PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gay TV personality Ends Toxic Relationship

Sa sobrang praning, pati stock na condom, binibilang
by PEP Troika
Published Aug 20, 2023
blind item two men
Sino si gay TV personality na nakipaghiwalay sa kanyang bortang dyowa na peppermint dahil naging toxic na ang kanilang relasyon? Naging seloso at paranoid ang bortang peppermint.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

JERRY OLEA:

Single na naman ang status ng isang gay TV personality. Pero hindi sawi ang kanyang puso. Siya mismo ang kumalas sa relasyon nila ng bortang dyowa na peppermint.

Tinulungan ng TV personality ang bortang peppermint sa isang wagas na suliranin nito. Nahulog ang loob nila sa isa’t isa, lalo pa’t compatible sila sa pangangailangan ng kanilang katawang lupa.

Swak na swak ang kaldagan at hugpungan nila lalo na sa condominium, pero maingat pa rin sila at laging gumagamit ng condom.

Akala ni TV personality ay nasumpungan na niya ang kanyang forever na makakatuwang hanggang sa huling hibla ng kanyang hininga.

Kaso, naging seloso at paranoid ang bortang peppermint.

Nawindang si TV personality nang kumprontahin siya ni bortang peppermint, “Bakit kulang ng isa itong condom? Kanino mo ginamit?!”

Binibilang pala ni bortang peppermint ang stock ng condom nila. E, yung number of times na nagsugpong ang kanilang laman, hindi tugma sa bilang ng naiwang condom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa bilang ni bortang peppermint, kulang ng isa, kaya tamang hinala siya na nagtaksil sa pagsinta ang gay TV personality.

GORGY RULA:

Tawang-tawa kami nang magkuwento itong si gay TV personality tungkol sa nangyari sa kanila ng dating dyowa na bortang peppermint.

Medyo toxic na raw kasi ang ugnayan nila na umabot na sa pati ang condom ay iniimbentaryo.

Nung kinuwestiyon siya sa pagkawala ng isang condom, ipinaalala raw ni gay TV personality na sila ang gumamit nun. Pero hindi lang natuloy dahil sa halip na naabot nila ang rurok ang kaligayahan ay nag-away na lang daw sila.

Hindi na ikinuwento ni gay TV personality kung ano ang pinag-awayan nila habang naglalabing-labing. Basta, nag-walk out na lang daw siya at natulog na lang.

Sa dami ng ginagawa at inaalala ni TV personality, mas mabuting tigilan na raw ang pagla-lovelife dahil sa hindi iyon nakakatulong sa dami ng trabaho niya.

Kaya mag-focus na raw siya sa kanyang responsibilidad, at saka na raw ang lovelife kapag kaya nang isingit sa dami ng ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Naku, naku, mahirap maghanap ng forever kung maglalaro ka pa.

Baka hindi pa talaga panahon para mag-settle si gay TV personality. Mas mabuting maging top priority niya ang kanyang mga responsibilidad. I-bottom na lang muna niya ang pakikipagharutan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino si gay TV personality na nakipaghiwalay sa kanyang bortang dyowa na peppermint dahil naging toxic na ang kanilang relasyon? Naging seloso at paranoid ang bortang peppermint.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results