GORGY RULA:
Noong Biyernes, August 25, 2023, nagtapos ang Dirty Linen ng Kapamilya Channel. Naka-5.5% ito.
Nakatapat nito ang Amazing Earth ng GMA-7 na naka-5.1% naman.
Pero bago iyan, na-maintain ng Royal Blood ang mataas na ratings nito, at naka-10.5% nung gabing yun.
Ang katapat nitong Iron Heart ay naka-7.3%.
Noong Biyernes din ang finale ng GMA afternoon drama na The Seed of Love, at naka-11% ito.
Pero mataas pa rin ang Abot Kamay na Pangarap na naka-12.7%. Sumunod ang Magandang Dilag na naka-11.8%.
Nakatakda nang i-tape ang extension ng Magandang Dilag, pero may ilang nasa original cast na hindi na isasali.
Mahigit isang linggo lang silang magti-taping para sa dalawang linggong extension nito.
JERRY OLEA:
Nalalapit na ang pagtatapos ng Voltes V: Legacy, pero napag-iiwanan ito ng FPJ’s Batang Quiapo sa Game of Ratings.
Noong Agosto 25, Biyernes, ay 11.2% ang FPJ’s Batang Quiapo, samantalang 11% ang Voltes V: Legacy (katabla ng finale ng The Seed of Love).
Opo! Mas mataas noong Friday ang Abot Kamay Na Pangarap at Magandang Dilag kesa sa FPJ’s Batang Quiapo!
Noon pa kinakabog ng Abot Kamay Na Pangarap at Magandang Dilag ang Voltes V: Legacy.
Ang nakakalukring pa, noong Agosto 24, Huwebes ay mas malakas pa ang Royal Blood na naka-11.5%, kesa sa Voltes V: Legacy na naka-11.2% lamang.
Siyangapala, iyong laban ng Dominican Republic at Philippines sa 2023 FIBA Basketball World Cup noong Friday ay naka-6.3%.
NOEL FERRER:
Noong Lunes, August 28, naman nagsimula ang The Missing Husband na kapalit sa timeslot ng The Seed of Love. 7.5% ang nakuhang rating nito.
Ang Abot Kamay na Pangarap ay 12.9%, at ang Magandang Dilag ay 11.6%.
Noong Martes, August 29, ay bahagyang bumaba ang tatlong GMA afternoon drama, pero mataas pa rin ito sa ilang programang nasa primetime.
Ang Abot Kamay na Pangarap ay 11.6%. Ang Magandang Dilag naman ay 10.6%, at ang The Missing Husband ay 6.8%.
Dapat maganda ang takbo ng kuwento ng The Missing Husband, dahil ang pinalitan nitong The Seed of Love ay mababa rin ang pagsisimula pero tumaas na sa mga susunod na linggo hanggang sa finale episode nito.
