PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos Eyes Unfinished Film with Sam Milby

“Kung hindi man siya matuloy, I promise na hindi ako yung magiging dahilan."
by PEP Troika
Published Aug 25, 2023
judy ann santos alaska presscon
Judy Ann Santos on fulfilling her duties as a mom and a wife: "More than anything, parang... ang na-realize ko, hindi lang naman ito dahil naging present ka sa mga anak mo, e, ikaw mismo bilang tao, bilang nanay. Napu-fulfill ko yung sinumpaan ko sa asawa ko na maging mabuting ina. Ako mismo, alam ko ginagawa ko yun lahat sa abot ng makakaya ko para maalagaan ko yung mga bata."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Gusto pa ring ituloy ni Judy Ann Santos ang pelikulang Mrs. Winters na pagsasamahan nila ni Sam Milby.

Naudlot ang shooting ng pelikulang ito na dapat ay kukunan sa Canada.

"Sa visa ko nagkaproblema. And then naubusan na kami ng winter. So, kung pinush through na namin siya ng May or June, Mrs. Autumn na siya o Mrs. Summer na siya.

"So, mawawala na yung essence ni Mrs. Winters," pahayag ni Judy Ann nang nakapanayam namin siya sa press launch ng bagong endorsement niyang Alaska Milk na ginanap sa Blue Leaf Events Place, sa BGC, Taguig, nitong Biyernes, Agosto 25, 2023.

Naka-commit na raw siya sa film project na ito na pagsasamahan nila ni Sam kaya gagawin pa rin daw niya kapag maayos na ang requirements, at meron lang snow sa kanilang location.

"So, I think at some point we'll just wait for the next winter to come. And hopefully, by that time makalabas na yung visa ko. Kung hindi pa, hindi pa alam kung ano yung next step.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero kasi with global warming hindi mo na talaga masabi kung kailan na ba talaga may snow," sabi pa ni Juday.

Basta tinitiyak ng Kapamilya actress na gagawin niya ang pelikulang ito.

"Committed pa rin naman. Hindi pa rin naman ako... hindi naman ako puwedeng bumack-out dahil nagsabi na kami, nag-announce na kami and I gave them my word.

“Kung hindi man siya matuloy, I promise na hindi ako yung magiging dahilan," pahayag ni Juday.

NOEL FERRER:

Natapos na rin ni Juday ang series na Call My Manager, at gusto raw niyang ibalik ang kanyang Judy Ann’s Kitchen, lalo na't may ganito na siyang endorsement na tingin ng taga-Alaska Milk ay bagay na bagay sa isang nanay na kagaya niya.

Talagang pinaglalaanan niya ng panahon para asikasuhin si Ryan at ang kanilang mga anak. Alas-singko ng umaga ay gising na raw siya para ayusin ang baon ng mga bata at pati na rin kay Ryan na papasok sa E.A.T.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maaga akong gumigising. I have to make the kids' baon. Prepare ko baon ni Ry before going to work.

"I always wake up in the morning, bago gisingin ang mga bata bago pumasok, gagawin ko yung mga baon nila.

"Ako ang gumagawa ng mga baon nila," pakli ni Juday.

Gusto lang daw niyang matiyak na healthy ang kinakain ng pamilya niya.

Kahit may work daw siya, tinitiyak niyang siya pa rin ang pumipili at nagpaplano ng baon ng mga bata pati ang kay Ryan.

JERRY OLEA:

Pati ang paghatid sa school sa mga bata ay talagang ginagawa ni Judy Ann.

"Ito kasi yung mga moments na hindi mo na talaga mababalikan. And gusto ko nandun ako, yung presence ko nandiyan. At saka it makes me happy.

“More than anything, parang... ang na-realize ko, hindi lang naman ito dahil naging present ka sa mga anak mo, e, ikaw mismo bilang tao, bilang nanay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Napu-fulfill ko yung sinumpaan ko sa asawa ko na maging mabuting ina. Ako mismo, alam ko ginagawa ko yun lahat sa abot ng makakaya ko para maalagaan ko yung mga bata.

"And iba yung energy ng bata kung ikaw mismo yung naghahatid, ikaw yung nagpi-prepare ng pagkain, at saka pag tinanong nila ako, alam ko yung isasagot ko," saad ni Juday.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos on fulfilling her duties as a mom and a wife: "More than anything, parang... ang na-realize ko, hindi lang naman ito dahil naging present ka sa mga anak mo, e, ikaw mismo bilang tao, bilang nanay. Napu-fulfill ko yung sinumpaan ko sa asawa ko na maging mabuting ina. Ako mismo, alam ko ginagawa ko yun lahat sa abot ng makakaya ko para maalagaan ko yung mga bata."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results