GORGY RULA:
Ipinagdiwang ng Regal Entertainment at GMA-7 ang second anniversary ng Regal Studio Presents na napapanood tuwing Linggo ng hapon.
Simula sa Linggo, September 24, 2023, mga bagong episodes ang mapapanood bilang pagpasok sa pangatlong taon ng programa.
Sisimulan ito ng episode nina Lianne Valentin at Royce Cabrera na pinamagatang "I Love You Bien."

Ang isa pa sa iti-tape nila sa susunod buwan ay ang episode na "Mother, Mother, Where Are You" na pagbibidahan nina Shayne Sava at Dustin Yu.
Susubukan ng Regal ang love team na ito dahil madalas na ipina-partner kay Shayne ay si Abdul Rahman.

Sa nakaraang mediacon ng Regal Studio Presents, kinumusta namin si Shayne pagkatapos niyang manalo sa StarStruck nung 2019.
Ang laki na ng ipinagbago niya dahil sa dami ng projects na nagawa niya sa GMA-7. Nagpapasalamat si Shayne sa GMA-7 at StarStruck dahil nakakatulong na siya sa kanyang pamilya.
Read: StarStruck 7 winners Shayne Sava at Kim de Leon, masaya sa nangyayari sa kanilang career
"Tuluy-tuloy po ang pag-support ko sa kanila, lalo na po sa mga kapatid ko na pinapaaral ko din po.
"Tinutulungan ko rin po si Mama sa financial. Ayun po, grabe po ang StarStruck days pag naalala ko.
"Ayun po, sobra po akong thankful ko po sa StarStruck dahil yun po yung stepping stone ko po na kung bakit ako nandito ngayon," pahayag ni Shayne.
Ang sabi pa ni Shayne, kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gusto niyang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Gusto niyang makapagtapos sa kursong may kinalaman sa Psychiatry o kaya ay Journalism. Gusto rin sana niyang pasukin ang Broadcasting.
"Kung magkakaroon po ako ng chance and time po para ma-finish ko po yung schooling ko, gagawin ko po talaga.
"I really love studying at gusto ko pong makapagtapos ng pag-aaral," sabi pa ni Shayne.
NOEL FERRER:
Sabi ni Direk Joey Reyes sa nakaraang mediacon ng Regal Studio Presents, ang mga kinukuha nilang magbida ay hindi talaga kilalang magka-love team.
Gusto nilang subukan ang mga hindi pa naipag-partner pero bagay sa role at nagampanan naman nila nang maayos.
Pahayag niya, "I think yung adventure of mixing people who are not necessarily branded as love teams can be very exciting.
"Dito masusukat din kung gaano sila kagaling at makikita mo rin yung chemistry sa isa't isa na hindi yung ipinagtambal lamang ng studio.
"Kung minsan, makakatsamba ka na pinagsama yung dalawa na, most unlikely, yun pala ang ganda ng chemistry pagdating sa audience.
"Aminin din natin na kung kayo ang magkasama, may sawa factor din, di ba?"
Umaayon din diyan sina Roselle Monteverde at Joey Abacan.
Pahayag ni Roselle, "Mahirap din kasi kung pareho na makikita mo sila palagi na magkasama. So, nagiging predictable masyado yung istorya pag ganun. Kaya nag-e-explore kami na magsama sila na hindi as a loveteam.
"At saka mas kasi, hindi nata-typecast lagi ang role sa isang artista kung hindi love team."
Pinag-uusapan na raw nila ni Joey ang ilang Sparkle talents na papipirmahin nila sa Regal Entertainment bilang Regal baby.
Sabi naman ni Joey, “What we want, our actors are going to be actors. Kung titingnan mo, lahat sila nagsama-sama na.
"Merong nagkaroon sila Yasser Mata at si Lexi Gonzales, si Yasser at si Althea Ablan. Ang taas ng rating niyan.
"Ang ibig sabihin, ang kinakagat because of the story and the way they are acting. Hindi yung parang ano... because there's a love team. May kilig-kilig and everything.
"Parang we'd like to train our actors as actors."
JERRY OLEA:
Nakatatlong Mano Po Legacy na collab ang Regal at GMA.
Looking forward tayo na magsanib-puwersa pa ang dalawang kumpanya sa ibang palabas maliban sa panghapong Regal Studio Presents.
OK sana kung iyong pang-late night na series, kung saan mata-tackle ang mga mas mature na tema.
