PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Gumabao not closing doors on sexy films

Paolo: "Kung ang balak nila pang-Cannes yung material, bakit naman hindi?"
by PEP Troika
Published Sep 13, 2023
paolo gumabao in shades
Paolo Gumabao on doing nude scenes again in films: "Ako naman po, I believe that, you know naman po, yung nudity naman sa pelikula is normal, di ba? Lalo na kung may pelikulang gagawin na lalaban sa festival abroad, bakit naman hindi? Kung ang balak nila pang-Cannes yung material, bakit naman hindi? Yung mga ganun."
PHOTO/S: @paologumabao on Instagram

GORGY RULA:

Dumalo si Paolo Gumabao sa meet-the-press ni Atty. Ferdie Topacio na ginanap sa Valle Verde Country Club ngayong Miyerkules, September 13 ng tanghali.

Nagpa-audition ang Borracho Films sa mga bagong talent para sa future projects ng naturang film company.

Si Paolo ang bida sa film project ng Borracho Films na Spring in Prague na halos isang taon ding naantala.

Ire-resume daw nila ang shooting sa Prague sa January 2024 para meron daw winter. Nagkaroon kasi ng problema sa visa ng isang Russian actress nila kaya inabot na sila ng summer at wala raw snow sa Prague.

Sabi naman ni Paolo, mabuti na lang at nagkaroon siya ng trabaho nung hindi natuloy ang shooting sa Prague.

Read: Paolo Gumabao, sasabak sa rom-com movie; graduate na sa hubaran?

Natapos na ni Paolo ang isang episode sa Shake, Rattle & Roll kung saan ka-partner niya si Jane de Leon. Hindi pa raw siya allowed magkuwento tungkol sa pelikulang ito ng Regal Entertainment na balik isali sa Metro Manila Film Fetsival 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya rin siyang kasama na siya sa FPJ’s Batang Quiapo, pero hindi pa raw naiere ang mga eksena niya.

Aminado ang sexy actor na medyo namimili na siya ngayon ng mga project na inaalok sa kanya dahil hindi na raw siya magpapa-sexy kagaya ng mga ginagawa niya dati.

"Hindi naman sa tapos na magka-sexy, pero hindi na kagaya ng ginagawa ko dati. Although, I see nothing wrong with it.

"It's just that I want to introduce myself to the audience in a different way, in a different manner already," pahayag ni Paolo.

"Happy ako sa mga ginawa kong sexy films before. Kung hindi dahil sa Lockdown, kung hindi dahil sa mga Vivamax na ginawa ko, hindi ko rin makukuha yung mga projects na nakukuha ko ngayon.

"So, since dun ako nanggaling, very thankful ako. Pero siguro, kung magpapa-sexy ako, medyo tone down na tayo.

"Bawas na. No more sa mga ganung exposures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero never naman siguro mawawala yung essence of sexy sa pelikula na mga ginagawa ko, kasi dun naman ako nanggaling."

Read: Paolo Gumabao justifies realistic sex scenes in Silip Sa Apoy: "We're not porn stars."

JERRY OLEA:

Walang kiyeme sa pagpo-frontal si Paolo sa launching movie niyang Lockdown, na idinirek ni Joel Lamangan.

Read: Direk Joel Lamangan, bilib sa professionalism ni Paolo Gumabao sa frontal nudity

Sa Silip sa Apoy ay prosthetic iyong penis na ipinasilip niya. Sa Sisid ay hanggang butt exposure lang siya.

Read: Daring act ni Paolo Gumabao sa Silip Sa Apoy, tiyak na pagdedebatehan

Hindi naman daw isinasara ni Paolo ang maghubad sa pelikula. Pero kung maganda talaga ang pelikula at kung ilalaban sa international film festivals, baka tatanggapin niya.

"It depends kung saan gagamitin yung pelikula, kung saan aabot yung pelikula.

"Ako naman po, I believe that, you know naman po, yung nudity naman sa pelikula is normal, di ba? Lalo na kung may pelikulang gagawin na lalaban sa festival abroad, bakit naman hindi?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kung ang balak nila pang-Cannes yung material, bakit naman hindi? Yung mga ganun," saad ni Paolo.

May mga inaalok sa kanyang projects, pero talagang binabasa raw muna nila ng manager niyang si Direk Manny Valera ang script. Saka nila pag-uusapan kung akma ba sa career path na gusto niyang tahakin.

"Marami po, e. May mga nagpapadala po ng script sa akin, binabasa ko po muna with my manager.

"Then we talk about it afterwards, and then napapag-usapan namin... 'This is too much for what we're trying to achieve for Paolo right now. Siguro ipa-pass muna natin ito.' May mga ganun," napapangiti niyang pahayag.

Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

NOEL FERRER:

Sinusubukan na rin daw ni Paolo ang pagsusulat ng script, at kung mabibigyan ng chance ay baka subukan din niya ang pagdidirek.

"I actually ventured into writing my own scripts recently. I've been writing my scripts, and hopefully ma-develop ang mga scripts na isinusulat ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kumbaga, in a way, I wanna kinda write the movie na gusto kong gawin for myself.

"Yung puso ko, sa pelikula talaga e. So, in the future... Ngayon, focus na muna sa pagiging aktor.

"Pero pag may time na tayo mag-aral ng directing, yun din ang gusto kong gawin in the future," sabi pa ni Paolo.

Ang isa pa raw sa gusto niyang subukan muli ay ang mag-audition sa Cinemalaya. Matagal na raw talaga niyang wish magkapelikula sa Cinemalaya.

"I actually auditioned five times already. Pero, wala. Yung mga audition, those were the early days of my career.

"So, I guess, I wasn't ripe. Maybe I wasn't ready that time.

"Right now, if i'll be given a chance to audition again, I feel like I'm ready."

Sana nga, makuha si Paolo sa isang magandang Cinemalaya entry.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao on doing nude scenes again in films: "Ako naman po, I believe that, you know naman po, yung nudity naman sa pelikula is normal, di ba? Lalo na kung may pelikulang gagawin na lalaban sa festival abroad, bakit naman hindi? Kung ang balak nila pang-Cannes yung material, bakit naman hindi? Yung mga ganun."
PHOTO/S: @paologumabao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results