GORGY RULA:
Naging emotional si Ysabel Ortega nang mag-promote ng Voltes V: Legacy sa All-Out Sundays ngayong Linggo, September 3.
Ito na raw ang huling promotion nila ng naturang action-fantasy series na binuo nila ng mahigit tatlong taon.
Nabuo ang magandang relasyon nila ni Miguel Tanfelix, pati ang pagkakaibigan nila nina Matt Lozano, Radson Flores at ang batang si Raphael Landicho.
Marami silang masasayang alaala habang ginagawa nila ito, at ang isa pang memorable kina Ysabel at Miguel ay nang magkasama silang pumunta ng Amerika para dumalo sa San Diego Comic-Con noong July.

First time daw na napansin ang Philippine television sa malaking convention na ito sa California, USA.
READ: Voltes V: Legacy, Pinoy comic book creators to participate at San Diego Comic-Con 2023
"Sobrang naging proud din po yung mga global Pinoys po natin, especially yung mga fans ng Pinoy Voltes V, kasi sinasabi sa amin na, of course, we are proud of the show that we made. We are proud to represent...
“Nakakatuwa lang po, kasi aside from mga fans, ang daming mga Pinoys na talagang maraming nagpapasalamat na for the first time, may representation na yung Philippines sa Comic-Con bilang isang Philippine-based TV adaptation o TV show na first time na nagkaroon ng representation sa Comic-Con.
"So, it was a win talaga for GMA for Voltes V, for the production, but it's also a win for Filipinos. Kasi sinasabi nga nila na naka-penetrate na yung GMA and yung Philippine television globally.
“So, milestone po siya and yung part kaming lahat. So, sobrang nakakataba ng puso," pahayag ni Ysabel sa nakaraang mediacon ng Voltes V.
Kasama nila si Gabby Eigenmann, Direk Mark Reyes at ilang executives ng GMA-7.
Pero nagkaroon ng masasayang bonding sina Miguel at Ysabel na sobra raw nilang na-enjoy.
Lahad ni Miguel, “Definitely, na-enjoy po namin ni Ysabel yung moment namin dun sa US, dahil first out of the country namin together. And ako, mahilig akong lumabas na ako lang mag-isa, and ang dami kong natutunan sa sarili ko.
"Ngayon with Ysabel, ang dami kong natutunan kay Ysabel nung nag-out of the country kami together. So, definitely, one for the books sa aming dalawa.”
Sabi naman ni Ysabel, “Like what Miguel said, first out of the country namin together. And yung Mom ko po kasi is very strict po sa akin. Kahit out of town, hindi niya ako pinapayagan.
“And pinayagan niya ako for San Diego, kasi siyempre nga it's a big milestone for me, for us. So, pinayagan niya ako kasi with Direk Mark and everything. So, ang dami ko namang bantay.
"Pero na-enjoy ko siya kasi once in a lifetime yung experience iyun sa Comic-Con and yung experience with Miguel and along with the others, talagang na-appreciate ko. And like what I mentioned din kanina, naging adventurous po ako because Miguel.
"Naiisip ko, ano kaya yung gagawin ko dito kung hindi ko kasama si Miguel? Tapos, baka nasa cafe lang ako, nagbabasa lang ako. Very ano rin ako kung ano yung nagagawa ko rin dito.
“But with Miguel, nag-explore kami, nagpunta kami sa iba't ibang parts ng downtown, and sobrang na-appreciate ko. Kasi na-discover ko rin yung side ko na yun because of him. And nakakatuwa lang din na it was out of the country pa."
JERRY OLEA:
Doon pa rin sa mediacon ay muling kinulit ang dalawa kung sa anong level na ba ang kanilang relasyon.
Deretsahan silang tinanong kung magdyowa na ba sila o close friends pa rin. Mabilis ang sagot ni Miguel na hindi pa sila magdyowa.
Bahala na raw ang mommy ni Ysabel na si Michelle Ortega na magkumpirma kung sila na ba talaga.
“Malalaman niyo naman yun kung kami na, kasi ia-announce naman ni Tita yun. Si Tita ang mag-a-announce nun. Definitely, hindi pa po kami magdyowa," pakli ng Kapuso actor.
“We're taking our time po. Talagang ini-enjoy lang namin yung growth ng isa't isa. So, yun po yung priority," dugtong ni Ysabel.
Nakakasanayan na raw nilang magkasama sila dahil na-enjoy nila ang isa't isa.
"Kagabi after ng Vogue ball, nag-hotpot kami. Kumbaga, treat namin sa sarili namin, kasi hindi kami nakaabot sa dinner ng ball kagabi. So, kumain kami after ng event," dagdag ni Miguel.
"So, nagkukuwentuhan kami ni Ysabel kung ano yung favorite namin na routine sa relationship namin.
"Ito ba yung games, ganyan, videocall. And then, napaisip namin na kung mawala 'tong routine na to, sobrang hirap. Sobrang hirap pag mawala 'tong routine na yun.
"Pag yung isang tao na routine mo na, pag meron na kayong nakakasanayang ginagawa araw-araw, once mawawala yung tao na yun, parang ang hirap na. Ang hirap maka-recover, parang ganun."
NOEL FERRER:
Ang maganda lang daw sa kanilang relasyon ay nagsusuportahan sila sa paglago ng kani-kanyang career at pati sa iba pa nilang plano sa buhay.
Pahayag ni Miguel, “Actually, ang masasabi ko lang diyan is we're both growing together. Lalo na ngayon na si Ysabel na may tinatayo siyang business ngayon.
“Ako nag-aaral ako ng Film. So, I'm happy na nakikita namin ang isa’t isa kaming nag-grow. So yung relationship namin, hindi siya naging hindrance sa isa't isa.
“May mga relationships kasi na nai-stop yung growth as a person dahil kunwari kung naging clingy yung isang tao, tapos nagre-require siya ng so much attention, ng so much time, parang mawawalan ka ng time para mag-build ng career mo, para mag-build ng kung ano man ang gusto mo sa buhay.
"So, I'm very happy na sa relationship namin ni Ysabel na we're pushing each other na mas gumanda yung buhay, mas mag-grow yung career, and ngayon hindi lang showbiz yung pinu-push namin kundi mga personal lives din namin.”
Sabi naman ni Ysabel, “In a span of four years, talagang sobrang nagbago po yung relationship namin ni Miguel. Parang we went from being strangers tapos alam mong naging super close kami dahil sa Voltes V, and now yun nga like what Miguel said, sobrang naging support system namin yung isa't isa.
"Personally, yun nga po, like what Miguel said, meron kasi ibang types na you know, relationships with two people, it's very... depende rin kasi sa set-up siguro and sa environment.
“Pero even after Voltes V alam naman namin na kung ano man yung meron kami ni Miguel, it's not going to end there. Kasi hindi naman nakadepende sa kailangan palagi kaming nakikita sa taping, kung bakit kami okay.
“So now, it's exciting kasi nasa bagong chapter na rin kami. Ang seeing ourselves grow outside of Voltes V, kung ano man yung mangyayari sa careers namin, sa personal lives namin after Voltes V, it's so exciting to see kasi yun nga po, like what Miguel said, we're really rooting for each other. Yun nga po yung priority namin ngayon, is yung growth ng isa't isa."
