GORGY RULA:
Kasado na ang kasal nina Lovi Poe at Monty Blencowe sa Engand.
Read: Lovi Poe announces engagement to British boyfriend Monty Blencowe
Ipinost na ni Lovi sa Instagram ang wedding invitation na may caption pang "Signed, Sealed, Delivered."
Hindi lang nakasaad ang detalye ng kasal. Pero ayon sa ilang napagtanungan namin na malapit sa Kapamilya actress, sa Sabado, August 26 (England time), na gaganapin ang wedding.
Marami ang nag-aakalang ang wedding gown ang suot nito sa isang IG post niya na kung saan may caption na "fittings."
Pero ang sabi ng ilang kaibigang nandun na sa London, pictorial daw yun para sa cover ng isang magazine.
Read: Netizens imagine Lovi Poe as bride-to-be in dress fittings
Limitado lang daw ang mga imbitado sa wedding at ilan sa mga kaibigan nito sa showbiz na nandoon na sa London ay sina Max Collins, Rhian Ramos kasama si Congressman Sam Versoza.
Nangako ang source ng PEP Troika na magbibigay siya ng mga detalye at litrato ng gaganaping wedding.
JERRY OLEA:
Abang-abang tayo sa kahihinatnan ni Mokang, ang karakter ni Lovi sa FPJ’s Batang Quiapo.
Mula pa noong Agosto 7 ay itong FPJ’s Batang Quiapo ang pinakamalakas ang ratings sa mga drama seryeng ipinapalabas sa telebisyon.
Iyong Voltes V: Legacy, kinabog pa ng Abot Kamay Na Pangarap at Magandang Dilag sa ratings umpisa noong Agosto 17.
Hanggang Setyembre na lamang ang Voltes V: Legacy. Iyong papalit ditong Maging Sino Ka Man nina Barbie Forteza at David Licauco ay meron nang teaser na ipinapakita ng GMA-7.
Kaya abang-abang tayo sa kaganapan sa wedding at honeymoon ni Lovi… kung babalik pa siya if ever sa FPJ’s Batang Quiapo.
NOEL FERRER:
Balita ngang sa pagsisimula ni Lovi ng kanyang panibagong buhay, isang exciting na movie project ang naghihintay sa kanya kasama ang isang premyadong direktor na sila mismo ng magiging husband niya ang producer.
Handa na raw ang materyal, at ang inaayos na lang daw ay ang investors at funding. Kung gayon, kayanin pa kaya ni Lovi na magbalik-Batang Quiapo, o itong pelikula na ipo-produce nilang mag-asawa to be ang uunahin?
Abang-abang tayo sa mga susunod na ganap sa buhay may-asawa na ni Lovi. Our best wishes!!!
