PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ex-BF of Star Dated Two Veteran Actresses

Nagkatawanan ang tatlong ladies.
by PEP Troika
Published Sep 10, 2023
PEP Troika blind item
Sino ang sikat na star at ang kanyang ex-BF na dakilang aktor? Sino ang dalwang veteran actresses?

JERRY OLEA:

First love ng may “K” at sikat na star ang makisig at dakilang aktor.

Damang-dama ng sikat na star ang tamis ng umibig at ibigin sa piling ng dakilang aktor, subalit nalasap din niya rito ang pait at kirot ng pusong sawi.

Pinaghilom ng panahon ang sugat sa puso ng sikat na aktres, at naging kanlungan niya ang isang guwapong aktor.

Nakapalagayan ng loob ng sikat na star ang isang multi-awarded veteran actress, at hindi siya nakatiis minsan na uriratin ito.

Sabi ng sikat na star, malakas ang kutob niya na noong kasintahan pa niya ang dakilang aktor ay may namagitan din sa kasintahan at sa veteran actress.

Napaamin si veteran actress at natawa. Natawa na rin si sikat na star. Masaya silang nagtawanan.

Napukaw tuloy ang pansin ng isa pang multi-awarded veteran actress at inusisa ang dalawa kung ano ba ang pinagtatawanan nila.

Nang sabihin ng dalawa kung ano iyon, ipinagtapat ni veteran actress number 2 na siya man ay natikman ang dakilang aktor. Natawa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlong aktres.

Read:

Female singer, nagwala sa comedy bar matapos makipag-away sa yummylicious boyfriend

Alluring Actress, echosera sa pahayag na pumayat dahil lamang sa diet

NOEL FERRER:

Ibang klase rin ang gem ni dakilang aktor at pawang magagaling na aktres ang nakakatikiman.

Mga aktres nga lang ba talaga? Hindi rin ba pati direktor at aktor na malaki rin ang pagnanasa sa kanya? E, di wow!!!

Read:

Influential person, hiwalay na sa singer-actress; dinidiskartehan ulit ang sexy star?

Aktor, ayaw nang makatrabaho ang male co-star na walang respeto

GORGY RULA:

Ewan ko kung meron bang anting-anting si dakilang aktor kaya ang daling mahulog sa kanya ang mga babaeng malapit nang matuy*an.

Di ba, may isa pang premyadong aktres na natsismis noon na nainlab-inlab din daw sa kanya?

Ewan ko lang kung nagkatikiman dahil hindi naman nawawalan itong si dakilang aktor, e. Nagawa nga niyang mandedma sa dating karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa angking kakisigan ni dakilang aktor, may iba pang kuwento kaming nasagap ng iba pang celebrities tungkol sa mga babae’t lalaking nagkagusto sa kanya.

Pero mas nakakaaliw ang kuwentuhan ng tatlong babaeng ito.

Read:

Premyadong aktres, tinangkang sulutin ng talent manager

Pretty Actress naka-fling si Sikat na Aktor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang sikat na star at ang kanyang ex-BF na dakilang aktor? Sino ang dalwang veteran actresses?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results