko siya sa mga co-host, sa staff namin.
“And thankful siya, kasi sabi niya sa akin, ‘Thank you for showing me your work.’
“Kasi, every time na nagse-send ako sa kanya, when he’s in Ireland tapos nandito ako, nagse-send ako sa kanya ng mga videos, lagi lang akong nasa studio.
“So, parang ang saya rin na makita niya yung working environment ko and yung mga tao na nakakasama ko sa trabaho.”
Read: Glaiza de Castro on husband David Rainey: "Finally, nandiyan na siya. Magkasama na kami forever."
NOEL FERRER:
Ano ang usapan nina David at Glaiza pagdating sa career ng Kapuso actress? May restrictions na ba?
“So far, wala naman pong restrictions. So far!” natawang bulalas ni Glaiza.
“So far. How far? Ahhh, si David kasi, very supportive din naman siya and he understood from the very beginning kung ano yung klase ng trabaho ko.
“Na very special yun sa akin. Kaya nga po ano, e, he comes here and stays here longer for now.
“Dahil alam niyang hindi ko pa kayang iwan ang trabaho ko. So, ganun siya ka-supportive.
“Kung ano ang gusto kong gawin, sinusuportahan niya. And hindi niya ako pinagbabawalan sa kung ano yung pangarap ko. Nandiyan siya para matupad ko yun.”
Sana lang talaga, suwertihin si Glaiza sa kanyang movie project. Kasi, magaling siyang artista na dapat pang bigyan ng good breaks.
Read: Glaiza de Castro reveals getting married to David Rainey October 2021
GORGY RULA:
Sina Glaiza at Mamang Pokwang ang mga bida sa pelikulang Slay Zone.
One thing they have in common, pareho silang nagkadyowa ng foreigner. Ano pa ang pagkakapareho nilang dalawa?

Pahayag ni Glaiza, “Kung paano magtrabaho si Mamang, kung paano siya magpursigi para sa pamilya niya, I think yun yung isang ano namin, common characteristic namin.
"Kasi, ever since nag-start ako sa industriya, pamilya ko talaga yung naging motivation ko para magtrabaho nang maigi, para magkaroon ng magandang reputasyon sa showbiz.”
Nai-inspire si Glaiza kay Pokwang kung paano nito hinarap ang mga pagsubok sa buhay.
Dagdag ni Glaiza, “Kahit napapagod siya, hindi iyon nagiging hadlang para magpursigi siya. Kasi, siyempre lahat naman tayo, napapagod.
“O kaya naman, kailangang magpahinga. Na nadapa ka, bumangon ka ulit, di ba? Yun ang isang bagay na nakaka-inspire sa kanya.
“So, yung pagiging mapagmahal sa pamilya, at mapagmahal sa trabaho, pagpapahalaga sa blessings na dumarating… ay iyon ang common factors namin.”
Nasa cast din ng Slay Zone sina Queenay Mercado, Maui Taylor, Rico Barrera, Abed Green, Lou Veloso, Hero Bautista, at Paolo Rivero. Ang direktor ay si Louie Ignacio.
