GORGY RULA:
Si Alden Richards ang special guest sa Master Class ng Sparkle GMA Artist Center na dinaluhan ng halos limampung kabataang artista.
Mga bagong talents ang karamihan sa kanila na dumadaan sa iba't ibang training at workshops. Pero isa rin sa dapat na matutunan nila ay kung paano i-handle ang kanilang mga kinikita.
Isa si Alden ang magandang halimbawa sa mga kabataang artista na nagtagumpay at hindi napariwara. Na-handle niya nang mabuti ang kanyang finances.
Nakapagpundar siya ng ilang negosyo at ngayon ay pinasok na rin niya ang movie production. Si Alden ang isa sa producers ng pelikulang Five Break-ups And a Romance nila ni Julia Montes.
Read: Alden Richards and Julia Montes reveal reasons for saying "yes" to 'Five Break-ups And A Romance'
Nagsalita si Alden sa mga bagong artista ng Sparkle, at nag-enjoy siyang ibahagi sa mga kabataang ito ang kanyang mga natutunan.
"Very healthy po and very fulfilling kasi, kahit papano, I was able to share some of my journey when it comes to finances.
"And happy ako na they listened attentively and their questions were very interesting," pahayag ni Alden pagkatapos niyang mag-talk.
Natuwa raw siya nang nakita ang mga kabataang ito dahil parang nakikita niya ang sarili nung nagsisimula pa lang siya.
"Yes. That's why, kaya yung care and concern ko sa kanila is there. Kasi, I was them before bago po ako mag-start. So, sana hindi po ito yung last," dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA:
Maraming ipinagpasalamat si Alden sa Panginoon na naabot niya itong tinatamasa niyang tagumpay.
Sa nakaraang mediacon ng month-long special niya sa Magpakailanman, ikinuwento niyang minsan ay parang hindi raw niya maisip kung paano niya ito narating.
Aniya, “Minsan, pag uuwi po ako sa Laguna, uupo ako dun sa swing sa garden, tapos ang ganda kasi ng view niya, nakita mo yung lawn, tapos nakita mo yung bahay.
"Sabi ko, minsan sinasabi ko, paano ko ito na-achieve?
"Alam ko sa sarili kung gaano ako kasipag magtrabaho. Alam ko kung gaano ako ka-hardworking, alam ko kung gaano ako ka-motivated.
"And yet, minsan hahabulin ka na lang nung mga bagay na na-invest mo na, ito pala yung bunga nun. Yun pala yung surreal moments na mabait si Lord.
"Parang walang tao na naghirap abutin yung pangarap na hindi bibigyan ng reward. Lalo pag alam mo sa sarili mo na ginawa mo yun out of goodwill, out of kabutihan.
“Kasi I think na wala kang niloko, walang inapakan, wala kang ginamit na tao para ma-achieve yun. Iyun pong mga moments na talagang 'thank You, Lord.’"
NOEL FERRER:
Goodwill and innate goodness °— these are what Alden possesses kaya naman siya blessed!
As he works for excellence and more honesty and brilliance in his performances, sana’y mabigyan talaga si Alden ng platform to express his inner self, his true longings and deep emotions na magko-connect sa viewers.
And yes, that project that will prove to the legit critics that, yes, he’s not only a good person, but a truly brilliant artist!!!
Kaya ni Alden iyan! Nasa tamang panahon lang yan!!!
