GORGY RULA:
Seryoso si Derrick Monasterio sa pahayag niyang iba talaga ang relasyon nila ni Elle Villanueva kumpara sa mga nakaraan niyang love life.
Apat na buwan pa lang ang kanilang relasyon, pero ang laki raw talaga ang nabago sa kanya.
Read: Derrick Monasterio, Elle Villanueva now officially a couple: "Siguro mga three months ago."
"Malaki. Sobra. Nabago niya ako," seryosong pahayag ni Derrick nang nakapanayam namin nung Linggo, September 17, 2023, sa grand opening ng Nailandia Nail Salon and Body Spa sa Il Terrazo, Quezon City.
Ang branch na ito ng nail salon ay pag-aari ni Elle kasama ang mga kaibigan at Voltes V: Legacy co-stars na sina Ysabel Ortega at Sophia Seneron.
Read: Miguel Tanfelix, ayaw makasosyo sa negosyo si Ysabel Ortega
Patuloy ng Kapuso actor, "Iba na rin talaga yung outlook ko sa buhay. And compared before na lumalabas-labas ako, umiinum-inom, ganyan-ganyan.
"Ngayon, hindi ko na maalala yung last na uminom ako. Unless, may birthday ng mga kaibigan, pero never na ako lumabas. Never na akong bumili ng mga luho."
Isa raw sa natutunan ni Derrick sa nobya ay ang pagnenegosyo at maayos na paghawak ng pera.
"She taught me very important lesson, which is to invest in my future. So, mga binibili ko ngayon, mga assets," pakli nito.
Ngayong nagsisimula pa lang si Elle ng pagnenegosyo kagaya nitong nail salon, tinitiyak daw niyang nandiyan lang siya para sumuporta.
"Ano lang naman... basta ibibigay ko lang ang lahat na pagmamahal ko sa kanya. Tapos hopefully, makita ng mga tao around her na seryoso ako," saad ni Derrick.
JERRY OLEA:
Sabi naman ni Elle, si Derrick din ang may gawa ang mga nabago sa aktor.
"Siya rin yung nag-work sa sarili niya," napangiting pakli ni Elle.
"Parang I'm just here to guide him. Ini-instill ko lang naman sa mind niya kung ano yung natutunan kong maganda sa parents ko, sa environment ko.
"Ayun, nagsi-share lang kami ng values. Siya lang naman din... sa akin din, ang dami ko rin naman natutunan sa kanya.
"Sa business din, sa pagiging generous. So, nagsi-share din kami ng values and vibe.
"Ang ganda lang din ng takbo ng relationship namin kasi palagi siyang always pataas.
"Pero siyempre nag-aaway pa rin kami. Pero yung away na yun, may natutunan kami and we know how to fix it," sabi pa ni Elle.
NOEL FERRER:
Muling magsasama sina Elle at Derrick sa isang revenge drama na panghapon, na pinamagatang Makiling.
"Nag-start na po kami mag-prepare for Makiling. GMA Afternoon Prime. Ipalalabas next year, and then this is under GMA News and Public Affairs,” sey pa ni Elle.
"Nakakatuwa din kasing ka-partner si Derrick kasi he's willing to grow.
"Yun ang hinahanap ko palagi sa mga co-worker ko. Na parang yun ang natutunan ko sa Voltes V na whenever na yung mga cast na kasama mo, na parang they're always eager to work.”
