PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolo Revilla, Angelica Alita, nagpa-gender reveal party

Sen. Bong Revilla, talo sa pustahan nila ni Cong. Lani Mercado
by PEP Troika
Published Aug 20, 2023
Jolo Revilla
Angelica Alita-Revilla
Congressman Jolo Revilla at asawang si Angelica Alita-Revilla, masayang ibinalita na baby girl ang kanilang magiging pangay na anak na nakatakdang isilang sa Pebrero 2024. Live na ipinalabas ang gender reveal party sa Facebook page ni Senator Bong Revilla ngayong Linggo ng hapon, Agosto 20, 2023.
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook

GORGY RULA:

Panalo si Cong. Lani Mercado, at natalo si Sen. Bong Revilla sa bet nila kung baby boy o girl ang ipinagbubuntis ni Angelica Alita-Revilla, ang maybahay ni Cong. Jolo Revilla.

READ: Jolo Revilla at Angelica Alita, nagbunga ang pagmamahalan pagkatapos ng apat na taon

Live na ipinalabas nila ang gender reveal party sa Facebook account ni Sen. Bong Revilla ngayong Linggo, Agosto 20, kung saan namigay ng premyo sa kanyang mga FB followers ang actor/politician para ma-promote ang Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis na magtatapos na ang season one.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Cong. Lani, team girl siya, at team boy naman si Sen. Bong.

Sabi ng Representative ng Lone District of Bacoor, marami silang humulang girl.

"Happy naman kami kung girl, pero parang boy e," napapangiting pahayag ni Sen Bong.

Napaluha si Cong. Jolo nang na-reveal na baby girl ito.

Sinabi ng kapatid niyang si Loudette na gusto raw talaga ng kuya na magka-girl. Sinang-ayunan naman ito ni Jolo.

Jolo Revilla
Angelica Alita-Revilla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa totoo lang, sa amin kasing magkakapatid, ako kasi ang nagbabantay lagi sa mga kapatid ko, lalo na sa mga boyfriend nila.

"So, ako talaga yung pinaka-istrikto talaga sa kanila. Alam naman nila yun.

"Pero siyempre, very supportive naman ako sa kanila ngayon," pahayag ni Cong. Jolo.

Nasa 4th month na ang pagbubuntis ni Angel, at ang due date nito ay sa February 2024.

JERRY OLEA:

Natuwa si Cong. Lani na baby girl ang dagdag nilang apo.

"Bagay talaga na girl. Kasi may boy na, may girl pa. So, may partner na si Gab. And I'm sure Gab will be a very good kuya," sey ni Cong. Lani.

"I-enjoy niyo ang mga anak nyo, lalo na ngayon na may baby. I'm sure si Jolo, napakahilig niya sa mga babies, eto si Angel, first time Mommy. So, good luck to both of you.

“Nandito lang kami kung gusto niyo pasahan ng apo, at gusto nyong gumawa ng isa pang apo," mensahe ni Cong. Lani sa mag-asawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Binanggit ni Ganiel Krishnan na host ng naturang party na gusto raw ni Jolo na magkaroon sila ng anim na anak.

"Gayahin mo kami?" bulalas ni Cong. Lani.

Sabi naman ni Sen. Bong, “Happy ako girl. Pero talo kami. I'm happy for both of them. Importante, may boy ka na, may girl.

"Napaka-sweet ng babae. Maski ako, malambing sa babae talaga yung babae, e."

Natitiyak daw niyang magiging istrikto si Cong. Jolo sa kanyang anak na babae.

"Sigurado!" bulalas ni Sen. Bong. “Sa mga kapatid niya, puting tenga na yan, e.

"Ibig sabihin ng puting tenga, yung talagang sila yung nagbabantay e. Lalo na ito, tatay ka pa," sabi pa ng senador.

NOEL FERRER:

Kanya-kanyang trip talaga iyan. Nasabi ko na dati na I’m really not keen on mga gender reveals.

Pero kanya-kanyang desisyon iyan. At least, masaya ang pamilya ni Jolo sa kalalabasan ng anak nito.

Labas na ito kina Jolo at kung sinuman na nagpapa-gender reveal, naisip ko lang, paano pala kung part ng LGBTQIA++ community ang magiging kasarian ng anak? Hindi ba ito kasama sa mga choices na pagpipilian para maging mas inclusive ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Just asking.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congressman Jolo Revilla at asawang si Angelica Alita-Revilla, masayang ibinalita na baby girl ang kanilang magiging pangay na anak na nakatakdang isilang sa Pebrero 2024. Live na ipinalabas ang gender reveal party sa Facebook page ni Senator Bong Revilla ngayong Linggo ng hapon, Agosto 20, 2023.
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results